Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 1 & 2)

61 4 0
                                    



Part 1 : Doom's starts here


Hi Admin and Yow Spookify minions Ediwow Caluag nanaman.

F.Y.I.- lahat po ng stories about Paranormal Investigation just like Madam Conchita and Lods Seth (nabasa ko na rin yung sa kanila) na inaupdate dito sa page nato ay di sila/kami nag bibigay ng direct information such as exact names, address, evidence like actual footage or pictures etc.. dahil ito po ay subject in highly and extremely confidential, eto ay sa pagitan lang ng Clients, Investigator and ng Church na involve dito, di ito pwede basta ilabas without the concent of both parties, sana ay na gets at maintindihan nyo! Thank you.Note: mukhang maraming nakamiss nakasama ako sa mga quest at mapalaban? Kaya naman mainit init pa to galing saking mga source. Thanks to Kuya K Ate Ann and Kuya M. Di kasi ako basta makabuo ng story without their coaching and guidance. Literal na mapapalaban ako dito dahil muntik na akong tamaan ng lumipad na something, at higit sa lahat dito ako na sabon,shampoo at conditioner ni Kuya K ! Kaya seat back relax and enjoy here it goes.2011 of April katatapos lang ng holy week nito at ito ang pangalawang sabak ko with Big Boss and Co. ng puntahan ako ni Kuya K at mag impake na daw ako, mga pang 1week na damit daw dalhin ko kaya na intriga ako baka outing lang, sumagot naman sya na parang ganun pero sa dagat kami ng apoy lalangoy. Pag dating sa bahay ni Big Boss nandun na sila Kuya M Ate Ann at Ate Jin, may napansin akong mejo katangkaran mga 5'8 or 5'9 ang taas, di pamilyar sakin yung hilatsa ng mukha nya. Naghahakot sya ng equipment ng biglang sigaw ni Kuya K ''oy Kuya Ren welcome back'' sumagot naman ito ng salamat at tanong "sinong bubwit yang kasama mo ?" (abay loko to di nya kilala ang bayani ng Old House sa Laguna) sagot naman ni Kuya K bago mong kateammate sa Tech Squad, sabi ko kay Kuya K what? Sagot naman ni Kuya K naalala mo kaya kita kinuha noon dahil kulang ang Tech Group at si Kuya Ren yung wala non, umuwi sa province nila at matagal na syang member ng grupo, kasakasama pa sya ni Big Boss dun sa dati nilang team. Tanong ko bakit mo pa ako sinama nanjan na pala sya? Si Big Boss daw nag request sakin (natouch ako dun) kaya naman tumulong na rin ako mag hakot, sa Ware House nandun na sila Kuya Ber, Kuya Del at Pareng Xel dahil kumpleto kami kaya mabilis naming nakarga yung buong ware house dun sa van. (pano halos lahat ng equipment dala namin) kaya nagtanung ako kay leader si Kuya Ber, wala daw syang idea kung bakit lahat dinala namin yun daw ang instruction ni Big Boss. Nilapitan naman ako ni Kuya Ren at pormal na nagpakilala, beso beso syempre Charrr, at sinabing nakwento na daw ng Tech Squad yung last quest na wala sya, pag patuloy ko daw yung pagiging nerbyoso baka daw marami pa akong mailigtas, at bibigyan nya daw ako ng maraming kape (siraulo din no).Waiting nako sa PepTalk ni BigBoss, papasok na sana ako ng bahay ng papalabas naman sila, kaya tinanong nya kung san ako papunta? Tanong ko din wala bang Cocus diretso alis na ba? Sumagot sya na sa byahe na namin pag usapan, maaga pa non mga pasado 8am pa lang, mukhang nagmamadali si bakulaw. Sabi nya dadaan pa kami ng simbahan sa QC dahil may kukunin sya, dun na kami ni Pareng Xel nakisakay sa van ng mga psychic dahil puno na yung isang van sa equipment, puro mga veterans ang nandun at byumahe na, sandali lang kami sa simbahan dahil may kinuha lang si BigBoss kay Father, white na sobre at nag patuloy na sa byahe. Natanong ko kay Kuya K kung nasan naman yung ibang psychic (Kuya I at Ate Shai) kasi di ko pa sila nakikita? Pero sumagot sya na