Lima kami sa magto-tropa si (Berto, King, Reggie,Son, at ako) itong si King anak 'to ng Vice Mayor sa munisipalida namin, tapos kaming mga tropa naman ni King ay anak lang kami ng mga magulang namin, simple lang. Madalas kaming tumambay sa bahay nila King kasi welcome kami sa bahay nila eh. Isang gabi noon mga bandang 9:00 pm habang tumatambay kami kina King nakaisip ako ng trip kasi nakakabagot na puro nalang computer games, panonood sa netflix, panonood sa youtube, at panonood sa por----b ginagawa namin, yan lang kasi palagi naming ginagawa tuwing nakatambay kami kina King. So ito na nga, nakaisip ako na gumawa kami ng kababalaghan. Oy mga pre try natin yung spirit of the glass, sabi ko. Pagkasabi ko ng gagawin namin bigla silang napahinto sa ginagawa nila at tumingin sila sakin na parang galit. Diba pre matagal na tayo tumigil dyan? sambit ni Reggie. Oo nga pre ayoko na nyan, dugtong naman ni Berto. Pero si Son at King nakatingin lang sakin na para bang sumasang-ayon sila sa trip ko.Malamang nagtataka kayo sa sinabi ni Reggie na (diba pre matagal na tayong tumigil dyan?) ganito kasi yun, highschool at college kasi kami madalas na kaming pumasok sa mundo ng mga espirito at mga engkanto kaya pagraduate namin ng kolehiyo napagkasunduan na namin na itigil ito. Sa aming lima talaga ako lang ang hindi nakakakita ng iba't-ibang elemento at silang apat nakakakita.So ayon na nga, matapos kung sabihin yung spirit of the glass umayaw agad si Reggie at Berto. Kupal ka! sabi ni berto sabay batok sakin, palibahasa kasi hindi nakakakita 'tong tukmol nato eh, dugtong niya habang nakasipat ng tingin sakin. Pero si King at Son nakatingin kang parin sakin at hindi umiimik tapos biglang nagsalita si Son, ako payag ako, sambit niya. At agag naman sumang-ayon din si King, ako din sabi ni King. Tumayo agad ako at tini-tease ko si Reggie at Berto na para bang nang-gagalaiti sa galit yung tingin nilang dalawa sakin. Paano ba yan? tatlo kaming payag tapos da-dalawa lang kayong ayaw ahahaha! sabi ko kay Reggie at Berto sabay middle finger. Kaya ayon walang nagawa sina Reggie at Berto kung hindi pumayag nalang sa gusto kong trip.FF. Agad kumuha si King ng illustration board, tama ba? illustration board ba yun? ah basta yun na yun. Agad ko nilagyan ng alphabet letters yung board, at pagkatapos ko sulatan ay inutusan agad ni King si Bert na kunin yung glass(baso) ba gagamitin namin. Pre kunin mo yung maliit na baso sa kusina yung ginagamit natin sa inuman, sabi ni King kay Berto. Agad namang pumunta si Berto sa kusina para kunin, habang papunta si Berto sa kusin kaming apat naman ay nag-uusap lang, nang biglang sumigaw si Berto mula sa kusina at parang takot na takot yung sigaw niya. Ahhhhhh! mga preeee!!! sigaw ni Berto. Agad kami nagtakbuhan sa kusina para tignan kung anong nangyari, pagkapunta namin sa kusina nakita namin si Berto sa may pintuan sa may switch ng ilaw nakatayo lang siya na para bang nangiginig sa takot, tinuturo niya yung matandang babae sa may C.R. tapos pagkakita rin namin eh napamura rin kami maliban lang kay King na para bang natatawa pa sa nangyari, agad kinausap ni King yung matanda, oh Manang Luz ikaw pala yan, sambit ni King na tila natatawa pa sa mga naging reaksyon namin. Sino yan pre? tano ko kay King. Ah hahaha mga tanga si Manang Luz yan bagong kasambahay namin. At biglang nagsalita yung matanda, walang hiyang mga bata 'to anong akala niyo sakin multo? ika ng matanda. Pasensya naho kayo nang ngayon lang ho kasi kayo nakita namin dito eh, sorna po sabi ko doon sa matanda. Nahimasmasan kaming apat dahil akala namin multo na, kaya ayon pumasok na ulit kami sa kwarto ni King pero bago kami pumasok ng tuluyan kinausap muna ni Berto si Manang Luz, Manang paminsan-minsan magsuklay ka po ah katakot ka po eh, sabi ni berto sa matanda na tila mangiyak-ngiyak pa.Nasa loob na ulit kami ng kwarto ni King at umupo agad kaming lima sa lapag at nilock yung pinto. Sinimulan na namin mag spirit of the glass at nagform na kami ng circle, ako ang mag-mamanage nito ah, sambit ko. Nakakita na kasi ako ng mga nag e-spirit of the glass sa mga movie kaya medyo may alam na ako kung anong dapat gawin. So ayon sinabihan ko sila na ipatong yung kanang kamay nila sa glass na nasa ibabaw ng board at pumikit, siguraduhin nyong wag nyong ididilat mga mata nyo kahit anong mangyari, sabi ko, at tumango lang silang apat. Sabay-sabay kaming pumikit lima, hindi paman kami nagsisimula ay para bang may bumabagabag sakin at may nararamdaman akong kakaiba na tila may tumatawa ng mahina sa gilid ko kaya I break the rule, at dumilat ako ng bahagya.Pagkadilat ko nakita kong nakapikit lang si Reggie, Son, at King, pero pagbaling ko ng tingin sa kaliwa ko kung saan nakaupo si Berto ay nakita kong nakadilat si Berto at tila tumatawa siya ng sobrang hina at parang may tintitigan sya, medyo kinilabutan ako kasi hindi naman dating ganyan si Berto mukha siyang baliw na iwan sa mga oras na yon, kaya binaling ko ang tingin ko ang tingin ko kung saan siya nakatitig, pagkakita ko ay bigla akong napamura sa isip ko, agad kong binato si Berto ng bote ng coke mismo sa ulo niya. Aray ko! ta***na mo pre bakit ba? sabi niya habang kumakamot sa ulo niya. Napadilat sa pagkakapikit sila Reggie, Son, at King para tignan kung anong nangyari. Dipungal kang animal ka! akala ko kung ano na nangyayari sayo nanonood kalang pala ng oggy and the cockroaches, sabi ko habang naiinis. Hindi ba natin papatayin yung tv pre? palagay ko dapat tahimik lang dapat ang paligid sa spirit of the glass diba? tanong ni King. Sige paki patay nalang yung tv pre, sabi ko kay King. Wag pre favorite ko yan eh! sabi ni Berto. Manahimik ka! Seryoso na nga pre, sambit ko. Hindi naman na pumalag si Berto at kinukutkot niya nalang yung kuko niya sa daliri, hayop na yan dugyot. Pagtapos patayin ni King yung tv sa kwarto niya ay bumalik agad siya sa circle form namin at para makapagsimula ulit. Tahimik na ang paligid nun at madilim, tanging flashlight nalang ng selpon ko ang liwanag namin na itinututok ko sa board at glass. Nagsimula na kami so hawak ulit kaming lahat sa glass at nakapikit, sinimulan ko ang orasyon "espirito espirito, kung nandito ka man ay maaari ka bang magparamdam kay Berto?" agad akong sinipa ni Berto at nasagi ng paa niya yung glass at tumilapon ito. T****n*mo pre ba't sakin lang? sabi niya, kaya napadilat at nagtawanan kaming lima at pinagtawanan namin si Berto. Eto naman di ka naman mabiro okay sige ulet, sabi ko habang natatawa pa. Dahil sa pagkasagi ni Berto sa glass ay tumilapon ito at akmang kukunin na sana ngunit bigla itong gumalaw mag-isa at pumatong ulit sa board, pagtapos ng nangyari ay nagkatinginan kaming lima, at nagsimulang gumagalaw yung glass sa ibabaw ng board nang mag-isa tila ba'y meron itong pino-form na mga kataga.Pilit namin binabasa yung mga kataga na gustong ipahayag nung board at glass kahit medyo kinikilabutan na kami sa nakikita namin, unang letter G sunod naman ay A sunod ay M at yung last letter na tinuro nung glass ay letter E. Pagkatapos sa letter