Part 1Ilalahad ko ang kwentong ito sa kung papaano naranasan ng aking ina ang mga pangyayari. Sa isang maulap na hapon, naatasan kami ng mas nakababatang kong kapatid na lalaki upang magpaligo at magpainom ng kalabaw. Medyo malayo-layo rin ang sapa na syang aming distinasyon, sa tantya ko'y mga tatlong kilometro din ang distansya nito mula sa aming tahanan. Payapa naman kaming naglalakad habang akay-akay ang aming kalabaw, hanggang sa nakarating na kami. Laking gulat namin ng makasabay namin sa pagpapaligo ang isang matanda na sa purok namin ay kilala bilang pinuno ng mga aswang. Tawagin natin syang si "Baraghal".
Sa lugar namin ay malaya naman kaming nakikipaghalubilo sa mga aswang, kadalasan nga'y sila pa ang nagkikwento ukol sa kanilang pangalawang katauhan. Katauhan nga ba? Mas magiging akma siguro kung tatawagin nating ikalawang anyo. Hindi naman kami gaano takot dito kay Baraghal kahit sya lang kasama namin sa sapa, ngunit para narin sa pag-iingat ay minadali namin ang aming ginagawa. Iniahon na namin ang kalabaw at naglakad na pauwi, ganap na alas-singko na nang kami ay sumapit sa bahay. Maayos naman ang daloy ng pangyayari, hindi na rin namin binanggit sa nanay namin na nakasabay namin si Baraghal sa pagpapaligo ng kalabaw, wala din naman kasi itong ginawa samin. Oo, inakala naming wala syang ginawa, yun pala'y hindi lang namin napansin. Nagluluto ang aking ina ng napansin nyang tila naubusan kami ng asin, kaya wala syang ibang pagpipilian kundi lumabas at bumili nito. Nagpupumilit akong sumama pero pilit nya din akong pinapapirme. Nagpanggap akong nakinig ako sa kanya at hindi na sasama, ngunit ako'y sadyang malikot sa edad na labingdalawa. Palihim kong sinundan ang aking ina, ngunit sa kasamaang palad ay nahuli nya ako, kaya mainit-init na kurot sa singit ang aking natamo at bulyaw na "bumalik kana", Ngunit ang kurot at bulyaw ay hindi sasapat upang magiba ang kagustuhan kong sumama, sumunod padin ako ng palihim. At doon na ako nawalan ng ulirat.
Part 2
May mga ugali talaga ang mga tao na sadyang maging ang matimatika't siyensya ay magmumukhang mangmang sa pagintindi. Ugali na sadyang ugali na talaga kaya maging ang kultura'y malabo na itong mabago't mapangaralan. Kung maluwag ay pilit sisikipan, kung maikli naman'y pilit dudugtungan. Mga ugaling kahit sino'y walang karapatang kumuwestyon, ngunit ang mga ugali ring ito'y walang kasagutan. Ngunit patawad, kung sa nakaranag pagsasalaysay ako'y naging pabaya. Patawad kung ang kwento ko'y nagmistulang inyong kasintahang iniwan kayong mag-isa't walang napala. Patawad kung sa tingin ninyo'y nasayang ang oras ninyo noong sinimulan nyong ihanda ang inyong sarili at imahinasyon. Hindi ko intensyon iyon. Pasensya narin kung ang mga pinupunto'y hindi pumantay sa uri ng pangintindi. Wala akong balak patunayan. Paumanhin din kung sa tingin ninyo'y iniklian ko ang unang bahagi upang umani ng mga reaksyon at komento. Hindi ginto ang pagtrato ko sa mga yon. Hindi ko naman kasi lubos akalain na mapupukaw ng aking kwento ang atensyon ng mga tagapangasiwa sa "FB page" na ito. Patawad, ngunit salamat sa mga huminga ng malalim at nanatiling kalmado habang sumasalungat sa agos ng pangungutya. Salamat din pala sa mga nagtangkang dugtungan ang akin kwento, napaligaya nyo ako. At bilang paglilinaw, ang kwentong ito ay nakaayon sa kung papaano naranasan ng akin ina ang mga pangyayari. (My mother's POV) ika-nga. Ikalawang kabanata:Sabi nga nila; "sumunod ka sa iyong mga magulang at ikaw'y magkakaroon ng maginhawang buhay". Mukhang nagpatotoo naman sa akin ang mga salitang iyan. Sa aking unang pagtatangkang sumunod sa aking ina ako ay nabigo, ngunit sadyang hindi ko talaga ugaling sumunod sa isang sabi, dahil narin siguro sa kagustuhan kong magpabili ng mga tinitindang makukulay na laruan sa kanyang patutunguhan. At gaya nga ng sinabi ko sa unang bahagi; "at dito na ako nawalan ng ulirat." Kaya't ang mga ikinuwento nalang sa akin ng aking ina ang aking ilalahad. Buong akala ng aking ina na ako'y umuwi na't sumunod sa kanyang sinabi, kaya't sya'y nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa nakauwi na sya. Biglang