#TGFY 11

810 11 7
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 11

“The hardest part of all, unchain my heart that’s holding on. How do I start, to live my life alone? Guess I’m just learning, learning the art of letting go”.

 

-Adrienne.

……………………………….

Adrienne’s POV

Siguro nga kelangan ko ng mag-move on. Oo kahit na wala naman talagang dapat ikapag-move-on sa aming dalawa ni Karlo. Hanggang may nararamdaman pa kasi ako sa kanya, tapos ineentertain ko yung damdamin ni Bench. Masasaktan ko si Bench. At may masasaktan ako sa kanilang dalawa. Hindi ko naman ninais o pinangarap na pag-agawan ng dalawang lalake. Ok lang mapansin ako ng crush kong si Bench. Pero kasi iba na ngayon, iba na yung sitwasyon. And it’s getting worst.

After ng Science class namin, dumeretso kaagad ako sa Theater Room para ihanda yung mga kakailanganin namin, dahil may isang linggo nalang kami para sa Big Event sa aming paaralan. Marami kasing mga batikang mga director at mga artista ang inimbitahan ang aming paaralan para sa gaganapin taunang Stage play. Na kung saan kami nga ang gaganap na mga karakter sa kwentong ginawa ko bilang isang Scripter sa aming Play.

“You’re almost late, kanina pa sila nandito” bungad pa sa akin ni teacher Nancy. Oo bakit nga ba ako nalate?. Uhmmm…pumunta kasi ako ng comfort room, tapos na aabutan ko sila Trixie at Ayris noong palabas na sila ng comfort room. Tinaasan pa ako ng kilay ni Ayris, pero wala naming kibo itong si Trixie, uhmm buti naman, hindi parin ako makapaniwala sa ginawa nya kay Karlo. Kahit na sobrang syang nasaktan ni karlo, hindi tama na saktan mo ang isang tao. Kaagad na akong pumasok sa cubicle pero pagkalipas ng ilang minuto.

As I try to open the door. “huh? Bakit hindi mabuksan?” kinabahan na ako. Sabay biglang nag-pop up sa utak ko yung mukha at yung kakaibang ngiti sa akin Ayris ng minutong iyon bago sila umalis. Haysss pinagtripan na naman nila ako. Katok ako ng katok hanggang sa may biglang nagbukas.

… Yung Janitor, maglilinis na raw sana sya para sa turn over nya at nagtaka sya kung bakit nakatali yung pintuan. At ang nakakapagtaka raw bakit walang pumasok. Sinagot ako ng janitor dahil sa may nakapaskil na. under construction raw ang  cr.  Pero ang mas nakakagulat, may nagsabi raw sa janitor na try daw nitong pumunta sa may cr na kung saan naroon ako,  at ayun nakita na nga nang janitor na nakatali at may nakapaskil doon sa labas ng cr.

Huhu hindi ko na ito pinansin. Kaagad akong kumaripas ng takbo at ayun hingal na hingal na akong nakarating sa Theater room.

All are staring at me. Lumapit pa si Bench na may kasamang pag-aalala.

“I was trying to call you, pero unattended yung phone mo” oo nalobat kasi yung phone ko. Gusto kong isagot kay Bench pero parang may hinahanap yung mata ko. Nasaan si Karlo.

Then, a few seconds.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon