KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 44
“kapag nagmahal ka, wag mong isiping masasaktan ka. Ang isipin mo, kung paano ka magiging Masaya sa piling nya.”
………………………………
KARLO’S POV
“I love you”
Shet ano bang nakain ko? At bakit ko nasabi yung salitang iyon kay Adrienne?. Ang gusto ko lang naman sanang sabihin eh. I miss her so much. Pero hindi kasi talaga marunong magsinungaling ang puso ko, kahit na hindi naman talaga sa akin ito?.
Pagkatapos kong sabihin yun eh hindi na ulit ako nagsalita. Gusto ko syang tanungin. Marami akong bagay na gustong itanong kay Apem. Mga bagay na pwedeng magpaliwanag sa akin sa mga bagay na nakikita ko sa kanilang dalawa ni Bench. Sila na ba? O nililigawan palang sya ng Boy Puti na iyon?.
Bakit ba ako na ngangamba? Bakit ba ako natatakot?. Bakit ba ako nagkakaganito?.
Bakit ako curious? Bakit ba ako nagagalit? Bakit ba ako naiiyak? Bakit ba ako naiinis?
Do I deserved to feel this right now?.
Kanina kasi nakita ko na may bitbit na bulakbalk si bench. At magkausap silang dalawa na para bang sobrang lapit ng kanilang mukha. Yung akala ko eh naghahalikan na sila? Shete nagseselos ba ako? Pakialam ko kung maghalikan sila?. Ay hindi pwede…ako lang dapat ang hahalik kay Apem. Ayyyyyyyyyyyyyytssss
Actually nasa likod lang ako ng pintuan ng kanilang Classroom. Na kung saan nandoon si Apem. Noong lumabas ito para sagutin yung tawag ko sa kanya. Hindi ko man nakikita yung reaksyon ng mukha nya noong sinabe ko na mahal ko sya eh alam kong nagtatalon yung sa kilig. Or should I say hindi na nya papansinin kung ano mang mga bagay ang sasabihin ko kasi….binabewala ko lang sya, binabalewala ko lang yung pagmamahal nya sa akin?.
Oo gusto ko na talaga kasi si Apem. Yung feeling na hinahanap lagi sya ng mga mata ko? Laging nagtatanong yung mga mata ko bakit hindi mo nakiktia si Apem?. Bakit hindi kayo magkasama?
Yung bibig ko lagi syang bukambibig. Walang oras na hindi lumalabas ang pangalang Adrienne, kahit na kapag nasa classe ako minsan Adrienne ang nagsasagot ko, pero as usual mahina lang ang boses ko.
Yung mga kamay ko. Gustong gusto na ulit mahawakan yung kamay ni Apem. Yung malambot nyang mukha, yung matangos nyang ilong, mapungay na mga mata, mapulang labi, yung dibdib nya? Ay never mind nalang.
I seriously badly and fucking miss this fucking Girl who stole my heart. Shit.
Kaagad pinatay ni Adrienne yung tawag ko sa kanya pagkatapos kong sabihin na “iloveyou” narinig ko na nasa likod ng linya ay nandoon ang boses ni Bench. Alam kong kaya nya pinatay yung tawag ko eh para hindi malaman ni bench na ako yung kausap ni Adrienne.
Nandoon parin ako sa likod ng pintuan. 2 minutes nalang eh magsisimula na ang first subject namin pero nandito parin ako sa second floor at nasa likod parin ako ng pintuan nakikinig sa usapan nilang dalawa.
“may problema ba? Adrienne” hindi na tinatawag ni Bench na my princess si Adrienne. Nakakaasiwa rin naman kasi na tawaging prinsesa si Adrienne palaka pwede pa pero prinsesa? Tsk. Wag nalang. Kotong abot nya sa akin.
“hmm wala…may nakamiss lang sa akin” sagot pa ni Adrienne.
Hindi ko alam kung positive ba yun, kung mag-giging Masaya ba ako o magiging malungkot? Pero mas nangingibabawa yung pagiging Masaya ko kasi narecognize nya na namiss ko talaga sya.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)