di sila available pero may binigay si Kuya I kay BigBoss na baka magamit namin sa kaso. While on the road nag tanong ulit ako kay Kuya K san ba ang outing? sagot nya sa Bicol daw kaya napasabi talaga ako ng S*** ang layo, kaya nagtawanan tuloy yung ibang psychic. Si Kuya M muna ang incharge sa manibela dahil malayo ang byahe, palitan sila ni Kuya K at Big Boss. Nag simula ng mag kwento si BigBoss rush daw kasi to dahil ang Client is Bff daw ng Mother nya kaya di nya matanggihan, mag kababata daw ang Mama ni BigBoss at si Client sa Quezon Province. Wala pa syang full extent ng info, dahil pinagmamadali daw kasi sya ng mudra bells nya, nagmadali na rin umalis si BigBoss dahil baka mapalo daw sya ng Mudra nya (ang laki laking tao takot sa palo). Ang kaso is tungkol sa Rest House ni Client dahil nililigalig daw ito ng kung anong nilalang dun, sa ngayon yun pa lang ang alam namin at si client na daw ang kakausapin namin about dun.Byahe pa lang ngarag na, mag didilim na ng nakarating kami sa Quezon sa bahay ni Client. Mag hahapunan na rin that time, matapos kumain ay nag tipon tipon kami sa salas at dun ay nag simula ng mag kwento si Client. Itago na lang natin si Client sa name na Tita Ching mga nasa 67yrs old na to, kwento nya ay matalik silang mag kaibigan ng Mother ni BigBoss, bahay ng mga magulang nya ang tinutuluyan namin that time sa Quezon, sa ngayon ay sa Pasig sila nakatira ng kanyang pamilya, dito ay nilahad na ni Tita Ching ang buong history at kaganapan sa Rest House nya sa Bicol. 2007 daw ng mabili nya to sa isang kakilala, bakanteng lote daw ito noon di pantay ang lupa, may parteng mababa at mataas kaya ni landscape nila ito para mapantay. Ayon din sa mga taga roon ay madalas itong tambayan dati ng mga kabataan, along the highway pero talahiban ito at malawak ang sakop. Ang pinakamalapit na baryo dun ay mga nasa sobrang 1km ang layo kaya mejo isolated, tamang tama ang location para makapag pahinga at makalayo sa ingay. Nung taon ding yun ay tinayuan nila ito ng kanilang Rest House, 2 palapag ito may 4 na kwarto sa taas at binakuran nila yung buong sakop ng lote mga nasa 5k sqm. Yung unang isa't kalahating taon nila is masaya naman at mapayapa, pag may time ay nag babakasyon sila dito, hanggang sa bandang kalahati ng 2009 ay may something na doon.Kaya sinubukan nilang mag asawa mag stay dun ng atleast ilang weeks, pero yun pala yung ganap na di nila malilimutan. Yung unang linggo nila ay may mga kakatwang pangyayari na, napapansin nilang nagkakapalit palit ng pwesto yung mga collection nila ng flower vase, tanda nya ang pag kakaayos non dahil sya mismo ang naglalagay sa mga pwesto. Sunod bigla naman daw tumatagilid yung mga protrait na nakasabit dun banda sa stairway at sa mga kwarto, pero nung 2nd week nila ay dito na sila mas nakaranas ng di pangkaraniwang mga bagay. Madalas silang binabangungot, silang mag asawa mismo ang mas nakakatakot ay pareho nilang nakikita sa kanilang panaginip ang isang maitim at katamtamang taas na nilalang. Dito na silang mag asawa nag desisyong lisanin ang Rest house ng minsan silang nanaginip na sinasakal na sila nung nilalang na yun at pinapaalis sila sa lugar , sinasabihan pa sila nung nilalang na yun na sakanya yung lugar na yon ( Rest house). Mula noon ay di na sila bumalik sa Rest House, sinubukan din nilang kumuha ng caretaker para mag linis at mag stay doon, kadalasan ay mga kamag anak din nila pero lahat sila halos wala pang isang linggo ay tumitigil na at di na bumabalik. Parepareho sila ng kwento pinag lalaruan sila ng nilalang dun sa Rest House, ayon sa pag lalahad ng mga naging caretaker dun ay minsan nakikita nilang tumatagilid yung mga portrait at lumulutang yung mga vase