Picture frame
just wanna say, hi sa lahat ng readers dito, I'm Seiji. Please bear with me kung magulo ang pagkaka-kwento, it's 3:14 in the morning right now at nakikipag-karerahan ang mga daliri ko sa keyboard. Tinatype ko ngayon ang mga nangyari sa past at sa panaginip ko kanina, as fast as I can kasi pakiramdam ko sasabog ang isip ko kung 'di ko 'to maiisulat.
2020
*Two years ago, during the first month of lockdown, that was around 9pm, nasa sofa ako at nagsi-cellphone. Nasa kusina si mama no'n habang si papa ay nasa tabi ko, nanonood ng tv. Maya-maya may kumatok sa main door. Mahihinang katok pero sunod-sunod na parang nagmamadali. Nagkatinginan kami ni papa, "sino 'yan?" sigaw n'ya sa kung sino mang nasa labas. Walang sumagot pero patuloy lang ang pagkatok. "Sino 'yan, anong kailangan mo?" muling tanong ni papa. "TULONG..." sagot ng boses lalaki sa labas ng pinto. Pasigaw 'yon pero mahina 'yong dating na para bang napakalayo ng nagsalita. Agad tumayo si papa at nagsuot ng facemask saka lumapit sa pinto. Inakala namin pareho na baka barangay tanod 'yon since wala namang ibang taong p'wedeng magpagala-gala sa labas kasi nga kasagsagan ng lockdown.Sumilip si papa sa bintana para tingnan 'yung tao sa labas, bago pa mabuksan ni papa ang pinto, dalawang katok pa ang narinig namin. Nang tuluyang mabuksan, natigilan si papa. Maya-maya lumabas s'ya na parang may hinahanap, saka pumasok muli at isinara ang pinto. Naka-kunot ang noo n'ya, 'yung itsura ni papa no'n hindi ko mawari kung natatakot ba o naiinis. "Sino po 'yun, pa?" tanong ko sa kanya. "Walang tao" mabilis na sagot ni papa kaya kinabahan ako. Paanong walang tao? dalawa kaming nakarinig na may kumakatok talaga, may boses pa ngang sumagot and I'm pretty sure narinig din 'yun ni papa.
"Kung 'di mga nangti-trip, baka mga magnanakaw. Seiji, double check mo mga lock ng pinto at bintana" utos ni papa saka dumiretso s'ya kay mama sa kusina. Agad akong tumayo, bago pa ako makakilos, nagulat ako nang bigla na lang nahulog at nabasag ang family picture namin. Nakasabit 'yon sa pader. Patakbong lumabas ng kusina sina mama at papa. Agad naman akong tinanong ni mama nang makitang pira-piraso na ang salamin ng picture frame.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi kahit ako ay nagulat din, wala akong maisip na dahilan kung paano nga ba nahulog 'yon, hindi naman mahangin. Malayo rin ang kinatatayuan ko mula sa picture frame.*
2022
In my dream, galing ako sa isang dead city. Walang katao-tao at madilim ang kalsada, may humahabol sa akin pero hindi ko matandaan kung sino o ano, hanggang sa may nakita akong bahay na nakabukas ang ilaw. Kinatok ko nang kinatok ang pinto habang panay ang lingon sa likuran ko. Pawis na pawis ako at takot na takot, ilang katok pa "sino 'yan?" sagot ng isang lalaki. Patuloy lang ako sa pagkatok, "Sino 'yan, anong kailangan mo?" muli n'yang sagot. "TULONG..." sigaw ko, hindi ko alam kung bakit iyan lang ang salitang lumabas sa bibig ko, hanggang sa bumukas ang pinto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bumukas ang pinto. Si papa 'yung nagbukas, pero parang hindi n'ya ako nakikita. Naiiyak na ako that time kasi salita ako nang salita pero wala nang boses na lumalabas sa bibig ko, parang 'di rin ako nakikita ni papa hanggang sa pumasok na s'ya ulit sa bahay, agad akong sumunod. Nakita ko ang aking sarili na nakatayo malapit sa sofa, nakatitig s'ya sa akin at nakangisi ng malapad. Nakakatakot ang itsura n'ya, nakangiti pero naninindak ang mga mata. Napa-atras ako sa takot at pagkalito hanggang masandalan ko ang pader, nahulog ang picture frame.-seiji
Punishment Gone Wrong
Hello, Spookify. Hindi ako magaling magkwento pero ibabahagi ko pa rin ang karanasan ko. Tawagin niyo na lang akong Laarni. Nangyari ito noong 2019 before COVID era, syempre face to face pa. December noon at malapit na ang Christmas break kaya kaunti na lang ang mga estudyanteng pumapasok. Noong mga panahon na rin iyon ay ginaganap ang Sea Games. Bilang bored na student sa isang private school somewhere in Caloocan, kami ng mga kaklase ko na pangalanan na lang nating Daniela, Marie, Shane at Janine. Nilaro namin ang paper game na battleship. I don't know if familiar kayo sa ganon pero ayon yung bubutasan niyo 'yung papel tapos ipapailalim niyo 'yung ballpen pero dapat hindi ma-shoot sa butas hanggang sa mabutas mo ang base ng kalaban. Ewan, boring sa iba pero syempre dahil bored kami ano na lang maisipan pampalipas na lang. So, ako at si Janine ang magka-partner at sina Daniela at Marie naman ang other opponent. Samantalang si Shane ay parang referee na lang. Tinawag naming sea games ang ginagawa namin kasi sobrang seryoso namin maglaro. Ang punishment kasi ay mag-stay sa kabilang classroom na lights off at closed door. Hindi ako matatakutin kaya wala namang problema sa akin kung matalo o hindi. So far sa laro, kami ang leading. Noong turn ko na at last na base na lang ang bubutasin ko ay na-shoot ang tip ng pen sa butas noong malapit na ako. Ganon na lang ang hinayang ko kasi na-pressure ako kay Janine na matatakutin na ayaw matalo. Kaya nagkaroon ng pagkakataong humabol sina Daniela at Marie.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...