If Heaven was needing a Hero

47 1 0
                                    



Hindi ko na sasabihin kung anong taon 'to kasi baka malaman niyo edad ko eh. May kaklase ako nung first year high school na transferee, si Gellie. Morena, wavy yung buhok, hindi katangkaran pero sobrang talino tsaka mahinhin. Hindi makabasag pinggan kumbaga. Narinig kong pinag uusapan ng mga kaklase ko si Gellie. Lalo na yung mga top notchers sa amin, malaking banta sa kanila si Gellie dahil matalino nga at galing sa magandang school. Sa madaling salita, naging tampukan ng mga bullies si Gellie. Kahit sa ibang section na tropa ng mga matatalinong kup*l sa amin ay hindi siya nakaligtas sa pangungutya. Ff. Break time, si Gellie ay kumakain mag isa. Habang itong mga kaklase kong nagmamaganda pinag uusapan siya, kesyo matalino lang naman at di naman daw maganda. Naririnig ko yung pinag uusapan nila pero di ako nakikielam, basta ba wag lang sila magsisimula ng gulo tsaka nakikita ko na hindi naman sila pinapansin nung tao. Hanggang sa itong kaklase kong di rin naman maganda, akmang babatuhin si Gellie ng tumbler.Ako: Oy oy oy! Gusto mo sayo ko ibato yan?! Di naman kayo inaano eh. Di ka rin maganda ah para sabihin ko sayo. Tinarayan lang ako ng kaklase ko at napatingin naman si Gellie sa likod niya dahil nagulat siya sa sinabi ko. Aaminin ko, pala-away din talaga ako noong estudyante ako at siga daw kung magsalita. Pero hindi ako bully, at hindi ako nag-uumpisa ng away. Wala rin akong kaibigan kasi ayoko talaga makisama at makipag sosyalan sa mga kaklase kong mga muka namang uod. Sobrang pili lang talaga yung mga taong sinasamahan ko. Uwian na namin, nag aayos ako ng locker ko kasi iniiwan ko yung mga libro ko na wala namang homework. Nagulat ako ng lumapit sakin si Gellie at binigyan ako ng Cloud 9. Ako: Para saan 'to? Gellie: Gusto ko lang mag thank you sa ginawa mo kanina. Ako: Ah, wala yun. Pero di ko to tatanggihan.Mahilig kasi ako sa chocolates kaya tinanggap ko din yung bigay niya. Kinabukasan, 6:30 pa lang nasa school na ako. 7:00 kasi ang klase namin nun pero sobrang aga ko pumapasok. Kung para sa akin ay maaga na yun, ano pa kaya yung oras na pumapasok si Gellie dahil mas maaga siya. Pag napasok ako ng 6:30 naaabutan ko na siya sa room. Umupo lang ako at di ko siya pinansin, kasi nga hindi naman ako friendly at ma-chika. Nagcecellphone lang ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko. Ako: *napatingin sa kanya* Bat anjan ka? May nakaupo na jan, baka asarin ka na naman nila pag naabutan ka ni Zelle na nakaupo jan. Gellie: Alam ko. Wala pa naman siya eh. Gusto lang kita maka-kwentuhan. Ako: Ah, tungkol saan? Gellie: Bakit parang wala ka ding kaibigan dito? Hindi ka naman transferee diba? Pansin ko kasi na wala ka ding sinasamahang grupo, hindi katulad nila. Ako: Kailangan ba meron? Tsaka hindi mo ako mapapasasama sa mga taong katulad nila.Gellie: Oo nga eh. Alam ko naman yun. Nakikita ko naman kung ano ugali nila. Ako: Tsaka pag binubully ka, ipagtanggol mo sarili mo. Wala ka namang ibang kakampi kundi sarili mo lang. Labanan mo sila para matigil na sila kakabully sayo. Gellie: Hindi ako sanay makipag-away eh. Tsaka hayaan mo na. Pag may ginawa sila sakin pwede ko naman sabihin sa guidance. Ff. Recognition day. During flag ceremony namin ginaganap ang recognition, tinatawag yung mga top notchers para pumunta sa unahan at para ibigay ang certificate. Natatawa ako sa mga top notchers ng section namin dahil parang mga kiti-kiti na hindi makapag hintay na matawag pangalan nila, nanghuhula pa sila kung pang-ilan sila. Ito yung mga convo nila na natatawa nalang ako pero di ko pinapahalata. Zelle: Feeling ko pang 5th ako. Ikaw? Yan: Sus, parang hindi mo naman alam syempre ako yung first pa rin jan. Zelle: Eh yung isa kaya jan, pang ilan? Pang 8th? Pinariringgan nila si Gellie. Pero hindi naman niya pinapansin. So ito na, section na namin yung tinatawag. Natawag na ng adviser ko from 10th to 3rd. Sad life si Zelle kasi hindi siya natawag. Adviser: Our second top notcher for this quarter, (Full name ni Yan). Lumapit naman si Yan sa harap at parang nagulat siya dahil pang second lang siya. Habang papabalik siya sa pila ng section namin, inasar ko siya ng pabulong. Ako: Ayan, karma. Adviser: Finally, our first top notcher, (Full name ni Gellie) Nang makabalik na sa pila si Gellie. Binati ko ito. Ako: Congrats! *sinabi ko lang din ng pabulong pero sapat na ang lakas para marinig ni Yan*Nung nasa classroom na kami, biglang umiyak si Yan. Dahil pang second lang daw siya. Kino-comfort pa siya nung mga kaklase ko ding mga plastic. Hahaha. Nang bigla niyang sigawan si Gellie. Yan: Bakit kasi andito ka eh! Mababawi ko rin sayo yan! Mamamatay ka din! Ako: Tangin*ng yan. Dahil lang jan ngumangawa ka. Ang OA mo naman. Tanggapin mo nalang kasi na hindi sa lahat ng oras ikaw magaling. Na may hihigit pa sayo. Zelle: Tumigil ka na nga! Umiiyak na nga yung tao ganyan pa sasabihin mo. Ako: Totoo naman ah. Kasalanan ba ni Gellie kung mas matalino siya kesa sa kaibigan mo. Pare-parehas lang kayong mga mukang sira*lo eh. Gellie: *lumapit kay Yan* Sorry. Ako: Bat nagsosorry ka? Yaan mo yan. Nagpapacute lang yan. Ff. Hindi matanggap ni Yan na hindi siya ang nangunguna. Well, matalino nga naman kasi talaga siya pero anong magagawa kung may humigit sa talino niya. Di naman kasalanan ng isa na mas matalino siya. Tuwing nakakatanggap ng parangal at tuwing binibida ng teachers si Gellie nabi-bwisit si Yan. Kumbaga lason sa kanya pag alam niyang maraming humahanga kay Gellie. Tuwing breaktime nila pinupuntirya si Gellie. Syempre naaawa na rin ako. Si Yan, may mga tropa siya sa higher level na kasama nila sa pambubully. Nasa classroom si Gellie, kumakain ng kanyang baon. Ako naman ay papasok ng classroom galing canteen. Yung mga bullies nasa harap ng room at binubully si Gellie. Tropang bakla ni Yan: Hello, bansot! *sabi nito kay Gellie* Oy bansot napaka isnabera mo naman! Ayaw mamansin! *at sabay sabay naman silang tatawa* Marami pa silang sinasabi na pangunguyta kay Gellie hanggang sa tumayo na ako at nilabas ko sila. Naririndi na rin kasi ako dahil ang ingay talaga nila. Nakakayamot yung ingay nila. Ako: Tangin* mong bakla ka napaka ingay mo! Bakla: Oh. Ayan na pala yung tagapag tanggol e! Ako: Wag kang mag ingay dito! Pabansot bansot ka pa akala mo naman ang tangkad mo! Pitikin ko mata mo eh! Papasok na ulit sana ako sa pinto ng classroom namin ng biglang hinila ni bakla ang buhok ko. Ako: Ah tangin* mo gusto mo ng away! Nagkasabunutan kami ni bakla at pinitik ko talaga ang mata niya. Pinagsisipa ko siya sa mukha. Hanggang sa makita kami ng ibang teacher na nagkakagulo at dinala kami sa guidance. Guidance: Ano bang problema at umabot kayo sa ganito? Ako: Ang iingay kasi nila sa harap ng classroom namin dahil binubully nila si Gellie, tumayo ako sir at nilabas ko sila para sabihan na wag maingay. Tapos nung papasok na ako biglang hinila niya buhok ko. Bakla: Eh ano bang pake mo kung maingay kami? Breaktime naman yun ah! Tsaka sir, tignan niyo po ginawa niya sakin. *sabay turo sa mata niya*Guidance: Oo nga naman, eh bakit naman namumula ng ganyan ang mata niya? Ako: Pinitik ko po. Guidance: Ay bakit mo naman pinitik? Ako: Eh bago po kami magkagulo sinabihan ko siya na pipitikin ko mata niya pag di siya tumigil e. Bigla namang dumating sa guidance room si Gellie. Gellie: *kumatok sa pinto* Sir, excuse po. Magwiwitness lang po ako dahil nakita ko po ang nangyari kanina. Wala naman pong kasalanan si A***** pinagtanggol lang po niya ako. Ff. Uwian na. Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko ang nakaaway ko kanina. Bakla: Hindi pa tayo tapos ah! Ako: Asa ka namang matatakot ako sayo. Pasalamat ka nga isang mata mo lang pinitik ko. Umalis na din ako at patuloy na naglakad. Biglang tinawag ako ni Gellie habang papalapit siya sakin. Gellie: Uy! Kamusta mga kalmot mo? Masakit pa ba? Ako: Hindi na, wala 'to. Di ko naman iniinda. Gellie: Di mo naman kasi sila kailangan awayin eh. Ako: Anong gusto mo matuwa pa ko sa kanila? Tsaka hindi porke pinagtanggol kita magkaibigan na tayo no. Gellie: Ang sungit mo naman. Oo na pasensya ka na. Sa susunod hayaan mo nalang sila para di ka na mapaaway dahil lang sakin. Ff 20x. Di katagalan naging magkaibigan na rin kami ni Gellie. Opposite attracts nga talaga siguro, kasi sobrang magkaiba kami ng ugali pero nagkasundo naman kami. Baliktad talaga kami ng ugali, lahat ata ng masama sakin napunta. Ff. October, magkakaroon ng event sa school namin na United Nations. Ako ang muse sa section namin na yun pero ayaw na ayaw ko talaga sumali sa ganyan. Tinanggap ko nalang kasi exempted sa periodical exam tsaka okay din kasi laging excuse sa klase para mag practice. Natatapos ang practice namin saktong uwian na, 4pm. Kaya dinadaanan ako ni Gellie sa hall para sabay kaming lumabas ng school. Nag aantay kami ng jeep, ng bilang mag-aya si Gellie. Gellie: Kain tayo bago umuwi. Ako: Sige tara, saan? Gellie: Uhm, tara sa Shakeys! Ako: Wag dun. Ang mahal dun eh. KFC nalang. Gellie: Ako nang bahala. Libre kita. Ako: Oy talaga ba? Sige, tara. Mahal na para sakin ang Shakeys nung mga panahon na yun kasi magkano lang naman baon ko. Haha pinag aaral lang kasi ako nun kaya kailangan ko din magtipid tipid dahil nahihiya ako manghingi ng pera. Habang nasa Shakeys kami nagkkwentuhan at tawanan lang kami. Gellie: Huy ah, dapat ipanalo mo yung event ngayon. Ako: Di ako sigurado noh, first time ko nga lang sumali sa pageant na ganyan. Gellie: Kaya mo yan! Manunuod ako kaya dapat di ka mapahiya sakin kase tatawanan talaga kita pag natalo ka. Ako: Sira*lo ka. *sabay kaming nagtawanan*Ff. Kinabukasan, pag pasok ko wala pa si Gellie sa room. Nagtataka ako pero sa isip ko baka late lang. Dahil hindi talaga ugali ni Gellie ang umabsent o ma-late. Pero baka lang kasi natraffic. Tinawag na ako agad ng partner ko sa practice, tatlong araw nalang kasi at U.N na kaya kailangan maghapon na sa practice. Pagtapos namin, umupo lang ako saglit para magpahinga. Hinihintay ko din si Gellie dahil nga lagi niya akong dinadaanan sa hall. Halos 30 minutes din akong naghintay, baka kako kasama sa cleaners kaya pumunta na ako sa room namin. Pero wala akong Gellie na nadatnan, at sarado na din ang room namin. "Ay, absent nga. Text ko nalang pag-uwi." sabi ko sa sarili. Kinabukasan nun, pagpasok ko ng room wala pa rin si Gellie. Dun na ako sobrang nagtaka kasi hindi talaga umaabsent yun at ayaw na ayaw niya na nale-late siya. Yung mga kaklase ko, nakatingin lang sakin. Edi hinayaan ko na muna kasi kailangan ko na pumunta sa hall. Two days nalang U.N na. Ff. Araw na ng event ng school namin. Kasama ko ang pinsan ko nun na nag aayos sa akin, at para na din siya ang maghawak ng mga costume ko kasi kailangan palit-palit ng costume. Habang minamake-up-an niya ako, lingon ako ng lingon sa paligid. Pinsan: Huy ano ba, ang likot mo naman. Masisira tong make up mo kakagalaw mo. Ako: Sorry. Hinahanap ko kasi si Gellie eh. Bat kaya wala pa yun. Pinsan: Dadating din yun mamaya. Baka na-late lang. Ako: Hindi eh, ilang araw ko na siyang di nakikita. Tsaka di rin nagrereply sa text ko. Ff. Nag start na ang event. Nasa stage na ako. Maya maya pa ay nakita ko si Gellie sa kalayuan, pumasok ng hall at umupo dun sa may dulong upuan. Kumaway pa ito sa akin at nag thumbs up para sabihin sa akin na "goodluck!". Nginitian ko naman siya. Akala ko kasi hindi siya makakarating sa mismong event, eh nangako siya na manunuod siya nun at dapat daw ipanalo ko. Ff. Tapos na ang event, habang nasa backstage ako dali-dali akong nagbihis para salubungin si Gellie sa labas at ihahampas ko tong trophy ko sa kanya dahil nanalo ako. Biro lang. Basta excited ako na lumabas. Nang marinig kong nagsasalita sa stage ang adviser ko. Nagtanong ako sa partner ko na nagbibihis din. Ako: Raf, si Ma'am G ba yun? Raf: Oo? Parang boses niya eh. May announcement yata. Sinabihan kami ni Ma'am W na wag muna lumabas ng backstage dahil may announcement si Ma'am G. Ma'am G: Binabati ko ang dalawa kong anak na nanalo, congratulations sa inyo. Sa kabila ng maganda at masayang araw na ito, ay may nais po akong ibalita na gugulat at ikalulungkot po nating lahat. Nais ko po sana na mag alay tayo ng taimtim na dasal para sa aking isang anak na nasa piling na ng ating Mahal na Diyos, na si Gellie. Nagulantang ako sa narinig ko. Kinausap ko si Raf habang nasa backstage pa din kami. Ako: Ano daw?! Anong nasa piling na ng Diyos si Gellie? Raf: Umupo ka muna. Pakinggan mo muna. *hinawakan naman nito ang kamay ko at pinaupo*Ma'am G: *tapos ng magdasal* Si Gellie po, ay isa sa aking mga estudyante. Ibinalita po ng kanyang nanay na siya ay binawian ng buhay noong (date). *marami pang sinabi si Ma'am G pero di ko na ilalagay ng buo.* Ako: Impossible. Raf, nakita ko siya kanina. Nasa dulo pa nga siya tas kumaway pa nga sa akin eh. Raf: A*****, alam na naming lahat bago pa tong event. Sabi lang ni Ma'am na wag na daw muna sabihin sayo dahil baka di ka makapag focus. Ako: Ano?! Gag* kayo. Bat wala manlang nagsabi sakin? Raf: Pasensiya ka na. Sumunod lang kami sa sinabi ni Ma'am G. Sa isip-isip ko, kaya pala tuwing papasok ako ng room at wala si Gellie ay nakatingin lang ang mga kaklase ko sakin. Narealize ko din na yung araw na namatay si Gellie, ay kinabukasan pagtapos namin kumain sa Shakeys. Lumabas na ako ng backstage at hindi na hinintay na matapos ang sinasabi ng adviser ko. Hinabol naman ako ni Raf, at sinabing kakausapin ako ni Ma'am G pagtapos niyang magsalita sa stage. Ff. Habang nag uusap kami ni Ma'am G, hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak bago pa man siya magsalita. Ma'am G: Anak, alam ko masakit sayo mawalan ng kaibigan. Pasensiya ka na kung hindi muna namin sinabi sayo dahil yun daw ang habilin ni Gellie bago daw siya mawala. Ako: Ma'am impossible kasi yang sinasabi niyo eh. Nakita ko pa siya kanina na nanunuod ng event. Kumaway pa nga siya sakin. Kaya nga nung natapos na yung event dali dali akong nagbihis sa backstage para ipakita sa kanya na nanalo ako. Ma'am G: Wala na siya nung (sinabi