Her Husband was a Demon (Parts 1-3)

86 4 0
                                    


Part 1

Hi spookify! Si Kira Higurashi po ulit, muling magkukwento.WARNING: may SPG content po ito, read at your own risk. I have a cousin sa mother's side, sya si ate Elena. This story reveals kung anong naging dahilan ng ilang linggong pagiging balisa at tulala ng pinsan ko. Nang makarecover sya ay saka sya nagkwento. Its all about Rebecca, isa sa malalapit nyang kaibigan. The story will be on Ate Elena's point of view para mas maayos ko pong maidetalye. DETAILED STORIES DOESN'T ALWAYS PROOVE THAT ITS JUST A FICTION. At lahat ng dialogue na inyo pong mababasa is in a "non-verbatim" form. It was year 2011, nine years ago and I was 24 back then, pero sariwa pa sakin ang lahat. "Tulungan mo ako Elena. Itakas mo ako kay Erman" ito ang natanggap kong text message from my friend—Rebecca. Mabilis na nag-unahan sa pagpintig ang aking mga ugat sa puso nang mabasa ko ito. Agad akong nag-text pabalik at tinanong kung anong problema pero wala akong natanggap na reply. Tinawagan ko ang kanyang number pero walang sumasagot. Naisip ko pa na baka hindi si Rebecca ang nagtext nun baka prank lang pero nakatitiyak naman akong ito ang number nya.Nang araw na iyon ay hindi ako mapakali sa trabaho, tinawagan ko ang mga kaanak ni Rebecca pero ni isa ay walang nakapagbigay sa akin ng matinong impormasyon. Medyo nakaramdam ako ng inis, pero mas nanaig sa akin ang pag-aalala. Nagpaalam ako sa aking boss na maagap akong mag-aout at baka maka-absent din ako kinabukasan dahil sa emergency. Pumayag naman sya, pero ikakaltas ito sa aking sahod. Wala na akong inaksayang oras pa, pakiramdam ko'y kailangang mapuntahan ko kaagad si Rebecca. Agad akong bumyahe mula sa Maynila papuntang probinsya ng Quezon. Hindi na alintana sakin ang pagod mula sa work, I just felt na kailangan ko magmadali. Apat na oras pa ang byahe kaya hindi ako mapakali sa upuan. Panay ang sulyap ko sa bintana at patuloy ang pagcontact sa number ni Rebecca, pero bigo akong makausap sya. Pinakalma ko nalang ang aking sarili, baka masyado lang akong nagiging OA. Isinandal ko ang aking ulo sa upuan ng bus at pumikit hanggang sa ako'y makatulog. Napanaginipan ko si Rebecca that time, umiiyak sya na parang may masakit sa kanya. Nakatalikod sya nun, nilapitan ko sya at tinanong kung anong problema, nang humarap sya sa akin ay nagimbal ako sa aking nakita. Naaagnas na ang kanyang mukha at naglalabasan doon ang maraming uod. Nagsisigaw ako hanggang magising, nagtinginan sa akin ang ilang mga pasahero. Agad naman akong nanghingi ng paumanhin sakanila sa kahihiyang naidulot ko. Sa puntong iyon ay mas lalo pa akong kinabahan. Binuksan ko nalamang ang bintana ng sasakyan at dinama ang sariwang hangin, nasa probinsya na kami. Isinawalang bahala ko nalamang ang panaginip ko at itinuon ang aking atensyon sa magandang tanawin sa probinsya ng Quezon. Btw, tiga-Quezon din ang family ko pero sa ibang lugar naman at malayo sa lugar ni Rebecca. Nagtatrabaho lang ako sa Manila kaya doon na'ko tumira for years. Narating ko na ang lugar ng kaibigan ko (hindi ko nalamang babanggitin kung saan sa Quezon) agad akong bumaba at pabuntong hininga kong tinanaw ang sasakyan habang umaandar ito papalayo. Dakong alas-singko na at kumakagat na ang dilim, mangilan-ngilan lamang ang kabahayan sa paligid at wala ni-isang taong dumadaan. Tinahak ko ang masukal na daanan papasok sa kakahuyan. Halos sampong minuto rin akong naglakad hanggang matanaw ko ang isang lumang bahay na yari sa sawali at pawid. Medyo nakadapa na ang bahay at tila bibigay na ang bubungan nito. Umaasa akong dito parin nakatira ang kaibigan ko bagamat mukhang abandunado na ang bahay. