The Crying Lady (Parts 1 & 2)

69 3 0
                                    


Part 1

May mga bagay talaga na di natin maipaliwanag. Mga bagay na gusto nating alamin kung ano, paano at bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Pero minsan dahil sa ating kuryosidad marami tayong nagagambala na di natin nakikita.
Mga bagay na dapat, isinasawalang bahala na lamang at iniiwan na ganun na lang.
Hi! My name is Raven, ang bagay na ikwekwento ko ay tungkol doon sa aming paaralan.
Maraming mga bagay na ang hindi maipaliwanag ang napapansin ng mga guro sa aming paaralan, pati na rin ang ibang empleyado nito. Nandyan yung mga may tumatakbo sa pasilyo sa gitna ng gabi, iyak na hindi mawari kung saan nagmumula.
Noong araw na iyon, nagkwekwento ang aming adviser tungkol sa mga kababalaghan. Free time kasi namin yun at may event sa baba pero di kami kasama.
"Alam niyo ba mga anak" sabi ng adviser namin, anak ang tawag niya sa lahat ng mga istudyante niya.
"May teacher dito dati na nag-resign dahil daw may nakikita siyang mga istudyante na hindi dapat nasa klase niya"
"Pero yung istudyanteng iyon ay di normal na istudyante, Patay na yung mga batang nakikita niya"
"Sa una daw, di niya pinapansin ang mga yun. Siguro nasanay na noon pa man" Kwento pa ni Ma'am.
"Pero isang araw daw, noong nagklaklase sya sa isang classroom. Binulabog sila nito"
"Sa paanong paraan po ma'am?" tanong ng kaklase ko.
"hmmmm, sa pagkakaalala ko. Ang sabi daw eh, pinapatay daw ang ilaw sa tuwing magklaklase sila"
"Andyan rin yung biglang pagsara ng bintana kahit na wala namang hangin na pwedeng makapagsara nito"
"Pero alam niyo kung ano yung pinakarason ng pag-resign niya?"

Tahimik ang buong klase at talagang seryosong nakikinig sa kwento.

"Isang araw daw, naiwan sya sa isang room. Pero alam niya na di sya nag-iisa. Kasama niya ang isang hindi normal na istudyante"
"At biglang namatay yung ilaw, yung mga bintana nagbukas sara pati na rin yung pintuan"
"ayun ang dahilan" kwento pa nito.
"Pero sabi-sabi lang iyon" dugtong pa ni ma'am habang nakangiti.

Tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya hanggang matapos. Noong matapos na siyang magkwento agad rin siyang namaalam at umalis.

At dumating na nga ang uwian, 7:00 pm ang uwian namin. Pero dahil cleaners kami at kasama ko pa yung kaibigan ko, tumagal kami ng kalahating oras sa paglilinis. Andyan kasi yung magtatakbuhan sila at guguluhin yung upuan. Sarap hambalusin ng walis-tambo.

Pero lingid sa aking kaalaman, may plano pala silang mag-Ghost hunt. Siguro nacurious doon sa kwento. At ayun nga, sumama na lang ako kasi curious rin ako. Pero papunta kami sa isang building. Doon sa kabilang building kung saan di gaano ginagamit.

Nag-umpisa kami sa unang palapag tas umakyat kami sa hagdan patungong 2nd floor.
Sa totoo lang, mukang wala naman talaga kaming multo na makikita dito ayan yung nasa isip ko. Sa ingay ba naman nila eh. Nasa siyam kasi ang bilang namin.
Habang sila naglilibot sa 2nd floor, Dumiretsyo na ako sa 3rd floor. Para naman maiba sa isip-isip ko.
Pagtapak ko sa 3rd floor, okay naman.

Wala namang kakaib---

"huhuhu" biglang umusbong ang tinig ng isang babaeng umiiyak. Sigurado ako sa naririnig ko kasi sobrang tahimik sa 3rd floor na ito. At alam kong ako lang ang tao sa floor na ito. Pero ako nga lang ba? tanong ko sa sarili.
Pinakinggan ko kung saan nanggagaling ang tinig ng babaeng umiiyak.
At nandito ako ngayon sa tapat ng C.R ng girls.
Nasarado ang pintuan gamit ang alambre pero may nakagitnang sirang armchair sa pagitan nito.
Pinakinggan ko ng maigi, doon nga talaga nanggagaling ang ingay.
Unti-unti akong lumapit sa pintuan. Ilang hakbang na lang at malapit na ako sa pintuan.

Pasilip na ako sa pintuan.

Napalunok ako sa aking nakita, Imposible.
Siguro namamalikmata lang ako sa isip-isip ko. Kaya naman Pumikit ako at tumingin ulit.

Doon na ako kinabahan, kasi naman eh.

Yung babae kasing umiiyakn walang mukha habang nakaharap na kung saan ako naroon.

Nasa bandang lababo pa naman siya pero sigurado na ako na di ako namamalikta. Nanginginig na ako sa totoo lang.

