Creepy childhood (Parts 1-3)
Part 1
Isang Gabe napag desisyunan ng nanay at tatay ( lolo't lola ko sila pero nanay at tatay tawag ko sa kanila ) ko na umuwi ng probinsya ng biglaan kaya naman nag impake agad kame at ng matapos ay agad kaming umalis. mga tanghale na kame nakarating noon dahil sobrang haba ng biyahe dahil nga malayo ito mula sa manila. Sinalubong kami ng mga ngiti ng kamaganak ng aking tatay. Dahil bago pa lamang kami roon ay wala pakong kilala sa lugar na iyon munit sila tatay at nanay meron. Kinagabihan ay meron isang maliit na handaan,ginanap ito sa isang kamaganak ni tatay na papangalanan ko siyang tatang onyo . pansin ko sa harapan na kanila bahay na meron isang malaking bahay dahil madilim noon ay hindi ko nlamang pa ito pinansin. medyo malaki yung pagitan ng bahay nila tatang onyo at nung malaking bahay kaya naman napagusapan nila tatay at tatang onyo na mag tayo kami ng bahay sa pagitan ng bahay nila tatang onyo at nung malaking bahay .
nung gabi rin na inyo ay napag pasyahan narin na dun muna kami mag palipas ng Gabe dahil wala pa nmn kaming tirahan don.
Kinaumagahan, maaga ako nagising mga bandang 6 ata iyon.Mula sa higaan ay tumungo ako sa bintana para makasagap ng sariwang hangin at mula sa binata na iyon ay tanaw na tanaw ang malaking bahay. Kapansin pansin na tila Luma na ito dahil narin sa kulay itim na ito kung baga walang kakulay kulay at lalo kopa ito nasabing luma dahil ang disenyo ng bahay ay kakaiba, parang nasa mahigit isangdaang taon na ito. Bilang umihip ang malamig na hangin at di kalayuan malapit sa lumang malaking bahay ay may nakatayong lalaki na nakatitig sa akin sa takot ko ay bumalik na lamang ako sa kwarto at na tulog nalang uli.
Di ko namalayan ay tanghali na pala mukhang napasarap ako ng tulog. Nag kakamot pako ng ulo ng tinawag ako ni tatay.
"Anak! " sigaw ni tatay mula baba .
"Baket ho tay " sambit ko
"Samahan moko at bibili tayo ng material para sa itatayo nating bahay" reply ni tatay
"Sge sge po at mag hihilamos lang po ako " sambit ko habang nag kakamot.pag balik namin galing pamimile ay medyo mag gagabi na,sobrang malakas ang ihip ng hangin ng mga oras na iyon.Pag pasok namin ng bahay nila tatang onyo ay nag kwekwentuhan sila ng mga kakatakutan. Napag kwentuhan nila na may pagala gala raw na asawang sa lugar na ito.
si tatay naman ay natawa hindi dahil hindi siya na niniwala kundi matapang ang loob niya na hindi kami magagalaw nito.Gabi na non kaya naman napagisipan namin na matulog na lamang dahil pagod rin sa pamimile. Mga bandang alas dos ay nagising ako dahil sa kalambog ng bintana ng kwarto dahil narin sa lakas ng hangin. Patayo ako para isarado ang bintana , nung mahawakan kona ang bintana ay may natanaw akong itim na aso na nanlilisik ang mata sa takot ko ay napatakbo ako pabalik sa higaan at nag talukbong ng kumot. Sa takot ko ay hindi ako nakatulog.
Kinabukasan ay lumabas ako ng bahay nakita ko sila tatay na sinisimulan nayung bahay namin, simple lang ito at gawa sa kahoy.dahil wala pa akong tulog ay pumunta ako sa may balon para kumuha ng panghilamos. Pansin Kong sobrang lalim ng balon at naisip ko kung sakaling mahulog ako rito ay tiyak na mamamatay ako. Pansin ko rin na lumalamig ang paligid ng mga oras naiyon biglang tumayo ang aking mga balahibo ramdam koring may papalapit sa akin at di nag tagal ay may biglang humatak sa akin "tatayyyyy " napasigaw nalamang ako. "Bata wag ka sumigawww para ka naman tanga * mula sa Boses ng isang batang babae. Kumalma ako ng mga sandaling iyon.
" ay jusko po" buntong hininga Kong sinabi.
"Tinakot moko ron ah " dagdag kopa.
"bata ang tanga tanga mo dapat hindi ka lumalapit ng sobra sa balon at baka mahulog ka jan ng hindi oras" pag aalala na sabi ng batang babae .
"Nagulat ako sayo loka loka ka" sabi ko sa batang babae habang tumataray.
"Ang sungit mooo! Ikaw na nga niligtas ehhh " reply ng batang babae.
"Ehh tekaaa! Sino ka nga ba?" pag tatanong ko.
"Ayyy ako nga pala si jenjen " reply niya habang nakangite.
Mukha naman itong mabait kaya nakipag kaybigan narin ako .
"Tekaaa nga San kaba nangaling at bigla ka sumulpot rito?" Tanong ko .
"dyan nga pala ako nakatira sa malaking bahay jan.(tinutukoy yung lumang malaking bahay )
" weeee dingaaa?"
"Oo nga! Para kang tanga" reply niya Sabay tawa.
"Ayy uuwi na pala ako baka hanapin ako ng itay ko , babyeee tanga tanga "dagdag niya habang palayong kumakaway sa akin.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...