Mercedes

41 2 0
                                    


Admin, pasingit naman po ito sa introduction ko sa second story ko.Guys, may nabasa po akong fabricated daw iyong story about kay Hana. Hindi po. Hindi po gawa-gawa dahil nangyari po talaga iyon sa akin. Nagte-take pa po ako ng gamot at saka nakikipag-communicate pa rin ako sa psychiatrist 'til now and my psychiatrist advice me na huwag mag share na pwedeng makapagpaalala kay Hana pero hindi ko po kaya. Kaya ko po ishinare iyo. I don' t need to explain but syempre I want to defend myself. Nakakatawa lang kasi sobrang seryoso noong kwento pero may makakapagsabi pa na isa itong fabricated. Hmm.Thanks, admin. Pasingit na lang po. Salamat. Kung sakaling mapublish man.

Second Story/Experience

MERCEDES


Wazzup, Spookify. It's me again your 23 years old, male and single. Ako po iyong nag-share ng story about my love Hana. Salamat po pala na nai-post iyon kahit hindi horror story saka salamat din sa mga comfort niyo sa akin. I know I'll be better everyday and thanks a lot sa mga kind words. God bless you all.

Hmm, kapag sinabi ang word na "Mercedes", ano ang naaalala niyo? Iyong sasakyan, diba? Ito hindi sasakyan pero ginagawang gulong ng mga sasakyan. I mean, hayop po. Sa madaling salita isa siyang kabayo.Hindi ko po ito experience but experience po ng kaibigan ng lolo ko sa mother side. Nakakahindik kasi. Ito na, kwento ko na agad.Dito sa province namin, dito sa bandang North Luzon. Specifically, dito sa Ilocos Region. Dito ko sasabihin kung anong province. Iyong bahay po namin ay malapit sa sementeryo kaya naman maraming kwento-kwento tungkol sa mga multo-multo, maligno at kung ano-ano pa.Panahon daw nila lolo iyon. Eh syempre noong panahong iyon ay talagang mapuno at hindi talaga matao hindi tulad noon. So ito ngang bahay ay malapit sa sementeryo. Iyong sementeryo ay doon din mismo ang kurbahan na daan. Kapag lampas ng kurbahan na daan ay iyong bahay na ng kaibigan ni lolo. Edi syempre nag-iinuman silang magtrotropa. Tapos iyong kaibigan ni lolo na ang bahay eh lampas kurbahan, nagpasya na raw umuwi dahil lasing na lasing na raw ito.Pinipilit daw siya ni lolo na huwag nang umuwi at dumito na lang daw sa bahay dahil lasing na raw ito. Saka maraming sabi-sabi kasi na may multong nagpapakita sa bandang kurbahan. Pero sabi raw ng kaibigan ni lolo, hindi raw siya takot sa multo, ganoon.Edi hinayaan na lang siya ni lolo at nagsabi na lang daw na bahala raw siya. Saka mag-ingat na lang daw. Tatawa-tawa pa raw na umalis iyong kaibigan ni lolo.Tapos ilang minuto lang daw ang lumipas, eh. Bigla na lang daw itong nagwawalang kumakatok sa pinto nila lolo. Iyong tipong parang gusto nang sirain ang pinto makapasok lang. Edi binuksan naman daw ni lolo iyong pinto nilang kawayan. Nakita niya raw iyong kaibigan niyang hubo't hubad. Wala raw talaga itong saplot ni isa sa katawan. Hapong-hapo, namumutla at takot na takot daw ang itsura nito.Ganito raw ang nangyari. Habang naglalakad daw ang kaibigan ni lolo papalapit sa kurbahan na mismong sementeryo ay bigla raw parang kumikipot ang daan. Sobrang kipot daw talaga ng daan na imposible raw mangyari. Pero iyon ang sabi niya. Nagdasal na raw iyong kaibigan ni lolo pero wala raw talab tapos bigla na lang daw may narinig siyang parang tumatakbo na kabayo. Iyong tipong papalapit sa kinaroroonan niya. Naramdaman na lang daw ni lolo na malapit na malapit na raw sa kaniya iyong kabayo kaya napadapa at napayuko raw siya sa takot.Kung iisipin niyo, bakit siya takot doon sa kabayo? Eh kabayo lang naman iyon. May mga kwento kwento raw kasi dati na nagpapakita raw iyong half human half kabayo sa may kurbahan. May hawak daw itong espada at kapag nakaharap mo raw eh dumapa ka at yumuko.Hindi naman daw alam ng kaibigan ni lolo na totoo pala iyong mga kwento-kwento noon. Na talagang makakaharap niya iyong Mercedes noong gabing iyon. Mercedes daw ang pangalan at hindi rin daw alam ni lolo kung bakit pinangalanan ng ganoon.So dumapa at yumuko nga ang kaibigan ni lolo tapos bigla raw ipinatong iyong matulis na bagay (espada) sa may braso niya. Wala naman daw ginawa iyong Mercedes. Hindi rin daw niya tiningnan ang itsura nito. Hindi niya alam kung totoo ba raw na si Mercedes iyon. Pero ramdam niya raw talaga na may nakapatong sa balikat niya na matulis na malamig na bagay. Sigurado raw siya na espada iyon. Tapos hindi raw nagsalita iyong Mercedes pero pumasok mismo raw sa utak ng kaibigan ni lolo ang sinabi rito. Sabi raw nito sa kaniya, huwag na raw siyang gagawi sa lugar na iyon at bilang parusa raw ay kailangan niyang 'maghubad' bilang respeto. Matapos niya raw maghubad ay bumalik daw siya pinanggalingan niya at huwag na raw muli itong magpakita sa kaniya. Iyon daw ang sinabi ng Mercedes na narinig niya lang mula sa utak niya. Nang matapos daw sabihin ng Mercedes iyon ay bigla na lang daw itong naglaho na parang bula at narinig niya iyong katawang kabayo nitong tumatakbo palayo.Kaya ang ginawa raw ng kaibigan ni lolo ay sinunod ang sinabi nito at saka bumalik sa bahay ni lolo. Natawa pa raw si lolo noon dahil imposible raw iyon. Hindi naman daw totoo. Baka namamalikmata lang daw ang kaibigan ni lolo dahil nga nakainom ito pero sabi ng kaibigan niya ay totoo raw. Ayaw talaga raw maniwala ni lolo hangga't hindi raw siya iyong nakakakita.Second encounter. Si lolo na po ang nakaexperience. Maaga raw palaging nagigising si lolo. Mga alas singko raw mga ganoon, ang palatandaan daw ni lolo para malaman ang oras ay kung maliwanag na o hindi. Maliwanag na rin daw kasi tuwing alas singko. So bumangon na siya. Tuwing alas singko ay pumupunta siyang sementeryo kasama iyong pamangkin niyang lalaki kaso noong araw daw na iyon ay lumuwas daw ng Maynila ang pamangkin niya so siya lang mag-isa. Sa dulo kasi ng sementeryo ay ilog at sa tabi nito ay parang taniman ng mais. Eh may lupa raw sila lolo doon dati tapos pupunta raw siya sa maisan nila. Tapos habang naglalakad daw si lolo sa daang diretso ng sementeryo parang ang haba haba raw ng nilalakad niya. Sa totoo lang, iyong maisan nila lolo dati naging extension na ng sementeryo eh kung lalakarin mo mula sa entrance hanggang dulo aabutin ka lang ng isang minuto sa ngayon ha. What if pa noon, eh konti pa lang daw nakalibing sa sementeryo na iyon kaya imposibleng mahaba ang daan saka lagi naman daw siyang nagtutungo roon tuwing umaga. Pero noong araw na iyon ay bigla raw parang humaba. Parang ilang minuto na raw siyang naglalakad eh hindi niya pa rin nararating iyong maisan nila. Iniisip ni lolo na baka inaantok lang daw siya kaya nagpahinga muna raw siya sa puno ng acasia. Ayon habang nagpapahinga ay nakatulog daw si lolo. Tapos nagising siya nang may pumatong daw na malamig na bagay sa balikat niya. Nagulat daw siya kasi espada raw talaga. Kumikinang pa raw iyong espada. Nagpunas pa raw ng mata si lolo para makita kung totoo at totoo raw talaga tapos nakita raw niya iyong sa taas ay katawan at may ulo ng tao tapos iyong katawan ay kabayo. Kulay itim daw iyong katawan na kabayo tapos puti raw iyong katawan na tao. Mahaba raw buhok nung Mercedes tapos yellow yung buhok. Basta iimagine niyo kasi di ko masyado maimagine basta ganyan iyong pagkakadescribe niya. Eh hindi raw talaga makapaniwala si lolo. Ang ginawa niya raw ay tumayo siya tapos syempre sa takot ay tumakbo raw siya papunta sa entrance pero ang layo raw talaga. Hapong-hapo na raw siya at humihingi ng saklolo pero parang wala raw tao eh ang alam niya raw eh mag aalas sais na pero noong time na tumatakbo raw siya eh dumidilim ang paligid. Parang iyong liwanag nung paggising niya eh biglang nawala. Then ayon hinahabol nga raw siya. Hindi raw siya paladasal pero todo dasal na raw siya noon. Wala naman daw ginagawa sa kaniya pero hinahabol daw siya. Nangangatog na raw iyong tuhod niya kaya biglang bumagsak katawan niya at napadapa saka siya napayuko. Naramdaman niya raw na nasa harapan niya na yung Mercedes at ganoon ulit ipinayong daw nito iying espada sa balikat niya at saka parang narinig daw niya ito na sinabing "maghubad daw siya at bumalik sa pinanggalingan niya at huwag na raw bumalik ulit doon". Kapareho ng sinabi sa kaibigan niya. Ginawa raw iyon ni lolo at parang magic daw na nawala iyong Mercedes at nakabalik daw siya rito sa bahay. Kwinento niya raw iyon kay lola pero hindi raw naniwala si lola. Tapos sabi raw ng lola ko sa kaniya, alas tres pa lang ng madaling araw bakit kasi lumabas kana?Nagulat daw si lolo at sinabi niyang ibenta na raw ang maisan dahil ayaw niya na raw magpunta ulit sa sementeryo. Until now daw ay naaalala pa rin iyon ni lolo.Kaya pala, guys. Kapag araw ng patay ay hindi talaga siya sumasama sa amin na pumunta sa sementeryo dahil naaalala niya raw iyon. Siya lang daw at ang Mercedes ang makakapagpatunay noon.That's it, guys! I hope na-enjoy niyo ang pagbabasa. Umihi na kayo ngayon kasi baka makita niyo si Mercedes. Hehe. Joke lang.Share ulit ako next time kapag naipost ito. Maraming Salamat, mga lodi.

-NTHEKING

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now