THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 17
“Maging masaya ka kung makikita mong masaya ang taong gusto mong maging masaya, hindi yung mag-iinarte ka dahil sa nasa piling na sya ng iba”
………………………….
Sophia’s POV
Nandito ako ngayon sa harapan ng bahay nila karlo, susurpresahin ko sana sya. May dala kasi akong ulam na syang niluto ko pa galing sa bahay, pero noong kalalabas ko palang sa loob ng kotse may napansin akong isang babaeng pamilyar ang mukha.
Hawak-hawak nito yung isang Garbage bag na mukhang iiwan nya sa gilid ng kanilang bahay.
Tinawag ko ang pangalan nya at napalingon naman ito sa akin. Tama nga ang sinabe ko si Adrienne ito.
“Adrienne?” sabi ko pa sa kanya.
“Sophia? Anong ginagawa mo dito?” tanong pa nya sa akin, saka nya ibinaba yung hawak nyang basura.
“Hmmm,dadalawin ko lang si Karlo. dito ka pala nakatira, akala ko sa ibang street ka nakatira, hindi naman kasi nakwento ni Karlo na magkapitbahay pala kayo” sabi ko.
“well hindi naman nya kelangan sabihin sa iyo ang lahat, anyways marami pa akong gagawin. Sige mauna na ako” papasok na sana sya sa loob ng gate nila, pero napahinto ito saglit at muling lumingon sa akin.
“uhmm, Can we talk?” sabi nya sa akin.
“About what?” tanong ko sa kanya.
“About karlo” sagot nya, alam ko na magtataka sya kung paano kami naging sobrang close ni karlo. ewan ko rin hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko. Parang nakaramdam lang ako na okay sya, hindi naman kasi ako mahirap makipag-kaibigan kahit na sa mga lalake.
“What’s about karlo?” tanong ko sa kanya.
Inilabas nito yung cellphone.
“What’s your number?” tanong nito sa akin. Then I gave my number to her. Then she missed call my digit. Then she save it. Saka ngumiti at nagsabing…
“I’ll text you later” sabi pa nya.
Saka na ako tumalikod at bumalik sa harapan ng bahay nila karlo. nagdoorbell saka lumabas ang isang magandang babae, mukhang ito na ata yung mommy ni Karlo.
“Hello po, ako nga po pala…” hindi pa man ako tapos magpakilala ay kaagad nyang binuksan yung pintuan at pinapasok ako.
“So ikaw pala ang girlfriend ni karlo?” sabi ng mommy ni karlo. bigla tuloy akong nahiya, joke joke lang naman yung eh.
“uhmm, hindi po tita, kaibigan lang po ako ni karlo” sabi ko na, biglang feeling ko nag-init yung mukha ko. Tss lagot nagbublush ako, halatang nagsisinungaling!.
“hmm, pasok ka” yaya pa nya sa akin.
At noong pumasok na ako, naabutan kong nakaupo sa couch itong si karlo at nanonood ng sponge bob square pants, hindi ko maiwasang matawa kahit na sobrang pinipilit kong hindi tumawa, pero nagbust out talaga ako.
“Bwahahahahha” napatingin pa tuloy sa akin yung mommy nya at ganun din yung daddy nya na galing sa kusina.
“Anong ginagawa mo dito?” gulat na sabi ni karlo, hawak hawak pa nito yung remote at napatingin sa pinapanood nitong cartoons.
“opppsss! Sorry” sabi ko sabay peace sign. Nakita ko naman ngumiti yung daddy ni karlo saka tumabi sa mommy nito’t hinila para iwan kaming dalawa sa sala.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)