#TGFY 29

544 7 5
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 29

 

“Masakit na nakikita mong nasasaktan yung taong minamahal mo. Pero mas masakit na pinasa-mo lang yun taong syang tunay na nagmamahal sa iyo”

……………………….

Karlo’s POV

                Hindi parin ako makapiniwala sa lahat ng mga nangyari. Parang kanina lang excited kaming lahat sa nalalapit naming graduation, hanggang sa mag-sasalita na si Adrienne sa harapan para sa Valedictorian Speech nito, ng biglang may kung anong bagay ang sayang lumabas sa may Stage at nanlaki ang mga mata ng bawat isa noong makita ang hubad na katawan nila Bench At Trixie. Na syang nag-uusap tungkol sa pustahan nila kay Adrienne. Na paiibigin ito at kung mahulog na sa bitag ni Bench si Adrienne ay hihiwalayan niya ito. Hanggang ngayon nang-gagalaiti parin ako sa galit. Nasa harapan ko ngayon si Bench at gustoko ng sapakin ang makinis nyang pagmumukha. May bayag pa syang harapin si Adrienne pagkatapos ng lahat lahat?. Nanginginig na talaga ang kamao ko. Gusto ko na itong palapatin sa mukha ni bench. Pero pinipigilan lang ako ni Imee at ni Sophia ng oras na iyon. Hinila ako palayo ni Sophia, saka ko sya hinatid sa bahay nila. Noong nasa loob na kami ng kwarto niya. Bigla nya akong pinigilang umalis.

“kelangan nating mag-usap” sabi pa ni Sophia na seryoso ang mukha.

“Kung hindi naman importante, pwede bang wag muna ngayon?” sabi ko sabay talikod sa kanya upang iwan sya.

“Importante ito Karlo” medyo tumaas pa ang boses ni Sophia. Napalingon ako sa kanya at lumapit ng bahagya.

“Kung Problema yan, wag muna ngayon please? Kelangan ako ni Adrienne, kelangan ako ng bestfriend ko” sabi ko sa kanya.

“Kelangan kita ngayon Karlo”

“Ano na namang drama ito Sophia?” I try to calm myself. Naghahalo na yung emotion ko ngayon oras na ito.

“Buntis ako”

“Are you insane?” singhal ko sa kanya.

…paano?. Diba nag-ingat naman tayo, nag-ingat ako. Tss, tineck mo na ba?. Bumili ka na ba ng PT kit? (Pregnancy Test kit), baka naman pulse alarm lang yan. O baka naman delayed ka lang” gulong gulo na ang isip ko.

“Buntis ako karlo. I tried everything, marami na akong biniling PT KIT. At lahat sila positive, buntis ako karlo. At kelangan kita ngayon”

“Hindi pwede, bakit ngayon pa?, bakit? Sophia naman. Alam mo na marami pa akong pangarap, Sophia naman”

“Ibig bang sabihin nyan hindi mo ako pananagutan?”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon