BPO Stories #2

43 4 0
                                    


Haunted BPO Building

Hi mga readers pati na din sayo admin share ko lang tong story ko since may nabasa ako dito na same kami ng pinag tatrabahuan at same din kaming janitor sa isang BPO company sa Alabang, pero hindi ko na naabutan yung unang nag confess kasi matagal na daw siyang wala don almost 1 year na. Ako naman medyo baguhan lang dito halos 6 months pa lang pero sa 6 na buwan madami na kong naranasang kababalaghan sa building na yon, btw tawagin nyo na lang akong Paul, so eto na.

I. Comfort Room

First day ko sa work 9pm to 6am ako tinour ako ng Worklead namin para turuan ako sa mga gagawin ko, gaya din ng unang sender ganun din yung ginawa ko binabantay ko yung mga Cr kung malinis pero sa boys lang iba yung may hawak ng girls syempre babae din dapat, tapos yung hallways minamop ko at ang pinaka mahalaga ay yung water dispenser dahil nga ang tatakaw sa tubig ng mga Agents siguro wala pang 30 mins ubos na agad yon lalo na pag break. Sunday non walang masyadong agents naglilinis ako ng mga Cr non bale sa 3rd floor ako nag umpisa kasi nga from top to bottom yung pag lilinis. Ako lang mag isa that time kasi naka break yung partner kong babae hindi kasi kami sabay ng break, so natapos na ko sa 3rd kaya agad na ko bumaba sa 2nd floor gamit lang ang stairway. Pag baba ko sa 2nd floor agad akong pumasok para icheck kung malinis, nakita ko ang daming nagkalat na tissue at hindi manlang shinot sa basurahan kaya medyo nainis ako so yumuko ako para damputin yung kalat at maya maya may pumasok pero di ko nakita yung muka niya tanging paa nya lang yung nakita ko dahil nakayuko nga ko pero nakayapak lang ito at isa siyang bata napaka dumi ng paa niya pero di ko muna pinansin dahil abala ko sa pag pupulot ng kalat at bigla naman siyang pumasok sa loob ng cubicle at sa pag tayo ko nakita ko ang putik ng sahig dahil sa foot print na naiwan kaya agad kong minop. Nalinis ko na yung cr na yon tanging yung cubicle na lang niya yung lilinisin ko kaya lumabas muna ko para antayin siya, at habang nag aantay ako sa labas naririnig ko siyang tumatawa na parang medyo nakakaloko at tumigil naman siya agad, maya maya narinig ko na siyang nag flush halos 5 times siya nag flush pero parang pinag lalaruan niya yung flush at bigla na lang tumahimik, kaya inantay ko na lang siya lumabas, pero ang tagal niya lumabas kaya sinilip ko at pag pasok ko sa loob nakita kong naka bukas yung cubicle niya at wala ngang tao kaya chineck ko lahat ng cubicle dahil inisip ko na lumipat siya pero bakante talaga lahat ng cubicle kaya agad akong umalis nagmadali ako kasi bigla akong kinilabutan.


II. Production

Isang cut off na nakalipas mula nung naranasan ko yung sa Cr pero mabuti na lang sa isang kinsenas 1 beses ko lang na exp yon. So nalipat na ko sa production kung saan andito naka duty yung mga agents, pang mid shift naman ako 12pm-9pm. May babae ulit akong partner pero sa lawak ng production nag hati kami ng part na lilinisin dulo dulo kami then sa gitna kami mag sasalubong gets nyo? Btw 2nd floor production yon, ang ginawa ko pinunasan ko muna lahat ng bintana pero yung loob lang hindi kasama yung labas so yon nga natapos ko na, ang next ko naman na ginawa ay inayos ko yung mga upuan pati yung mga computer units madilim sa dulo kasi onti lang yung nakabukas na ilaw dahil wala namang tao then biglang nag alarm yung pinto which means bukas, kasi guys yung pintuan don need mo ng access para maka pasok dahil hindi mag bubukas un pag walang access pero pag lalabas ka di mo na kelangan tanging pag papasok ka lang lagi itatap mo yung access para mag bukas. So yun nga biglang nag alarm yung pinto it means nakabukas to ng matagal at hindi nasarado, chineck ko bukas nga siya ng halos isang dangkal, chineck ko muna kung may tao sa labas pero wala kaya sinarado ko na at pag lingon ko sa likod ko nagulat ako kasi gulo gulo na yung upuan na inayos ko at nakita ko na lang yung isang upuan umaandar mag isa at bigla pa tong umikot ikot, alam nyo ba yung upuan na pang office yung may gulong tapos na aadjust then naiikot. Akala ko pinag titripan lang ako ng kasama ko pero nakita ko siya sa kabilang dulo busy sa pag lilinis kaya di na ko nag tanong, isinawalang bahala ko na lang yung nangyare at nagpatuloy na lang inisip ko na lang masasanay din ako.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now