Pasasalamat at Pamamaalam
Good eve fellow readers. Tawagin nyo nalang po akong levophed, ever since I've been an occasional reader here. Isa po akong male nurse at libangan ko po ang magbasa/manood ng katatakutan at kababalaghan ever since nung bata pa ako. Pag duty din, hindi lilipas ang 8,12, 16hours na pasok ko na hindi makikipagkwentuhan tungkol sa mga kababalaghan at supernatural things.
Hindi naman po talaga ako naniniwala noong una na may multo/engkanto/etc etc talaga at gawa lang yun ng malikot na imahinasyon ng tao. Kasi nga hindi pa ako nakakakita nor nakaramdam ng kababalaghan in my own experience until that very faithful day...This happened way back year 2014, nakaassign po ako noon sa general ward dito sa isang malaking pribadong ospital sa nueva ecija. At ang mga cases na hinahandle namin mostly ay mga medical, surgical, ob-gyne at pediatric cases.Lagi akobg naaassign na pang gabi, although nagduduty din ako pag AM and PM shift. Ang mga usual na hinahawakan kong pasyente ay mga matatanda at infectious na pasyente dahil yun ang specialty ko. Peak season po noon sa ospital (I think month of june noon at tag-ulan, kung kailan madaming nagkakasakit, yung tipong ubo't sipon lang eh nagpapaospital pa ang mga tao). Sobrang taas ng census namin, madaming ginagawa at binabantayan, madami din admission at pinapauwi, the whole hospital is busy and tired. May mga close monitoring kasing pasyente sa area namin na binabantayan ang mga ibang kaduty ko, kaya naassign ako maghandle ng nga pedia cases.Sa totoo lang mahirap maghawak ng batang pasyente, dahil bukod sa pasyente mismo, kailangan mo pa pakisamahan ang mga parents and relatives. Bukod pa dun hindi ako magaling umalo ng bata, lalo na pag sila ay iyak ng iyak or what at mahirap magpainom ng gamot. Anim ang hawak kong pasyente, at isa dun ay tawagin na lang nating si ""Gabriel"" about 7 years old.May sakit na cancer (Di ko na po banggitin ang details) si Gabriel, dahil dun, sya ay sumasailalim sa ilang sessions ng chemotherapy. At pag ikaw ay nagki-chemo, sobrang hina ng resistensya mo at madali kang kapitan ng ibang infectious na sakit. Naospital si Gabriel dahil sya ay inuubo at nilalagnat, which turned out to be pneumonia pala. Pangatlong araw na niya sa ospital nung time na yun, at ang remarkable lang sa kalagayan nya ay mataas pa din ang impeksyon nya sa dugo at kapapalit lang ng antibiotic nya.Lahat ng patients na binabantayan ko ay stable at tahimik at wala naman nangyayari sa kanila. Walang mga nirereklamong nararamdaman unlike sa mga kaduty ko.Habang kami ay nagkakape sa nurse station pagkayari namin maibigay ang pang 2am na mga gamot, habang nagchacharting... suddenly bigla na lang nagbuzz ng sunod sunod sa room ni patient Gabriel. Syempre in the middle of the night yun very unusual kaya we rushed immediately sa room nya. Naabutan namin sya dun naka tripod position (Search nyo guys sa google image para familiar kayo). Sobrang hirap at bilis ng paghinga nya then gasping, namumutla at pawis na pawis.Umiiyak at nagpapanic ang mga relatives ni Gabriel kaya we requested them to leave the room for the meantime. Isinandal ko sya and hooked to the oxygen (Kasi may standing order naman na ikabit sya dun once na mahirapan) and checked for his vital signs while my co-staffs called for help. Sobrang bilis ng paghinga and pulse nya at ang bp nya ay bagsak like 70/30. Kaya ihiniga ko muna sya para medyo tumaas ang bp nya.Tumirik bigla ang mga mata nya at nanigas ang katawan, suddenly nawalan sya ng pulso. Sa madaling sabi nagtoxic (Pumanget kondisyon) and he underwent cardiac arrest.We immediately started cpr, nilagyan sya ng tubo para sa artificial na daanan ng hangin. Binigay namin lahat ng gamot para maibalik ang pulso nya. Usually it just takes 10-15 mins ang pagrerevive sa isang tao (Whether mabuhay or patay) or depende pag super exhausted na ang rescuer. First time ko makasaksi ng batang inererevive noon, kasi halos isang taon pa lang akong nagpapractice as a nurse noon.So back to the story, it took an extra longer time than the usual and extra effort ang ginawa naming pagsi-cpr sa kanya. Siguro thinking na dahil bata pa sya (And madalas namin sya maging pasyente sa ward, halos ka-close na nga ng iba kong kasamahan pati ang family nya kasi talagang mabait daw siya na bata). Talagang ginawa namin lahat pati ng doktor para maibalik sya. It took a challenging 30+ mins at naibalik ang pulso nya. But was transferred immediately to the pediatric ICU dahil hindi stable ang kalagayan nya.Wala na kaming naging balita sa kanya after nun. FEW DAYS later PM shift ako, biglang dumating yung supervisor namin at ibinalita sa amin na Gabriel passed away earlier this morning. We were saddened by the loss despite the effort na ginawa namin. But thats life, we must move on, parang ordinaryong duty lang, we went on with our work.Isang oras bago matapos ang duty namin, nakacalm down na kami sa station at nagpapahinga. Kwentuhan lang habang nagliligpit na din, nakaharap kaming lahat ng tatlo kong kasama sa gilid ng station, near the pantry area. May window dun separating the pantry from the other ward's pantry, sliding window yun na naka open.Habang nagkekwentuhan kami at nagtatawanan ng malakas, suddenly napansin namin may batang lalaki standing still sa may kabila ng window (The other wards pantry). Hindi namin pinansin agad, we went on with our conversation, tapos napatingin ulit kami. Biglang tumindig ang mga balahibo ko lalo na sa batok, speechless kaming lahat, at nagkatinginan kaming lahat, tinignan ulit namin, at nandun pa din sya.Nakita namin kumakaway sya sa amin at nakangiti. Parang ordinaryong tao lang at suot ang patients gown na pangbata (Without the makeup and scary sh!t we see in horror movies). Nagkatinginan ulit kami for the 3rd time then napaluha ako (Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung matutuwa, malulungkot or natatakot, mixed emotions pero mas nangibabaw ang tuwa deep inside). Nag iyakan kaming lahat and we embraced each other. I know partly we're crying with tears of joy. Pagtingin ulit namin wala na sya, parang malik mata lang kami. Ewan ko ba.Hindi ko alam kung malikmata nga lang pero lahat kami nakakita kay Gabriel that time and we felt the same emotions.Yun po ang first creepy experience ko, next time ko na po ishare ang iba pa.God bless po.Levophed
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...