sa loob. Ang pinakamalala pa ay nakakarinig sila ng isang tawang alam nilang di galing sa isang tao, kaya naman labis ang kanilang takot at mas minabuti na nilang di na bumalik, kaya mahigit 1yr ng di nabubuksan yung bahay.Matapos marinig ito ay pinatulog na kami ni BigBoss dahil mejo malalim na ang gabi, (nakakashokot yung story ni Client tapos gusto maorlok kami agad agad) dahil dapat 6am pa lang ay tutulak na kami sa location, 2hrs away pa to sa pinag stayan namin. (bandang tail end na kami ng Quezon) Kinabukasan 5am gising na kami after mag almusal ay gora na kami ng 6am, binigay ni Tita Ching yung exact location (with matching tanong tanong na rin sa byahe) at susi nung Rest House at nagtungo na kami. Pasado 8am na ng makarating kami sa location, malaki nga ito, katabi lang ng highway mula sa gate papunta sa bahay ay more or less 100m ang layo. Inabisuhan muna kami ni BigBoss na wag muna ibaba yung equipment dahil sa labas muna sila mag oobserve, dahil nga feeling psychic ako ay sumama ako sa pag iikot, okei naman daw sa labas walang masyadong negative vibe, dun sa loob daw ang concentration nung dark presence. Nung nasa likod na kami ng bahay e parang ang weird ng expression ni Ate Jin, para syang yung nagpipigil maJebs pawis at namumutla, yung ibang psychic naman ay normal lang, kaya nilapitan ko sya at tinanong ang sagot lang nya is may napifeel sya na mabigat dun daw sa side na yun. Baka kako nanaEbs lang sya sabay tingin ng masama sakin, kaya distansya na muna ako para sa aking kaligtasan. Matapos mag ikot sa labas ng Rest House ay ito na moment of truth na, binuksan na ni BigBoss ang main door and Damn yung amoy na sumalubong samin, kaya tinanong ko sila kung anong totoo 1yr mahigit lang ba or 100yrs ng di nabubuksan yung Rest House? parang amoy ng kulob na aparador. Yung mukha ng mga kasama kong psychic di na maipinta, ilang hakbang pa lang ay biglang dumipa si BigBoss dahil pinatitigil kami, sabay tanong naamoy nyo ba? sabi ko alin Boss yung kulob na aparador ? sagot nya hindi iba kagaya ng Ozone smell (parang sinusunog na kandila) kaya sabi ni Kuya M inangkin na daw talaga ng Entity yung lugar, dagdag pa ni Kuya K ay di ito maganda, kung ganun ang amoy (Ozone smell) ay nakatawid na ito mula sa Spiritual Realm dito sa Mortal World, napatingin si Ate Jin sa may platform ng hagdan, may blurred image daw na nakatayo, kaya sabi nya may nag mamasid samin, pero sya lang ang nakakita samantalang yung ibang psychic ay di naman. Nagulat kaming lahat dahil biglang may hibla ng buhok ni Ate Ann ang bigla na lang tumaas or tumayo, kaya napasigaw si BigBoss na agad kaming lumabas lahat, mag retreat daw muna kami at mag plano.Nang makalabas na kami ay agad kong tinanong si Kuya K, dahil unsual na ganun ang reaksyon ni BigBoss, kaya sinagot nya ko na delikado na ang sitwasyon, kaya muli akong nagtanong pano naging delikado? sagot nya ay kung may hibla ng buhok si Ate Ann na biglang tumayo ay nangangahulugang papalapit samin yung entity, huh ! kaya gulat na gulat ako, dito ay nag explain sakin si Kuya K. In science daw may mga ganitong klase ng energy ang kayang mag patayo ng ating mga buhok or balahibo, pero madalas lang ito nangyayari sa mga highground area or yung madalas daanan or tamaan ng kidlat, dahil pumopondo ang electrical charges sa ground, lumilikha ito ng isang klase ng enegry or charge particle tension, di ito basta nararamdam ng katawan natin pero mag rereact naman yung mga balahibo or buhok natin, dahilan para tumaas or tumindig ito. Pero sa kaso ng Rest House ay lowlying area ito, walang sign na tinamaan or dinadaanan ito ng kidlat, kaya mas relevant ang Paranormal factor, patuloy pa ni Kuya K, ang balahibo