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang makalapit ako sa pintuan. "Tao po! Rebecca? Tao po?" nakaramdam ako ng kakaiba ng mga oras na yun, parang napakabigat sa pakiramdam. Pero binalewala ko lang ito, marahil ay pagod lamang buhat sa byahe dahil sadyang nakakahilo ang tinatawag na mala "bitukang manok" na daanan sa probinsyang namin. Kinabahan ako dahil parang walang tao, napakadilim ng kanilang bahay, pero ilang saglit pa ay bumukas na ang kawayang pinto, at iniluwa noon ang isang payat na babae. Malaki na ang kanyang pinagbago. Nanlalalim ang kanyang mga pisngi at malamlam ang mga mata, mapusyaw ang kanyang balat, napakaputla ng kanyang labi at nanunuyo na ito. Isang malamig na hangin ang humampas sa akin, nagtayuan ang balahibo ko sa batok. Pero binalewala ko ulit ito at sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Rebecca, ramdam kong mahigpit rin ang yakap nya sa akin. Kumalas ako sa kanya at hinawakan sya sa dalawa nyang kamay at doon ay napansin ko ang mga pasá sa kanyang kamay at braso. "Anong nangyare? Sinasaktan kaba ng asawa mo? Bakit ka may mga pasá? Bakit ganon ang text mo sa akin? At di'mo rin sinasagot ang mga tawag ko" Hindi ako sinagot ni Rebecca, sa halip ay ngumiti lamang sya ng matipid. "Pasok ka" sabi nya. Nangilabot ako sa boses nya dahil parang paos ito. Pilit kong isinawalang bahala ang mga kakaibang nararamdaman ko mula pa kanina, pumasok ako sa loob, pinaupo nya ako sa kawayang upuan. Rumagutnot pa ito nang maupuan ko, yung tunog na iyon ay nakadagdag pa ng kilabot na kanina pa bumabalot sa buo kong katawan. Pinagmasdan ko si Rebecca, nagsindi ito ng gasera upang may tanglaw kami sa loob ng madilim nilang silid. Iginala ko muna ang aking mga mata at nagtaka ako kung bakit ganoon ang kanilang bahay, napakadumi na parang matagal ng walang nakatira. Muli kong ibinaling ang aking atensyon kay Rebecca at napasigaw ako nang maramdaman kong nakaupo na sya sa tabi ko. "Diyos ko naman Rebecca wag mo akong takutin!" ngumiti lang sya ng matipid. Nag-usap kami ng masinsinan tungkol sa text nya sakin, ang dahilan kung bakit ako nandito. Ikinuwento nya sakin ang mga pananakit ni Erman tuwing umuuwi itong mainit ang ulo dala ng kalasingan o kapag natatalo sa sugal. Ipinakita nya pa sakin ang iba pa nyang pasa at sugat sa katawan, sobra akong naawa sa kaibigan ko dahil ang ilan sa mga sugat nya ay naging peklat na at ang ilan ay sariwa pa. Tinanong ko kung nasaan si Erman ng mga oras na yun, sagot nya'y nasa bundok, nangangahoy. Lumipas ang mga oras nang hindi ko namalayan, pasado alas-siete na ng gabi. Wala na akong ibang naisip that time kundi itakas si Rebecca. Wala na rin akong pakealam kung magalit sakin si Erman sa pangingialam ko sa buhay mag-asawa nila, idedemanda ko sya pagbalik naming Maynila. Sapat na ang mga ebidensyang nagmarka sa kaawa-awang katawan ng kaibigan ko. "Bakit hindi mo magawang magsumbong sa mga pulis Rebecca? Ba't hinahayaan mo lang na ganyanin ka ng asawa mo? May cellphone ka naman bakit hindi ka mag-text sa mga pulis o DSWD" sunod-sunod na tanong ko sakanya, bagamat kanina ko pa napapansing hindi nya ako tinitingnan sa mata kapag kinakausap."Hindi mo naiintindihan Elena. Iba si Erman. Nakakatakot sya" parang wala sa sarili nyang sagot."Rebecca!" Nagulat kami pareho nang makarinig kami ng sigaw mula sa labas ng bahay. Boses iyon ng isang lalaki. "Si Erman, magtago ka Elena magtago ka!"kitang-kita ko ang takot sa mukha ni Rebecca, natakot narin ako sa mga oras na yun. Tumayo kaming dalawa para humanap sana ng tataguan ko pero huli na, bumakas ang pintuan dahil sinipa ito ni Erman, may hawak kase ang kanyang mga kamay noon."E..Erman" parang mahihimatay na ako sa kaba ng mga sandaling yun. Hindi ko alam kung bakit ganun ako kabahan noon, hindi ko maipaliwanag. Napakapit sa braso ko si Rebecca. Tiningnan ko si Erman, ganoon parin ang itsura nito nang huli kong makita 3 years ago. Malaki ang bulas ng pangangatawan, may taas na sa tantya ko'y 5'8, kayumanggi ang kulay ng balat, makapal ang kilay, makapal at magulo ang buhok, mapungay ang mga mata,at matangos ang ilong. Tall, dark, and handsome kung ilalarawan, at talagang napaka-amo ng kanyang mukha. Kaya siguro mabilis na nahulog ang loob sakanya ni Rebecca noong ligawan sya nito 3 years ago. Pero may kakaiba talaga sa presensya ng lalaking yun, sya yung tipo ng tao na kikilabutan ka kapag kaharap mo sya, at hindi mo kakayaning makipag-eye to eye sakanya ng matagal. Pero balewala na sakin kung mala-anghel pa ang itsura ng taong ito, dahil walang kasing-hayop ang trato nya sa kaibigan ko. Napansin kong marumi ang kanyang suot, may mga bahid ito ng putik. Ngumiti sa akin si Erman ng matipid atsaka inayos ang mga dala nyang kahoy sa gilid ng pinto, matapos nun ay pumasok sya sa loob ng bahay. Ang pinagtaka ko, ni hindi manlang ito nagulat o nagtanong kung anong ginagawa ko sa bahay nila.Niyaya nila ako kumain ng hapunan, naghain si Rebecca ng nilagang kamoteng kahoy at nilapwaang talbos. Tumanggi akong kumain pero tinitigan ako ni Erman kaya nakaramdam ako ng hiya, kumain akong kasama nila. Tahimik kaming kumakain sa hapag, pasimple ko silang tinitingnan nun. Hanggang sa matakot ako sa mga ikinilos ni Rebecca, sunod-sunod ang pagsubo nito na parang hindi na nginunguya ang pagkain. "Rebecca" tawag ko sakanya pero patuloy ito sa pagkain hanggang mabulunan at sumuka sa harapan namin mismo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, napatingin ako kay Erman nun na parang walang pakialam sa nangyayare, patuloy lang ito sa pagkain. "Magpahinga kana Elena" mahinhing utos sakin ni Rebecca matapos namin maghapunan. Panay ang tanong ko kung ok lang ba sya dahil sa nangyare kanina pero hindi nya ako pinakinggan. Binuksan nya yung isang kwarto, madilim sa silid na yun. "Bukas na tayo mag-usap" sabi nya sakin at pinagmasdan ko syang lumakad palayo, pumasok sa kabilang kwarto.Kinuha ko ang aking cellphone para kahit papano'y may ilaw ako sa silid(de-keypad na 33-15 pa ito dahil hindi pa ganun ka-uso noon ang Android at touchscreen). Umupo ako sa papag na puro na rin alikabok. Ang baho. Ang baho sa loob ng silid, parang amoy patay na daga. Pero hindi ito ang panahon para mag-inarte, idinial ko ang number ng pulisya pero ang malas ko nang mapagtantong walang signal. Pero imposible naman ata, nakapagtext sakin si Rebecca kanina kaya sure akong may signal. Nagtext ako sa mga kamag-anakan ko pero "message not sent" lahat. Maya-maya ay narinig kong may kalabugan sa kabilang kwarto. Sumigaw si Rebecca na ikinataranta ko. "Wag Erman! Tama na...parang awa mo na, ayoko" pagmamakaawa ng kaibigan ko. Kinabahan nanaman ako at halos mabingi na sa lakas ng pagkabog ng aking dibdib. Lumabas ako ng kwarto at nagpasyang puntahan si Rebecca, dala ko ang aking cellphone bilang ilaw, kinatok ko ang pinto kasabay ng pagtawag kay Rebecca. Itinulak ko ang pintong plywood at nagulat sa aking nakita. Si Rebecca, nakahiga sa papag, nakataas ang dalawang kamay sa kanyang uluhan, hawak hawak ito Erman na parang iginapos sa sarili nyang kamay kaya hindi makakilos ang kaibigan ko. Nakaibabaw sakanya si Erman, pawis na pawis ito at abala sa pagsiksik ng kanyang mukha sa leeg ni Rebecca na noo'y nakatingin sa direksyon ko. Kanina lamang ay sumisigaw sya pero ngayon ay wala ng reaksyon ang mukha nya. Hindi manlang natinag si Erman sa kanyang ginagawa kahit pa nakita ko sila. Gusto ko nalang lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyang naramdaman ko. Napaatras ako at nakaramdam