Part 1
Sorry sa mga taga ilo ilo huh. Hindi ko to ipopost para sirain yung lugar nyo. Actually maganda sobrang nagenjoy ako. Bakit andaming tisay na ilonga? Dinaig kutis ko. sila kutis mayaman ako kutis Bay%@g. Naturingang naka tira sa baryo pero mamula mula yung mga pisngi. May mga Morena pero angkikinis tapos yung mga mata ampupungay na maaliwalas lalo pag ngumingiti.... hahaha yung mga lalake naman. Ok balik tayo sa story ko. nagpunta kami dito para umattend ng seminar.
Taga dito din kasi nakatira lumaki yung may ari ng company na pinapasukan ko ngayon. Parang treat nadin nya samin kasi maganda yung kita ngayong taon sunod sunod mga projects.sabi ko nga baka after 3 months bago ako mag post ulit kaso nangangati yung kamay ko hanggat dq nakkwento yung mga naranasan ko saka may mga ilan din kasi akong tanong at alam kong mga taga ilo ilo lang ang makakasagot.isa pa sa sobrang dami kong ginagawa baka makalimutan ko nnman sayang..
10pm July 22, 2019. After ng seminar namin. Kain tapos may konting inuman. naisipan kong maglakad lakad tapos yosi pampaalis ng lasing saka umay nadin sa may likod ng bahay ng boss ko. napakaganda ng lugar mapuno. Mas dumagdag pa yung sinag ng buwan para maaapreciate mo yung ganda ng paligid.anino ng bundok at puno kasabay ng mabangong amoy ng talahib saka tae ng baka na sumabay sa hangin. Uy pag ganon amoy meaning fresh yung lugar. Excuse sa mga kumakain pero mabango talaga para sakin yung ganyan. Eto yung kahinaan ko eh yung nature. Para akong paruparong pink na may headband na bulaklak.pakiramdam ko isa akong diwata. Na tinago sa katawan ng isang tall dark and handsome with animalistic appeal and Greek gods body na tagalupa...siguro dahil laking maynila din ako kaya iba ang dating sakin ng lugar na to.yung pakiramdam na minsan na kong tumira d2 as in sobrang at ease ka. kahit unang araw palang pakiramdam ko papakasalan ko na yung isang puno na Nakita ko paldahan mo lang. nahihiwagahan ako sa lugar... kakalakad ko dq napansin na napalayo nq. Paglingon ko wala na kong nakitang bahay. Puro puno na yung nakapalibot sakin. Pero hindi ko din maipaliwanag yung saya ng pakiramdam hindi ko din kayang ipaliwanag na imbis na takot kahit madilim dagdag pa yung hindi ko kabisado yung lugar mas ramdam ko na hindi aq mapapahamak ramdam kong safe ako.kahit parang pakiramdam ko hindi ako nagiisa. Deretso lang ako nung may nakasalubong akong matangkad na lalaki galing sa may kanan. Siguro mga nasa 6 feet yung height. Balbas sarado na malapad yung katawan. Yung itsura nya mejo singkit tapos yung kilay akala mo inahit kasi kahit makapal pataas yung kurba. Pamilyar ba kayo sa mga Mongolian? Parang ganon datingan ng mukha. Hahaha... mukhang Chinese pero matatas magtagalog. Kaibigan!!!! Huhulaan ko dka taga dito bisita ka ba ni (insert pangalan ni boss). Kasi parang naliligaw kna knina kpa palinga linga kanina pa kita tinitignan kaya lumabas na ko. di kba natatakot, madilim na d2 sa parteng to madami ding ahas? Umiling lang ako habang nakatitig. Kasi pinapakiramdaman ko kung mapagkakatiwalaan ba. Pero magiliw padin syang nagsasalita.wag kang magalala di ako kumakain ng tao. taga d2 lang din ako, si (Insert pangalan ni boss) matagal ko ng kilala yan pati yung buong angkan nila. Kala ko nga taga maynila din.kampante ako kasi kilala si boss Ayun hanggang sa sinabi ko opo kuya taga maynila po ako. Dinala lang kami d2 ni boss for job purposes ndin po. Ano ginagawa nyo jan? tanong ko. sabi nya gabi daw kasi sila nanghahunting. Dahil karamihan ng bayawak sa gabi lumalabas. Sabi nya pa magingat ka dahil madami kaming nilagay na patibong jan sa mga sulok sulok. Humingi pa xa ng sigarilyo sakin saka ako pinaupo sa gilid nya. Tapos may lumabas pang isa sa kabila gaya nya malaking lalaki din Malaki yung tyan saka may hawak na tatlong bayawak tuwang tuwa kasi may handaan daw sa knila ngayon. Sabi nya sumama ka muna. Ako na maghahatid sayo mmya. Hesitant aq kasi dq naman kilala tong taong to kaso para akong nahihipnotismo kasi oo nlang ako ng oo. Sa isip ko gs2 kong tumanggi pero hindi ko masabing hindi parang may pumipigil sa loob ko na magsalita.
Tahimik kaming naglalakad. Hanggang sa dumating kami sa lugar kung saan parang nasa pelikula ka.maliwanag yung paligid may mga bombilyang dilaw na nakasabit sa mga sanga ng maninipis na kawayan. Mga alitap tap na lumilipad sa ibabaw ng tubig yung iba imiikot ikot sa mga puno ng akasya, kawayan maging sa mga tao. Ramdam mo din yung dampi ng basang hangin na nanggagaling sa pressure ng falls na bumabagsak galing sa bundok. ngayon lang ako nakakita ng ganitong lugar hindi ko masasabing may kakaiba kasi hindi ko din alam kung ano ang kakaiba sa normal dito salugar na to kasi nga hindi ako pamilyar. Bukod don wala naman akong napapansin maliban sa tema ng pananamit ng mga tao. makaluma pero meron din naming mangilan ngilan na naka pang moderno.mga abala lahat ng tao kahit gabi na.maaliwalas yung lugar. May mga babae saka lalaking nakaupo sa mga kahoy na upuan kumakain habang masayang nagkkwentuhan. Mga baging na dinekorasyon para magmukhang enchanted yung lugar.may fiesta nga siguro kinabukasan kaya siguro inimbita din kami ni boss na magpunta d2 sa knila... Gustong gusto kong magtanong kasi tungkol sa mga suot nila. Yung mga malalaking lalake na kasama ko knina akala mo mga warrior kasi mga nakabalat Na makapal mula bota hanggang gwantes na may mga balahibo pa ng hayop...pero parang nahihiya akong magsabi kasi baka maspoil ko yung mood ni kuya. Saka nya ako pinaupo katabi ng mga binata dalaga na alam kong may gusto sakin kahit di sila magsalita....habang pinapaayos nya yung loob ng bahay nya. Kahoy pero elegante yung dating...napansin ko din na walang ginawa tong mga kabataang to kundi maglandian.hahaha... tinawag ako ni kuya papasok sa bahay nila... lahat gawa sa kahoy pero masasabi mong makabago lahat ng mga design. Magaling yung nag uukit kasi kahoy na inuka para maging mug, magandang carpet, center table, sofa na nilagyan ng foam lahat ukit, kumpleto din yung mga gamit mula sa sofa hanggang sa mga tv.... Saka ako kinausap.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...