at buhok natin sa katawan ay pwedeng maging early warning device, usually unang tumataas ang ating balahibo kahit malayo pa ang entity dahil mas sensitive ito, pero pag buhok na natin ang tumaas ay delikado na ito, it means papalapit na ang isang entity satin dahil mas lumalakas na yung presence nito, after ng explanation ay naliwanagan nako " Thanks Kuya K" pinababa ni BigBoss ang mga equipment, samantalang tinipon nya lahat ng psychic at dumistansya saming Tech Squad mukhang may nilulutong kung ano sila. Maya maya ay bumalik sila at nag bigay na ng instruction si BigBoss, hinati kami sa 2 grupo 1st group si Kuya K Kuya M Kuya Ren at Kuya Del sa 2nd floor ang toka nila mag set up ng equipment. 2nd group Big Boss Kuya Ber Pareng Xel at syempre AKO!!!! sa ground floor naman ang amin, nag dasal muna kami for primary protection at binasbasan kami ni BigBoss ng holy water, di ko alam kung may galit sakin si Bakulaw kasi parang pinaliguan nya nako ng Agua Vendita, pinaiwan na lang si Ate Jin dahil mejo weird nga sya that time at pinasamahan kay Ate Ann sa may Van. Mahigpit na bilin ni BigBoss sa group 1 bilisan ang set up ng camera sa 2nd floor at mag madaling bumababa dahil di talaga maganda ang atmosphere sa loob, ng okei na ay dispatch na kami agad na nag takbuhan ang group 1 sa 2nd floor. (Description ng Rest House sa pinaka center ng house yung hagdan nakasandal na ito sa pinaka wall, malapad ito then split by 2 di nakatapat yung hagdan sa main door dahil nasa bandang gilid yung pinto baka ma Feng Shui factor sa 2nd floor yung 2 room nasa leftside and yung 2 pa sa rightside bali open yung gitna at tanaw mo yung buong space sa baba. Sa baba naman sa leftside yung salas kung san maraming istante na nakalagay yung mga vase, rightside papunta na yung kitchen at CR imagenin nyo na lang) halos buong pader is may nakasabit na portrait mga agiw at alikabok. Sa kada room 1cam lang ang set up dun dahil kaya naman macover yung buong space, sa salas naman ay 2cam ang set up tig 1cam na sa Kitchen at CR, pero dun sa bulwagan yung open space sa gitna at tapat ng hagdan 4cam yun kada side at nakafocus sa open space sa gitna dahil mukhang may ganap dun mamaya. Pero may pagkakaiba sa set up namin ngayon compare sa Laguna case, dahil kada cam ay nasa loob ito ng circle at winiwisakan ng holy water, di ko alam kung bakit pero yung mga psychic lang ang may alam. Ng tapos na ang set up ay takbuhan na kami lahat palabas na parang may humahabol, 9:30am na ng matapos ang set up, gaya sa Laguna nag paalam muna sila BigBoss at iba pang psychic na dadaan sa simbahan para mag dasal, mga almost 1hr yung nearby church. Ang laki na sana ng ngiti ko dahil makakatulog ako pero bigla akong tinawag ni BigBoss at pinasama sa kanila (patay naunsyame yung beauty rest ko). Bago kami umalis ay binilinan ni BigBoss sila Kuya Ber at Tech Squad na kumain na lang ng tanghalian (may baon kami galing kay Tita Ching) dahil baka hapon na kami makabalik at nag tungo na nga kami sa pinaka malapit na simabahan.Added info: baka mag karoon ng konting kalituhan, pag sinabing rush it doesn't mean na larga agad, hindi lang nakapag full background check or kinuha yung full details ng case, ang actual duration bago sinimulan itong case is inabot ng 1week dahil sumangguni pa sila BigBoss sa simbahan at sa Part 2 nyo malalaman kung anong laman nung white na sobre.PS: pasensya na mga ginigiliw kong mga readers chill lang tayo, umaasa lang din ako sa mga info ng aking mga source, wag po kayong magagalit sakin. Pinapangako kung mas magiging exciting pa yung Part 2 kaya all of you be ready. salamat Admin and Readers !Till Next Time

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now