yung date). Inatake siya sa puso, naisugod pa daw siya sa ospital, narevive siya at naghabilin sa nanay niya. Na kung sakali daw na mawawala siya, wag daw sasabihin sayo hanggat di pa natatapos ang event pero kalaunan ay, hindi na rin niya kinaya. Nagpasya na sila na wag na irevive si Gellie para hindi na siya mahirapan pa. Ito oh, may binigay din na sulat sakin ang nanay niya, ibigay ko daw sayo. Galing daw kay Gellie yan. *sabay abot sa akin ng sulat* Dearest A*****, Masaya ako na naging kaibigan kita. Parang kapatid na ang turing ko sayo. Walang araw na hindi kita nakkwento kila mama, sinabi ko sa kanila na sobrang saya ko kasi nakahanap ako ng kapatid sa bago kong school. Medyo maldita nga lang pero mabait. Hindi ko sinabi sayo na may sakit ako sa puso noon pa, habang tumatagal lumalaki ang butas nito at mas lalo akong nahihirapan huminga. Alam ko naman na kung saan ang kahihinatnan ko e, di ko nga lang alam kung kailan. Pero bago pa ako mawala, gusto ko lang sabihin sayo na salamat sa lahat. At kung sakaling mawawala man ako, gusto ko lang din sabihin sayo na sorry. Dahil hindi ko sinabi agad. Mahal na mahal kita, maldita girl! Love, Gellie. Nang tinignan ko sa calendar ang date kung kailan isinulat ni Gellie ang letter, ito yung araw na nakipag sabunutan ako kay bakla. Mahaba yung letter pero hindi ko na po inilahad lahat. Bago pa siya mawala, ay ibinigay na daw niya pala yun sa mama niya pero wag daw bubuksan. Gift daw niya kasi sa akin yun. Ff. Araw na ng libing ni Gellie. Kasama ko si Raf at ang adviser ko. Kaming tatlo lang ang pumunta, yung ibang kaklase ko ay hindi pumunta. Lumapit sakin ang mama niya at hinawakan ang buhok ko. Tita A: Salamat sa lahat ha. Sa maikling panahon na nagkasama kayo, masasabi ko talagang naging masaya siya dahil wala siyang ibang binanggit kundi pangalan mo. Ako: Masaya din po ako na naging kaibigan ko siya. Nalulungkot lang din po ako para sa inyo dahil nag iisang anak niyo lang po siya, maaga pang binawi sa inyo. Tita A: Malungkot talaga pero ganun talaga. Isa pa, anak na din naman kita. Simula pa lang ng sinabi sa akin ni Gellie na kapatid ang turing niya sayo, anak na din ang turing ko sayo. Pasensya ka na kung hindi lang namin sayo sinabi kaagad. Ayaw ka lang namin masaktan. *sabay yakap*Ff. Habang ibinababa na si Gellie sa lupa. Biglang umulan. Tumakbo ako papunta sa sasakyan na gamit namin para kumuha ng payong, ng makita ko si Gellie sa may puno, hindi kalayuan sa sasakyang ginamit namin. Ngumiti siya sa akin at kumaway ulit. Yung kaway pala na ipinakita niya nung event sa school, kaway pala yun bilang pamamaalam. Kung alam ko lang sana. Lalong lumakas ang ulan. Naalala ko bigla yung kanta na "Masdan mo ang Kapaligiran by Asin" na paborito namin kantahin ni Gellie pag tumatambay kami sa garden ng school namin noon. Habang ako ay nag gigitara, siya naman ang kumakanta at pumapalakpak. Hanggang ngayon ay binibisita ko pa rin ang puntod ni Gellie at bumibisita rin ako sa mga magulang niya, na aking pangalawang magulang na rin. Sila din ang tumulong sakin makapagtapos ng kolehiyo. Pinagsabay ko ang pagtatrabaho noon, at ang aking pag aaral. Sobrang summarize na po ito dahil ayoko na paabutin ng may part, para di na din kayo mabitin.

"Mayron lang akong hinihiling. Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan. Gitara ko ay aking dadalhin, upang sa ulap na lang tayo magkantahan" - Masdan mo ang Kapaligiran by Asin released 1978.


Diwata x

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now