ng matinding kaba, agad akong nanghingi ng paumanhin at muling isinara ang pinto. Dali-dali akong bumalik sa kwartong pinagdalhan sakin ni Rebecca. Nakakahiya, sobra...pero bakit ganun? Yung kaba sa dibdib ko'y parang hindi bunga ng kahihiyan. Kakaiba. Pinagtyagaan kong humiga sa madilim at maruming higaan. "Ano na ang gagawin ko? Bakit pa ba ako pumunta sa lugar na ito? Paano ko itatakas si Rebecca? Sana hindi nalang ako basta-basta nagdesisyon, sana nagsumbong nalang ako agad sa mga pulis para sila na ang mag-imbestiga". Binalak kong umalis nalang ng gabing yun at mag-abang ng sasakyan sa kalsada, pero paano si Rebecca? Nandito na ako kaya gagawin ko nalang ang dapat. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako nun sa sobrang pag-iisip. Nagising ang diwa ko pero hindi agad ako nagmulat, naramdaman ko kaseng parang may mabigat na nakadagan sa akin. Maya-maya'y may parang malamig na dumadampi sa aking puson paakyat sa aking dibdib, parang hinawi ang suot kong damit paitaas kaya nararamdaman kong may nalapat na basa sa aking balat. Hanggang makarating ito sa aking labi, dumadampi na parang binabasa. Akala ko'y nanaginip lamang ako nun, gumalaw ako at tuluyan nang nagmulat pero napakadilim. Wala ako halos makita. Nagulat ako nang lumipat sa leeg ko ang malamig na bagay. Parang dinidilaan at nag-iiwan ng laway doon. Napamura ako nang mapagtanto kong may nagtatangkang gumahasa sakin. Sumigaw ako pero itinakip nya ang kanyang kamay sa bibig ko. Itinuloy nya ang paghalik sa aking leeg at gumapang ang kanyang isang kamay sa aking hita, mabuti nalang at nakasuot ako ng jeans noon. Wala akong magawa kundi umiyak, napakalakas nya at hindi ko magawang manlaban. Nagdasal nalang ako ng "our Father" sa isip ko lang habang umiiyak, pero lalo lang lumala ang kilabot na naramdaman ko noon dahil tila nabasa nya ang iniisip ko, sinabayan nya ako sa pagdadasal at humagikhik pa sya na parang kinikilig. Mas lalo akong napaiyak at itinigil ko ang dasal na yun "Dios ko, ano ba 'tong pinasok ko"nagsisisi akong pumunta pa ako sa lugar na yun. Iginalaw ko ang isa kong kamay hanggang makapa ko ang aking cellphone. Pinindot ko ito at sa tulong ng ilaw mula doon ay nakita ko ang taong lumalapastangan sa akin. Binalot na ng kilabot ang buo kong katawan at tuluyan na akong nilamon ng takot. Ang nilalang sa ibabaw ko, umangat ito at nagtapat ang aming mukha. Naglalaway ito at napakalapad ng kanyang pagngisi. Bakas sa kanyang mukha ang maitim nitong balak. Wala akong makitang mata sakanya dahil nakalubog ito at puro itim lang ang nakikita ko, dinig na dinig ko ang kanyang paghinga. "Erman..." alam kong sya yun kahit na nag-iba ang itsura nya. Buong lakas akong sumigaw at dala narin ng takot ay nagawa ko syang itulak. Biglang nawala si Erman nang hindi ko manlang naramdaman ang pagtakas nya. Sigaw ako ng sigaw ng "tulong" hanggang sa makita ko si Rebecca na papunta sakin dala ang gasera. Agad nya akong tinanong kung bakit ako sumisigaw, sinalubong ko sya ng yakap at napahagulhol ako sa kanyang balikat. Unti-unting nabuo ang ideya sa isip ko, tama ang kutob ko noong una pa, hindi ordinaryong tao ang asawa ni Rebecca, isa itong demonyo...—Looks are deceiving kaya mag-ingat ka, hindi dahil mala-anghel ang kanyang mukha, ay dapat kanang magtiwala. Hanggang dito nalang po muna masyado nanaman kaseng mahaba, ia-update ko nalang po kaagad ang kasunod, salamat po! No hate, just read.P.S. Tatanggapin ko po kung hindi ninyo ito paniwalaan, dahil kahit po kaming mga kaanak ni ate Elena ay nahirapan din noon na i-sink in sa mga utak namin ang kanyang kwento, but theres something I saw on ate Elena's eyes habang nagkukwento sya, kaya ako naniwala.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now