umihip ang hangin ng pagtataka sa aming tahanan. Nasaan si Rebecca? Tanong ng aking ina sa aking ama. Papa: E bakit sakin mo tinatanong? E sumunod nga sya sayo.Mama: Oo sumunod sya, pero nahuli ko syang sumusunod kaya pinauwi kona. Papa: O sya, wag na muna nating alamin kung sino ang may kasalanan, hanapin muna natin sya. Saan kaba dumaan?At binalikan at sinundan nga ng aking ama't ina ang daang tinahak ng aking ina. Ngunit maging ang isang pares ng aking tsenelas o kahit anong bakas ng ako ay wala silang natagpuan. Kaya't humingi na sila ng tulong sa kinauukulan. Ngunit kahit bigo silang makakita ng bakas ng kahit anong konektado sa akin ay, mapagbigay ang tadhana. Habang ang aking ama't ina ay naglalakad sa gitna ng madilim gabi na ang isip ay punong-puno ng pangamba, ay biglang mag nanghiram ng kanilang atensyon. Mawalang galang napo Nanay Luz, nabalitaan ko po kasi na hinahanap nyo si Rebecca. Nasaan? Nakita moba? Asan sya? Iyan ang mga sunod-sunod na tanong ng aking ina na tila nilamon na ng halo-halong emosyon. Nitong hapon lang po, nakita ko po siyang kalaro si Mika. Ngunit wala akong maalalang naglaro kami ni Mika. Itong si Mika ay apo nitong si Baraghal. Kaya't unti-unti nang nakabuo ng kunklusyon ang mga pagod na utak ng aking mga magulang. Ngunit pinairal parin ng aking ama't ina ang kanilang pagiging makatao, kahit may suspetsa na ang mga ito na hindi tao ang may kagagawan nito. Inikot nila ang buong porok kasama ang mga kalalakihan, ang iba'y napadpad na sa ibang mga purok kakahanap ng kahit anong pahiwatig na makakapagturo sa kung nasaan si Rebecca. Ngunit mukhang sa simula palang ng paghahanap ay may nagturo na ng direksyon. Kaya dali-daling pumunta ang nanay ko sa bahay na itinuro ng babae. Nagsisigaw ang nanay ko sa harap ng kanilang bahay at may hawak na gas. Kung hindi ninyo ilalabas ang anak ko, hindi ako magdadalawang isip na sunugin kayo isa-isa, pagbabanta niya. Tila ang buong tao sa purok ay sang ayon sa kung ano ang nasa isip ng aking ina, dahil walang umaawat sa kanya maging ang aking ama. Huwag ka namang ganyan Nanay Luz, wala nga dito si Rebecca. Wala akong pake kung wala sya sa bahay nyo basta ilabas nyo sya! Ngunit kahit anong pagbabanta ay puro pagtanggi lang ang isinasagot nitong si Aling Rita. Kaya't nagpaawat na muna ang aking ina at pinilit na kumalma. Inakay sya ng kanyang kumare at pinaupo sa harap ng tindahan, ang tindahang ito ay kung saan bumili ang nanay ko ng asin at ilang beses ng dinaan-daanan. Habang sya ay nakaupo at tila nawawalan na ng pag-asa, ang kanyang kumare ay kumuha ng isang baso ng tubig. Ngunit mukhang hindi lang tubig ang kanyang maihahatid kay nanay. Habang itong si Ate Beth ay papuntang kusina, may narinig itong tila pigil na hikbi ng isang bata. Sinundan nya ito at habang sya ay dahan-dahang ginagabayan ng mga hikbing ito ay, nagtataka ito dahil itinuturo sya nito papunta sa kanilang likod-bahay na ilang taon ng hindi nabubuksan. Palakas na ng palakas ang hikbi, indikasyon lang na palapit na sya ng palapit sa pinagmumulan ng hikbi. At ito na, mukhang nasa likod na ng lumang drum ang pinagmumulan ng hikbi. Dahan-dahan nyang sinilip ang likod ng drum at bumungad sa kanya ang paa ng isang bata. Kaya dala ng takot at pagtataka ay tumakbo ito papunta sa aking ina. Nanay Luz may nakita akong paa ng bata sa likod-bahay. Pautal-utal na sabi nito. E pano magkakaroon ng bata don e hindi naman na nabubuksan iyang likod bahay? Sagot ni nanay. Oo nga po nay, tara po at tignan natin, baka bunga lang yan ng pagod Beth? Tanong ng aking ina. At naglakad na silang dalawa patungo sa likod-bahay, at laking galak ni nanay ng makita nya akong humihikbi ng nakapikit na tila daw nakagapos ang mga kamay at paa ngunit wala namang tali. Niyakap nya ako ng mahigpit kahit mukhang wala pa ako sa sarili. Andami nilang tinatanong sa akin ngunit kahit isa'y wala akong maalala. Ngunit mukhang gipit na gipit at gutom na gutom na siguro ang mga aswang na ito. Kaya mukhang hindi sila masaya na ibinalik nila ang kanilang nakuha, dahilan upang magkaroon pa ito ng ikatlong kabanata.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...