#ENTRY 7

3.4K 32 6
                                    

A/N: thankyou. yun ang salitang masasabi ko sa inyong lahat. i can't believe na sa ilang chapter palang ng KKM ay nagustuhan nyo na kaagad, naghesitate pa nga akong ituloy ito kasi feeling ko hindi sya catchy. pero marami naman kasing nagsabi na kakaiba yung kwento which makes me shiver. charot. and continue yung pagsusulat. salamat ulit guys keep on reading, comment and votes. makakadagdag points yun sa akin para mas gandahan pa yung kwento.

PS. first POV ito ni karlo haha sana magustuhan nyo. tnx

xoxo

wackymervin.

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 7

Kinabukasan.

Sana hindi kami magkita ni kras. I mean ni karlo. Sana hindi ko sya makita, o kaya sana kapag nagkita kami, bigla nalang akong kunin ng lupa at biglang mawala, ayaw ko syang makita. O maski ang mga anghels nya. Nakakairita sila. Para silang mga uud. Uud? Wala lang. may masabi lang.

Nakasunglass ako kahit na ang lakas lakas ng ulan. May bagyo ata? Kasi itong si maring dumating na raw sa bansa. At sino ba si maring? Taga saan ba sya dati?. At bakit ngayon lang sya dumating?. Dumaan ba sya ng airport?. Whatever.

Ang lakas ng ulan mukhang babaha ata dito ngayon sa school.

Eh, medyo tanga ako. Hindi kasi ako marunong tumingin sa dinadaanan ko. Kaya ang ending.

Bugggggggggggggggggggggsh.

“arayyyy” nakahawak ako sa ulo kasi feeling ko mahuhulog ito dahil sa pagkabangga ko sa katawang ng isang tao. Pagtingala ko.

“anak ng puta.” Bigla kong tinakpak ang  bibig ko. Kasasabi ko lang na hindi ko sya gustong makita tapos ngayon nasa harapan ko na sya kaagad. Ano ba namang buhay ito?. Wala akong magagawa kundi harapin sya. Nakahanda na akong harapin ang takot ko. Joke.

“tinataguan mo ba ako?.” Tanong nya sa akin. Tsk hindi man lang nya muna ako pinatayo, nagtanong kaagad nya kung tinataguan ko sya. Adik talaga itong lalakeng ito.

“tinataguan? Bakit naman kita tataguan?. May atraso ba ako sa iyo?. Or should I say. Ikaw itong may atraso sa akin, for doing such a thing yesterday?.” Hmmm akala nya sya lang may regla. Adik babae ako nireregla din ako.

“ang lakas ng ulan, gusto mong maligo?.” Tanong ni karlo sa akin. Hindi pa man ako sumagot ng hindi. Eh kaagad nyang hinawakan ang kamay ko at mabilis nyang akong hinila palabas ng corridor at ayun. Nasa labas na kami basa na kaming dalawa.

Hawak hawak parin ni karlo ang kamay ko. Habang nakatitig ito sa langit. Tinitingnan nito ang pagpatak ng ulan. Nakatitig lang ako sa mukha nya. Shet ang gwapo nya talaga. Kaso masama ang ugali nya. Erase. Ersae. Erase mo na sya sa isip at puso mo baliw kaw.

“tinititigan mo na naman ako, akala ko ba hindi mo na ako gusto?.” Nakangiti na si karlo ng mga minutong iyon. Para syang ewan. Kanina lang ang yabang ng look nya ngayon wet look na sya parang anghel naman sya sa paningin ko. Bakit ganun?

Hindi ako sumagot. Bagkus iniwas ko ang tingin ko sa kanya. At pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkakawahak nya. Pero ayaw parin nya akong bitawan. Ano bang trip ng lalakeng ito.

“ang bilis mo namang sumuko.” Narinig kong binulong nya. Saka na nya ako binitawan.

At tuluyan na nya akong iniwan. Gusto ko pa sana syang tawagin. Pero hindi ko na nagawa. Pero hindi ko maintindihan yung iniwan nyang kataga sa akin.

“ang bilis mo namang sumuko.” Anong ibig nyang sabihing sumuko, ako? Sumuko na kaagad?. Sa kanya?. Hmmm. Ewan ko lang ah. Sa ugaling meron sya? Siguro walang taong gustong mahalin sya kasi baliw sya. Adik sya. Grrrrr nakakainis sya.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon