THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 3
“Lumilipas ang oras, umiikot ang mundo. Nasasaktan ang mga tao kaya sila nagbabago.”
-Karlo
…………………………………
Karlo’s POV
4 na minuto.
Oo apat na minuto na ang nakakalipas pero hindi parin lumalabas si Adrienne sa Cr ng Coffee shop na iyon, pagkatapos iabot ni Bench yung regaling ibinigay nya kay Apem na kung saan ay parang damit ata ito, at pinasukat at pinasuot ito kay Adrienne.
Malapit lang ako sa kinauupuan nila, natatakpan lang ng isang Divider ang upuan ko kaya hindi nila ako napapansin pero sila?. Kitang kita ko.
At noong lumabas na si Adrienne, ay nanlaki ang mga mata ko.
Mas gumaganda sya nitong mga nakaraang araw. Dati ni hindi ko napapansing maganda sya. Kasi yung mga suot nya ay palaging loose shirt tapos laging nakapants, nakikita ko lang syang nakapalda tuwing nasa school, tapos hindi rin ito marunong mag-paganda ng sarili. Yung mag-make up, mag lipstick, at higit sa lahat halos mas lalake pa sa akin gumalaw.
Noong una nga eh, akala ko tomboy ito kasi nagagandahan raw it okay Trixie. Pero ngayon nakatitig ang dalawang mata ko sa kanya, at nakangiti ako habang Masaya itong tinititigan. Pero sana ako yun kasama nya sa table na iyon at hindi yung bench nay un.
Alam ko kung anong takbo ng utak ni Bench. Paglalaruan nya lang si Adrienne at hindi ako papayag doon, kaya kahit nagmumukha akong tanga sa pag-sunod sa kanila dito eh gagawin ko ang lahat mabantayan lang si Adrienne.
Tumayo pa si Adrienne at patungo ito sa kinauupuan ko. Tinakpan ko pa yung mukha ko ng bag ko.
Nakatingin lang ang mga mata ko sa sahig ng coffee shop. Yung Stilettos na ibigay rin ni Bench ay suot nito, nakatayo sya sa harapan ko. At bumibilis ang tibok ng dibdib ko. Paano kung malaman nya na ako yung taong nasa likod ng nagtatagong bag na ito?. Hays paano ko mai-eexplain sa kanya?.
Hanggang sa marinig ko syang magsalita.
“Opo ma, pauwi na po, nakipag-kita lang ako sa isang kaibigan.” Sabi pa nito sa kanyang kausap. At sa pagkakarinig ko ang kausap nya sa kabilang linya ay si Tita Marie.
Saka hindi ko na narinig nagsalita si Adrienne, at bumalik muli ito kay Bench. Pagkalipas ng ilang minuto pang pag-uusap ay nagyaya na itong si Apem na umuwi sila dahil nag-aalala na nga raw itong si tita marie sa kanya. Saka inihatid na ni Bench si Adrienne sa kanila.
Hanggang sa bahay nila Apem ay sinundan ko sila. Gusto ko kasi makasiguro na hindi sila sa kung saan pupunta. O saan ihahatid ni Bench yung bestfriend ko.
At buti nalang ay inihatid nya ito sa bahay ng mga Gonzaga sa tamang oras na inaasahan ni Tita marie.
Sa malayo ay nakita kong kinausap pa ni tita marie si Bench, at sa galaw ng kanilang mga bibig ay nababasa ko ang kanilang usapan.
Nagpasalamat pa muli si tita kay Bench dahil sa pag-hatid nito sa kanyang anak. Kaagad na pumasok si Adrienne sa loob ng bahay nila, pagkatapos nitong kumaway saying goodbye at goodnite kay Bench.
Saka pumasok narin ako sa bahay namin.
“Bakit late ka na umuwi?” sermon pa sa akin ni mommy habang yung dalawang kamay nito ay nasa bewang nya at nakataas pa ang kilay nito.
Nagmano muna ako sa kanya. Then I kiss her rosy cheek. At saka ako nagpaliwanag.
“Sinundan ko Adrienne, nakipagdate kasi yun sa kung sino tapos ayun. Sinugurado ko lang na ok sya at walang masamang mangyayari sa kanya ko ginawa yun walang iba ah?”
![](https://img.wattpad.com/cover/7759787-288-k329471.jpg)
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)