KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 8
KARLO’S POV
Nakatingin ako sa magiging kwarto ko raw. Ok naman sya medyo maluwag, pero para kasing kwarto ng isang babae kaya nagtaka ako at parang nairita sa ayos ng magiging kwarto ko, bakit kasi hindi nalang ako doon matulog sa bahay namin.
Eh may sariling bahay naman kami, hays magagawa ko? Eh kautusan ni mommy na dito muna ako makituloy kasi nga ako lang ang mag-isa sa bahay. Syempre walang titingin raw sa akin?. Parang bata lang ang wala. Hello? 15 years old na po ako hindi na ako bata, pwede na nga ako makagawa ng bata. Wew joke lang syempre, wala pa sa isip ko ang mga ganun bagay.
Marami pa akong pangarap sa buhay at ayaw kong sirain ang buhay ng babaeng mamahalin ko kung ganun man ang mangyayari.
“ahm ito na po ba yung magiging kwarto ko?.” Sabay tingin kay tito paul at tita marie at kasama narin sa tiningnan ko si Adrienne.
“aarte pa? buti nga pinatira ka pa namin sa bahay namin eh.” Biglang sumagot itong dragona na ito, if I know gusting gusto nya akong tumira dito, kaya pala bigla syang umuuo kay mommy at hindi man lang nagdalawang isip na hindi ako patirahin dito, balat kayo ampota.
Napansin ko na pinagalitan ni tita marie si Adrienne sa inasal nito sa akin. Kunwari hindi ko nalang narinig at pinansin. Bait baitan ang peg ko ng oras na iyon pero sa totoo lang gusto ko na syang sunggaban at sapakin ng matauhan sya sa mga sinasabe nya.
“parang ayaw po ata ni Adrienne na tumira ako dito.” Patwitams ko pa. kunwari aalis na ako.
“hindi, you’ll stay here, Karlo. Walang magagawa si Apem kundi pakisamahan ka. You’re now part of the family.” Nakangitin sabi ni tita marie sa akin. Buti pa si tita marie sobrang bait, bakti kaya itong anak nila ang sama ng ugali?. Saan kaya niya ito pinaglihi?. Siguro sa sama ng loob.
Biglang nagdabog si Adrienne at umakyat ito sa kwarto nito. Ako naman ay pumasok na ako sa kwarto ko at inayos ko na yung mga gamit ko sa aparador. At inayos yung kwarto, tinanggal ko yung ibang irrelevant things inside that room. Like the big teddy bear. At iniligay ko ito sa backdoor. Sa may isang kwarto na kung saan nila iniilagay yung mga un use things nila. Paglabas ko ng backdoor.
“anak ng pusa.” Nagulat ako dahil nandoon si Adrienne.
“saan ka puputan?. Nakataas ang kilay nito at nakacross-arm. Yung mga typical maratay sa isang movie at television ganun ang peg ng babaeng mukhang dragon na ito.
“itatapon ko lang sana ito.” Hawak ko yung malaking teddy bear at yung ibang gamit. Actually hindi ko naman talaga itatapon, inexxage ko lang yung word para mas mainis sya sa akin. Pakyu ka.
Kaagad niyang kinuha yung malaking teddy bear.
“akin na yan, ang kapal din naman talaga ng mukha mo no?. bakit mo itatapon ang mga gamit na hindi mo naman pag-aari?.”
“sinabe ko pang pag-aari ko sila? Masyado kang jugdemental, eh kalat lang sila sa kwarto ko eh.”
“wow, kwarto mo?. Part ka ng family? Kapamilya ka namin. Kapuso?. Nakakatawa. Medyo assuming Karin no?.”
“baliw. Ikaw itong assuming. Hindi ko sinabe na part ako ng pamilya mo. Kung ikaw? Ayaw mong matulog, pwes ako matutulog na. paki tapon nalang itong mga gamit na ito, pwes ayaw mo naman na ako ang magtapon so. Ikaw nalang.”
Kaagad na akong tumalikod at tuluyan na syang iniwan. Pero sa pagtalikod ko ramdaman ko ang pagkainis nya sa akin. May pagdabog dabog pa syang nalalaman. Ewan ko lang ah?. Parang may nararamdaman ako na magiging exciting ang pagtira ko sa bahay ng mga GONZAGA.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)