E ay biglang tumilapon at natumba yung glass, nagkatinginan ulit kaming lima at sabay-sabay nagbigkas ng "GAME?". Yun yung word na nabuo sa mga letters bago tumilapon yung glass, anong ibig sabihin ng game mga pre? tanong ni Son, pero walang ni isang sumagot samin sa tanong ni Son.Yung kaninang nakapatay na ilaw ay biglang nagsindi na pinagtataka naman namin kung sino nagflip nung switch samantalang nakaupo lang kaming lima, tapos yung kaninang nakasaradong pintuan sa kwarto ay biglang nagbukas at nagulat kami, dahan-dahan nagbukas yung pinto at bumungad samin yung kapatid ni King na lalaking 7 years old ngumiti yung kapatid ni King sa amin sabay sabing "Hi mga kuya" kaya medyo nakahinga kami ng maluwag at tumango lang kaming apat sa bata, tapos nun ay biglang tumakbo yung bata sa may kusina nila kaya biglang napatayo ng mabilis si King at hinabol yung kapatid nya kasi dis oras na ng gabi bakit gising pa ito, tinatawag ni King yung kapatid niya habang tumatakbo papuntang kusina pero hindi ito nasagot. Habang kaming apat naman ay nagpatay malisya lang at nag-usap muna habang wala pa si King, nang biglang "Hi mga kuya? bakit bukas po pinto ng kwarto nyo? si kuya King ko po asan? sabi ng batang kapatid ni King na tila galing pa ito sa pagkakatulog. Bali ano kasi tig-iisa sila ng kwarto magkakapatid kaya solo lang si King sa kwarto niya ganon din sa mga kapatid nya. So ayon nga, kaya nagkatinginan kaming apat na tila parang Dejà vù ang nangyari samin, tinanong ni Berto yung kapatid ni King, diba Janjan(nickname ng kapatid ni King) tumakbo ka sa kusina nyo kanina tapos hinabol kapa nga ng kuya mo eh, tanong ni Berto sa bata. Po? eh kagigising ko nga lang po eh kasi narinig ko sa kabilang kwarto na tinatawag ako ni kuya ko, sagot naman ng bata na tila nagtatanggal pa ng muta. Bigla kaming kinilabutan sa sagot ng bata kaya naisip agad namin kung sino yung hinabol ni King, dali dali kaming tumakbo papunta sa kusina nila kung saan naroroon si King, pagkarating namin sa kusina nila ay nakita naman namin kaagad si King na nakaupo sa may dining table, Pre? ito yung kapatid mo oh hindi kaya Do---- hindi paman ako natatapos sa pagsasalita ay biglang pumasok si Berto sa usapan, hindi kaya Double Hanger ng kapatid ni King yung nakita natin kanina? tanong ni Berto na halatang natatakot. Binatokan ko siya sabay sabing Doppel Ganger yun tAnga! anong double hanger ano yun sinampay? dugtong ko. Oh ba't ka nambabatok? sagot niya. Agad naman kaming napatigil sa sagutan nang magsalita si King, alam kong hindi ko kapatid yun mga pre, sambit ni King na parang may pagkadismaya sa nangyari. Nakausap ko yung doppel ganger ng kapatid ko mga pre, mali daw tayo nang ginambalang espirito at pagtapos non ay biglang sinaksak ng doppel ganger ng kapatid ko yung sarili niya at unti-unti rin itong naglaho, pagpapahayag ni King samin. Napamura na ako sa isip ko kasi parang kasalanan ko ito, ako kasi nakaisip ng ideya na yun eh.Habang nag-uusap kami ay nakikinig lang yung kapatid ni King mula sa likod namin, kuya ano po ba nangyari? tanong ng kapatid niya. Wala naman bro(bro kasi tawag ni King sa kapatid nya) halika ka nga dito, paanyaya ni King sa kapatid nya at lumapit naman yung bata sa kanya. Laro tayo ah, sabi ni King sa kapatid nya. Anong klaseng laro kuya? tanong ng bata kay King. Basta ganto ah magpalit ka ng damit sa kwarto mo at itong damit mo na suot ngayon ipapahiram mo muna kay kuya ha? sabi ni King. Ayoko ko po! pagtutol naman na sabi ng kapatid niya sa kanya, paborito ko po itong