Pumikit ako at nagbabasakali na mawala yung nakikita ko.

Pero punyet* naman, bakit humawak pa sa balikat ko.

Dahan-dahan akong dumilat. at Lumingon sa likod.

"Bakit ka ba nandyan?" tanong ng kaibigan ko habang hawak ang aking balikat.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Nang tignan ko ang loob ng C.R wala na doon ang babae.

"w-wala" sagot ko sa kanya.

Habang pauwi ba kami, nagkwenkwentuhan sila. At habang ako tahimik lang.

"Wala namang multo eh" sabi nung isa.

"Naku, baka naman natakot sa muka mo" pang-aalaska naman ng isa.

"raulo" sagot nito habang patawa-tawa.

"Yan ngang si Raven eh, nakita ko sa tapat ng C.R ng girls. May sinisilip" kwento pa nito.

"May nakita ka ba?" tanong nito.

Iling na lang ang tangi kong sagot, at muling lumingon sa aming pinanggalingan. Lalo akong kinabahan sa nakikita ko habang papalayo na kami sa building.

Yung Babae, nakatayo sa tapat ng C.R...

Part 2

Ang mundong ating ginagalawan ay binabalot ng misteryo, na kahit ang mga siyentipiko ay nahihirapang ipaliwanag kung ano ang mga ito.
Hi! ako ulit ito si Raven. Ito ang karugtong ng aking naunang istorya.
Lumipas ang mga araw, bumalik na sa dati ang lahat. Nanatiling sikreto lamang ng aking sarili ang bagay na aking nakita noong araw na iyon.
Ayokong masabihan na gumagawa lamang ng kwento upang takutin sila.
At nandito pala ako ngayon sa hagdanan papunta ng aming classroom. Pinag-iisipan ko kung papasok ba ako o hindi. Kasi naman terror yung teacher namin tas math pa yung subject. Juicecolored.
Gusto kong magustuhan yung math pero kapag ganado akong mag-compute tas may pa-scratch paper pa ako, lagi namang mali ang computetation ko. Nakakasira ng ulo.
Napagdesisyunan nga namin na hindi pumasok. Namin kasi hindi lang ako nag-iisa, kasama ko yung mga kupal kong kaklase na late din. Well, wala namang bago. Lagi naman silang late.
"Taya" sabi ng kaklase ko nung mahawakan ako sabay takbo.
Hinabol ko naman yung iba at agad na tinaya.
Masaya kaming naglalaro, hanggang sa umabot kami sa building kung saan kami nag-ghost hunt.
Wala gaanong tao dito at kami-kami lang ang naglalaro.
"Andyan na ako!" sigaw nung isa kong kaklase.
Siya yung taya at sinusubukan niya akong habulin. Nung malapit niya na akong mataya agad naman akong umakyat sa hagdan na papunta sa second floor.
Nang napagtanto niya na hindi niya ako mahahabol, yung iba namang kasama namin ang hinabol niya para tayain.
At nataya niya nga yung isa, agad namang tumakbo papunta sa pangalawang palapag ang ibang kasama ko kung saan nasaan ako para hindi sila mataya.
Hingal na hingal kaming pare-pareho at masayang naglalaro.
At nag-umpisa na ulit maghabol ang taya para tayain ang iba. Nasa pangalawang palapag kami at paikot-ikot kami sa iba't ibang palapag.
"waaahhhh!" sigaw ng kaklase ko habang hinahabol sila nung taya.
Papunta sila sa direksyon ko.
Agad naman akong tumakbo pa-itaas kung saan patungong third floor. Nakita naman ako ng taya kaya tumakbo ako ng mabilis.
Hindi ko napansin na nadaanan ko ang C.R ng girls kung saan nakita ko yung babaeng umiiyak. Agad naman ako dumaan sa tabi ng fire-exit para makababa sa pangalawang palapag. Pero bago ako makababa ng isang baitang, may natabig akong babaeng umiiyak. Agad naman akong huminto at luminga para humingi ng sorry.
Pero Putrages naman ohhh, nawala bigla.
Imbis tuloy na diretsyo pababa ako, bumalik ako doon sa pinanggalingan ko, bahala na kung mataya.
"ohhhhh, anyare sayo?" tanong ng kaklase ko.
"ba't nauna ka pang bumaba?"
"tas parang namumutla ka?" dugtong pa ng isa.
ikaw kaya makatabig ng babaeng umiiyak tas biglang nawala tignan ko lang kung di ka mamumutla at bababa nang kay tulin.
Ayan sana yung gusto kong sabihin pero tanging pekeng ngiti na lang ang binigay ko sabay sagot ng "napagod lang ako"

-Corvus Corax
Hi Guys! Yung school namin ay likod ng sementeryo kaya imposible na galing sa likod ng building ang iyak ng babae. At tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw nung nag-ghost hunt kami. Ayun lamang po.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now