KUMUSTA KRAS MO?
A/N: hays guys (kaway kaway ng kamay) hello? po ako nga po pala...(insert evil smile) adik lang. gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong walang sawang pagsupporta. (artista?) eniweys.
i would like to thank those people. ( hahaha sige ituloy mo nose bleed ka dyan)
sige salamat nalang sa inyo. salamat sa pagbabasa. salamat sa pag-aksaya ng oras sa akin. i really appreciate it. at doon sa mga nagsasabi na masipag akong mag-update. yung totoo ayoko kayong mawala, at baka kasi kapag nagtagal ako ng update eh bigla kayong mawala at mawala sa isipan nyo yung mga scenes ng kwento. kaya nag-uupdate ako.
simple lang. dahil mahal ko kayo. i owe you guys kung bakit mabilis na dumadami yung reads/votes/....comments???? konti lang. ipush pa natin yung maraming comment kapag maraming comments sige hindi ko papatayin si Karlo (wow).
o zsa-zsa zaturna. basahin na ang aking madamdaming birada dahil ngayon gabi ikaw ay magiging masaya. hala basa na.
Wackymervin
ooppps GRinMinded.
#ENTRY 65
“kapag masaya ka ipakita at iparamdam mo sa kanya para pareho na kayong dalawa masaya, hindi yung ikaw lang ang masaya pero yung kasama mo eh sukang-suka na pala”.
-Adrienne.
…………………………….
Adrienne’s POV
Nasa harapan ko si karlo. Iniimpake nito ang mga gamit na dadalhin namin sa trip namin doon sa palawan courtesy of my bestfriend oo, he is one of my bestfriend…Bench.
“nakatitig ka lang dyan?. Bakit hindi mo kaya ako tulungan?” reklamo pa ni Karlo sa akin habang wala akong ginagawa at nakatitig lang sa kanya habang sya aligaga sa paghahanap ng mga damit na gagamitin at susuotin nya sa palawan.
“nakakatawa ka kasi eh” sabi ko pa sa kanya sabay tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinulungan na sya.
“anong nakakatawa sa ginagawa ko huh?” reklamo pa nya.
“ipa-paalala ko lang sa iyo na 3 araw lang tayo doon. Ok? At hindi pang habang buhay, hindi tayo magtatanan napaka-bata ko pa para magtanan no? bakit ba kasi marami kang damit na dadalhin aber?”
Binitawan ni Karlo yung jersey na damit na kinuha nya sa kanyang closet at inihagis ito sa kanyang kama. Sumimangot si karlo saka umupo ito sa kanyang kama.
“oh??? Nakasimangot?”
“mukha ba?” sarcastikong sagot nya. Lumapit ako sa kanya at pinisil yung pisngi nya.
“anong arte yan? Ah?”
“hindi na ako sasama” sabi pa nya habang nakatitig sa sahig ng kwarto nya. Itinaas ko ang mukha nya gamit ang kamay ko at sinabeng…
“tumingin ka sa mga mata ko” at tumitig naman sya.
…karlo, naman…ano na namang problema?” hindi sya sumagot bagkus tumahimik sya at biglang humiga.
“karlo para kang bata…pabago-bago ng isip. Ano ba? Itutuloy ba natin ito?.” Padabog na akong nagsasalita sa harapan nya.
Pero hindi parin sya naimik.
“karloooo…ikakalat ko itong mga gamit mo kapag hindi ka tumayo dyan”
Pero hindi parin sya nagsasalita naka-tagilid sya. Iniharap ko sya, gamit ang kamay ko pero noong ginalaw ko na sya nakapikit na pala ito.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)