shirt ko nato eh, dugtong ng bata at tila bumabalingkawas sa pagkakayakap ni King sa kanya. Tinignan kaming apat ni King habang nanlalaban yung kapatid nya sa pagkakayakap nya, nabasa agad namin kung anong iniisip ni King(kailangan sunugin yung damit ng kapatid niya dahil ayon sa pamahiin kailangan sunugin ang damit sa kung sino man ang makitaan ng doppel ganger nila) kaya nagtinginan kaming apat sabay buhat sa bata at tinakpan yung bibig niya para hindi makasigaw upang di magising sa pagkatulog yung Inay at Tatay ni King(kahit mayaman sila King ay Nay at Tay ang tawag niya sa magulang niya) kaya ayon pinagtulungan naming lima buhatin yung kapatid ni King at ipinasok sa kwarto. Dali bilisan nyo hubaran nyo na ng damit!! sigaw ni king habang nakatakip yung kamay niya sa bibig ng kapatid para hindi makasigaw. Paalala( lalaki po yung kapatid ni King kaya walang malesya, ok?) ayon nga, dahil sa likot ng kapatid ni King ay nahirapan kaming tanggalin yung damit niya. Tapos biglang bumitaw sa pagkapit si Berto kay Janjan kaya nagtaka kami, meron syang dinampot sa gilid ng pintuan, T****na mo Berto ano yan? tanong ni King kay Berto.Flower base King, sagot naman ni berto, alam kong flower base yan ang ibig kong sabihin anong gagawin mo dyan? tanong ulit ni King. Total masyadong malikot yan pukpukin nalang naten neto para hindi na tayo mahirapan magtanggal ng damit ni Janjan, sagot naman ulit ni Berto. Anak ng tupa ka Berto baka nakakalimutan mong kapatid ko yan? sambit ni King. Ay oo nga pala noh, sorna, sagot ni Berto. Kaya ibinalik nalang ni Berto yung flower base sa kinalalagyan neto. Makalipas ang pitong minuto naming pagpupumilit na tanggalin yung damit ni Janjan ay sa wakas ay natanggal din namin, agad nagtungo si King sa kwarto ng kapatid niya para kumuha ng shorts, underwear, at tshirt neto upang mabihisan niya ito kasi wala na itong damit. Umiiyak si Janjan habang binibihisan siya ni King, sorry bro ah kailangan kasi namin yung damit mo at para rin naman sayo 'tong ginagawa namin eh, pagpapaumanhin ni King sa kapatid nya. At hindi parin ito humihinto sa pag-iyak kaya kinausap ni Berto si Janjan, ngunit hindi paman nakakabigkas ng sasabihin si Berto ay biglang tumayo si Janjan at sinigawan niya si Berto ng "Panget!" sabay takbo patungo sa kwarto niya habang umiiyak. Aba g*go yung bata na yun ah, sabi ni Berto na halatang naiinis. Nagtawanan kaming apat, bata na mismo nagsabi pre wag kana pumalag hahahaha! pang iinis na sabi ni Reggie kay Berto. Tama na nga yan puro kayo kag*gohan, sabi ni King.Nagtungo agad kaming lima sa likod ng bahay nila King dala-dala yung damit ng kapatid niya, bali yung likod kasi ng bahay nila ay parang sakahan siya ng palay na sobrang patag. Madilim noon at malamig ang hangin, sinimulan na namin yung pagsunog sa damit ng kapatid ni King, binusan namin ito ng gas sabay sinindihan. At pagkatapos maabo ng mga damit ay nagsalita si King na tila nag-aalala parin, ano kaya ibig sabihin nung doppel ganger ng kapatid ko mga pre? yung sabi niyang mali daw tayo ng ginambalang espirito? tanong ni King samin. Walang sumagot samin at tila nagtititigan lang kaming lima. Alam kong hindi pa sapat ang ginawa nating pagsunog sa damit ng kapatid ko, kailagan kong makausap ulit yung espiritong nagambala naten, sambit ulit ni King. Bukas may gagawin tayo mga pre, bumalik kayo dito sa bahay mga 6:00 pm, sabi ni King. Sumang-ayon naman kaming apat tapos nagpasyang magkita-kita ulet kami bukas.
-Shady
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...