My Guardian Angel (Parts 1-3)

35 2 0
                                    


Part 1

Hello sa mga admins at mga readers ng spookify, gusto ko lang po sanang ikwento itong experience ko about sleep paralysis. Hopefully mabasa and ma post ng mga adminsSo eto na nga, galing ako noon sa birthday ng isa sa mga tropa ko at alam niyo naman syempre kasiyahan merong inuman. Napahaba din yung kwentuhan at inuman namin noon kaya pag uwi ko sa bahay ay talagang diretso agad ako sa kama dahil nga sa hilo na ako dulot ng pagod at pagkalasing. Naisip ko pa noon na mag hilamos o mag linis muna bago matulog dahil nga galing akong labas ang kaso di ko namalayang nakatulog na pala ako, akala ko noon gising pa ako dahil tumayo ako sa kama at dumiretso sa baba para mag hilamos pero bigla nalang may parang humila sakin at nakita ko ang sarili ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nakakatakot na nilalang. Ang isa sa kanila mapayat na babaeng nakakulay puti at may mahabang buhok na abot hanggang sa tuhod niya, yung isa naman matabang naka palda at parang may mga tahi pa yung mukha niya, kilala niyo ba si Pudge sa Dota? Parang ganon pero babaeng version. Hindi ko na matandaan pa yung itsura nung iba pero dun talaga ako sa kamukha ni Pudge natakot eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung time na yon, gusto kong gumising pero naisip ko paano kung wala pala ako sa katawan ko? Tsaka paano ako babalik kung potek nasa tabi sila ng katawan ko? Ilang segundo din akong natigilan non bago ko maisip na bahala na, lalapit ako sa katawan ko. Nilakasan ko na ang loob ko para lapitan ang katawan ko nang biglang gumalaw yung babaeng nakaputi at unti unting hinahawakan ang katawan ko, grabe ang kilabot ko noon dahil kahit parang pinapanood ko lang sila ay nararamdaman ko din na may humahaplos sakin. Lalong nanigas ang pakiramdam ko dahil doon, kaya naisipan kong mag dasal at humingi ng tulong sa Diyos, hindi ako banal na tao at minsan ko lang siyang kausapin pero naniniwala ako sa kanya. Ilang beses kong binabanggit ang pangalan niya ng paulit ulit sa isip ko hanggang sa magising ako. Kahit sa paggising ko ay nakatayo pa din ang mga balahibo ko kaya naman naupo ako sa kama at kinalma ko muna ang sarili ko, noong kalmado na ako ay nagpasya akong bumaba para mag hilamos. Habang pababa ng hagdan ay bigla ko naman naalala yung kaninang panaginip ko na habang pababa ako ay bigla akong nahatak pabalik kaya tumayo muli ang mga balahibo ko. Binilisan ko ang pagbaba at agad na dumiretso sa banyo at nag hilamos, habang nasa loob ay napansin kong parang wala akong kontrol sa sarili ko dahil sa kung saan saan nalang napupunta ang paningin ko, pero inisip ko nalang baka dahil sa alak kaya binalewala ko nalang. Palabas na sana ako ng cr noon at nag pupunas nalang nang bigla akong napatingin sa salamin at bigla ko nanamang nakita yung babaeng mataba na may mga hiwa sa mukha. Muli nanaman akong kinilabutan at nanigas nanaman ang katawan ko habang nakatitig sa mukha ng nilalang na yon. Palapit siya ng palapit na parang lumalabas siya mula sa salamin hanggang sa bigla nanaman akong napunta sa kwarto pero sa pag kakataon ito nasa loob na ako ng katawan ko at kitang kita ko ang mga panget nilang mukha. Nakakakilabot ang mga ngiti nila na halos umabot na sa tenga habang nakatingin sila sa akin. Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil nakadagan sakin yung matabang babae at hawak naman nung babaeng nakaputi ang kanang braso ko, napapikit nalang ako at sibukan ko ulit na mag dasal, napatigil lang ako nang may humawak bigla sa kaliwang braso ko. Naramdaman kong nawala ang bigat sa katawan ko pati ang kilabot na nararamdaman ko at umaliwalas ang paligid, dahan dahan ko pa nong minulat ang mga mata ko dahil baka kung ano nanamang makita ko at hindi nga ako nag kamali, ngumiti siya sakin na nag pabilis ng tibok ng puso ko, ang inaasahan ko panget na nilalang nanaman ang makikita ko pero hindi, isang babaeng napakaganda ang nakita ko. Ilang segundo lang ang nag tagal noon at nagising nanaman ako. Tapos ganon ulit, nag pakalma ako pero hindi na ako muli pang bumaba at hindi na rin ako natulog pa, nag basa nalang ako hanggang sa magising ang mga tao sa bahay.Hindi ko alam kung paano kong nasabing napakaganda nung babae sa panaginip ko, hindi ko na din matandaan ang mukha niya noon pag kagising ko, basta feeling ko maganda siya, alam niyo yung feeling na para kang nanaginip na kasama mo yung crush mo? Ganon hahahaha.Sana admins mapost po itong story ko at sana magustuhan din ng mga readers. Pasensya na kung hindi maganda yung pag kakakwento, pagtiyagaan niyo nalang po sana haha. Don't worry next time try ko mag improve kapag ikukwento ko na yung time na ginising muli ako ng guardian angel ko.So hanggang dito nalang muna, sana nagustuhan niyo dahil kung oo, ikukwento ko yung part 2.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now