#TGFY 5

952 9 3
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 5

“Mahirap ibalik ang dati, lalong lalo na mahirap ibalik ang nakaraan kahit na gumawa ka pa ng paraan mahihirapan ka ng ibalik sila sa normal, sa gustong mung mangyari. Sa eksaktong eksakto, nakasakit ka? May nasaktan ka. Pwes magdusa ka”

-Karlo

……………………………..

“Play the music low, and sway to the Rhythm of love”

 

Narinig kong tumutunog sa radio ang kanta ng plain white t’s na Rhythm of love. Ang ganda ng melody ng kantang ito lalong nalo na yung mensahe ng kanta.

“Oh? Nandyan ka na pala?, kamusta ang schoo. Mukhang pagod na pagod ka ah?” pag-aalala pa sa akin ni mommy.

Binigyan ko sya ng mahigpit na yakap at halik sa kanyang pisngi.

“Ma I love you” sabi ko pa sa kanya

“I love you too” sagot naman nya sa akin habang hinalikan ako nito sa akin noo.

Bigla nalang tumulo yung hula ko. At narinig ito ni mommy. Yung pagsinghot ko.

“Oh? Bakit ka umiiyak?”

“Wala po, namiss ko lang po yung dati”

“Hindi parin ba kayo ok ni karlo?”

“paano nyo po nalaman?”

Umupo kaming dalawa ni mommy sa couch at habang sinusuklay nito ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.

We may only have tonight
But 'til the morning sun, you're mine, all mine
Play the music low
and sway to the rhythm of love

“dahil sa nanay mo ako. Kelangan ko rin malaman ang iba’t ibang bagay na ginagawa ng anak ko. Lalo na sa usapin pag-ibig”

“Ma” reklamo ko pa sa kanya.

“Ang anak ko. Konting taon pa ay tatanda ka narin katulad ko?. Makakahanap ka narin ng taong magmamahal sa iyo”

“hindi ako mag-mamahal ma”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon