KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 37
“Di mo matatagpuan ang bagay na magpapaligaya sa iyo hangga’t di mo alam kung ano ang ikakasaya mo”
………………………………..
Adrienne’s POV
As usual sabay parin kaming pumasok ni karlo, pero gaya ng kahapon eh hindi na naman nagsalita itong si karlo sa loob ng kotse, pero ayaw ko kasi na ako yung gumawa ng move para mag-karoon ng pag-uusap sa amin dalawa atsaka wala naman kaming dapat pag-usapan.
Kapag nagsalita ako eh aasarin nya lang ako, tapos maasar din ako, tapos iinit na naman ang ulo ko sa kanya. Kaya nagpatuloy ang hindi namin pag-pansinan hanggang sa makarating kami sa school.
At noong bumaba na ako eh nakasalubong ko si Gravity. Pati itong bestfriend ko eh napapansin na hindi na kami gaanong nag-uusap ni karlo.
“may problema kayong dalawa?” tanong pa sa akin ni Gravity.
“wala kaming problema” sagot ko naman sa kanya. Talaga naman eh wala kaming problema. Paano naman kami magkakaroon ng problema?
Eh sa una palang eh puro problema na ang hatid namin sa isa’t isa.
“eh bakit parang magka-away kayong dalawa, hindi nagpapansinan, walang kibuan? Hindi mo na ba sya kras?”
Medyo tsimoso kasi itong bestfriend ko no?.
“hays, Gravity. Si karlo kras ko sya, dati pero kasi ngayon parang mas nakikilala ko na yung tunay na karlo eh, na malayo sa tingin ng ibang tao”
“so hindi mo na sya kras? Love mo na sya?”
“hoy bata pa ako hindi pa ako pwedeng mainlove, no at alam mo yun”
“pwede namang secret, secret love”
“duh? Sa ingay ng bibig mo at baho nito lahat makakaalam tsk”
“so ibig sabihin eh, may possibility na mahulog ka sa kanya?”
“hays ang kulit mo, oo nahulog na ako sa kanya, pero pinabayaan nya lang akong mahulog sa kanya. Hidni naman nya kasi ako sinalo kaasar diba?”
0_0 ito ang reaksyon ni Gravity. Nanlaki ang mga mata nito.
“ibig sabihin umamin ka na sa kanya na gusto mo sya?”
“kasasabi ko lang diba?, last 2 weeks na pero gaya ng sabi ko hindi nya ako sinagot, or should I say wala syang sagot, wala kasi syang kwentang kausap eh”
“sweeeeeeeeeeeeeeeeeeeet” kinikilig itong bestfriend ko. Alam kong noong una eh hindi nya gusto si karlo para sa akin kasi nga sa ugali nito, maangas, bully, pasaway, mayabang lahat na ata ng mga masasamang salita na dapat idescribe sa kanya yun na raw yung mga salitang bagay sa kanya at nakikita sa kanya ng tao.
Pero sa twing nakikita raw ni gravity na nakangiti ako kasama si karlo eh Masaya na rin itong bestfriend ko.
“so paano yan?”
“edi wala na, there’s so many fishes in the ocean”
“pero you pick the delicious and precious one, pinabayaan mo lang” sabi pa ni Gravity.
Kahit walang utak itong bestfriend ko eh, minsan may sense ang sinasabe nito. Saan kaya nya ito nahuhugot itong mga ganitong eksena?.
Bigla tuloy akong nalungkot.
Tumingin ako sa malayo, tapos nakita ko si bench. Nakakaway sa malayo, palapit na ito sa amin ni gravity.
Noong nasa harapan ko na sya eh. Ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)