Part 1We used to hear this phrase kapag ipapasa na 'yung exam, may pinapapasang bayad, o assignment na kailangang kolektahin ng mabilis, ito 'yung lugar na nasa dulo ng isang row. Pero ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na mangyayari 'yung araw na 'to. Nagbigay ito sa akin ng isang hindi malilimutang karanasan na handa kong ibahagi sa inyo.
Ako nga pala si Kel, isang Grade-11 STEM student. Hindi masyadong kaliitan 'yung school namin. Tama lang para makapag-aral lahat ng mga tao sa lugar namin. 10 AM, Feb 1Kakaumpisa lang namin sa discussion. Tahimik lang 'yung mga kaklase ko habang nakikinig dahil medyo may katayaran 'yung teacher namin ngayon. Dahil sa init ng panahon, nahihirapan akong makinig, at nababaling 'yung atensiyon ko sa mga taong naglalakad sa labas. Napaisip ako bigla kasi parang ang daming nakasuot ng red, ano kayang okasyon? Tapos may bus na may nakalagay na Red Team 41 at pati 'yung mga kasunod pang bus pero iba ang number sa iba, may palaro ata sa kanila. Pagkatapos sa discussion, sinabi ni Ma'am E na magte-test kami. Kinabahan naman ako kasi hindi ako masyadong nakinig sa kanya, baka 0 ang makuha kong score. Sinimulan agad namin 'yung test pagkabigay. Buti nalang pala at binasa ko na 'to noong isang araw kaya naalala ko 'yung iba. Mabilis namang natapos 'yung exam at pinasa na namin sa aisle, nakita ko naman si Andrei na hindi mapakali habang kinokoleta 'yung mga papel namin."Andrei, makipagpalit kayo sa 3rd row" sinabi nang teacher ko classmate ko. Kada araw ay nagbabago kami ng seating arrangement, uusog lang ng isang seat papunta sa left. Marami pang nangyari sa araw na 'yun pero hindi na masyadong mahalaga 'yun.10 AM, Feb 2Nag-lesson ulit kami kay Ma'am E tapos test ulit pagkatapos. Kagaya kahapon, medyo nadalian ulit ako kasi nabasa ko na 'to noong mga nakaraang araw. "Pass your paper to the aisle tapos Andrei makipagpalit ka sa 2nd row" utos ni Ma'am E kay Andrei. Nagulat naman kami noon kasi akala namin nagkamali lang si Ma'am E, wala kasing tao roon sa aisle seat na 'yun na nasa first row."Ma'am absent po si Andrei ngayon, kahapon po siya ang nakaupo sa upuang 'yan" paliwanag naman ng kakalse namin na naguguluhan din."Ha? Wala pala si Andrei? Nakaupo nga siya riyan kanina, pangiti-ngiti nga siya sa akin kanina e" sagot naman ni Ma'am E na may halong pag-aalinlangan.Doon naman ako kinabahan, absent kasi talaga si Andrei, kaya hindi ko alam kung paano nasabi ni Ma'am E 'yun. Hindi na lang namin 'yun pinag-usapan baka kasi guni-guni lang daw ni Ma'am.Bago ako umuwi, naisip ko na dumaan muna kila Andrei para bisitahin siya. Best friend ko kasi dati noong Grade 7 pa kami. Pagkapunta ko sa eskinita nila, nakita ko 'yung mama niya. Tinanong ko kung nasaan si Andrei, nasa ospital daw kasi nadisgrasya kahapon, sobrang dami raw ng dugong nawala. Sinabi ko naman na bibisitahin ko siya, sakto at papunta 'yung mama niya sa ospital, nakisabay na ako.Habang nasa biyahe, pinag-usapan namin 'yung nangyari. Balisa raw na umuwi si Andrei pero umalis din daw ito agad kasi may pupuntahan tapos nabalitaan nalang daw nila na nadisgrasya ito. Napunit nga raw 'yung pulang jacket ni Andrei sa lakas ng impact. Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na kami. Agad naming pinuntahan 'yung room number niya na 41. Pero pagkapasok ko, sinalubong agad kami ng tito niya na umiiyak, wala na raw si Andrei. Sobrang dami na raw ng dugong nawala at hindi na nakayanan ng katawan niya. Umiiyak akong umuwi noon kasi naging magkaibigan din kami ni Andrei.8:45 PM, Feb 2Inaayos ko ngayon 'yung mga gamit ko tapos bigla ko naalala 'yung mga nangyari kahapon, mga huling sandali na kasama namin si Andrei. Biglang pumasok sa isip ko 'yung bus na may mga estudiyanteng naka-red tapos may Red Team 41 na nakalagay sa harap ng bus nila. 41 'yung room number ni Andrei tapos 'yung suot niya kahapon ay red. Nalaman ko rin na pinatawag kahapon 'yung mga nakaupo sa aisle, may nandaya raw. Coincidence lang ba 'to? Bigla akong kinabahan sa mga naisip ko kasi baka kaya si Andrei balisa noong pinapasa 'yung exam ay dahil isa siya sa mga nandadaya. Pero bakit naman niya kailangang gawin 'yun?
Part 2: The Truth shall Prevail?
It has been days since the araw na namatay si Andrei, but my curiosity keeps on haunting me. Kaya napagdesisyunan ko na kausapin 'yung teacher namin tungkol sa nangyari. 9:30, Feb 12Pagkatapos namin magklase pumunta agad ako sa faculty para kausapin siya. Agad ko naman siyang nakita at tinanong ko kung puwede kaming mag-usap nang kaming dalawang lang. "Ma'am ano pong nangyari kay Andrei? Bakit ninyo sila pinapunta sa school? Nangdaya po ba tagala siya?" tanong ko sa teacher ko na si Ma'am E.Sinabi at nalaman ko sa teacher ko na 'yung test (Feb 1) na 'yun ay ginawa upang mapatunayan na hindi sila nandaya sa major exam namin, na kailangan para sa clearance, at mayroon silang deal na kapag nakakuha si Andrei ng mataas na score ay hindi siya nandya sa major exam namin.Naalala ko rin na absent 'yung katabi ni Andrei na si Elle, na dapat ay uupo sa aisle seat noong araw na nadisgrasya si Andrei. Bali bakante 'yung aisle seat na 'yun kaya nagtaka kami kung bakit nasabi nang teacher namin na nakaupo ro'n si Andrei noong Feb 2. Nalaman ko rin na kaya pala balisa si Andrei, noong Feb 1, ay dahil hindi niya isinama sa pagpalit sa ibang row 'yung papel niya. Inamin ni Elle na tinulungan niya si Andrei na baguhin 'yung sagot niya habang nagche-check para makapasa siya at mapatunayan na hindi siya nandaya sa major exam.Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Mabait at matalino si Andrei pero bakit niya nagawa 'yun. 1 PM, Feb 12After namin mag-klase agad akong umuwi para makapagpahinga dahil sobrang napagod 'yung katawan ko sa mga ginawa namin. Habang naglalakad ako pauwi, nakita ko 'yung mama ni Andrei, na balisang naglalakad papunta sa akin."K—kel, may ibibigay sana ako sa'yo, phone ito ni Andrei. Pakinggan mo 'yung ni-record niya, hindi ko na alam 'yung gagawin ko kaya gusto kong ibigay sa'yo ito baka may nalalaman ka. Isarado mo 'yung mga pinto at bintana ninyo sa bahay kapag papakinggan mo 'to, baka may makarinig sa'yo" sabi ni Aling Tina tsaka naglakad papalayo. Nagulat naman ako sa sinabi ni Aling Tina pero minabuti ko nang umuwi dahil mukhang mahalaga 'yung sinasabi ni Aling Tinta. Pagkauwi ko, agad kong hinanap 'yung recording at agad ko itong nakita dahil nag-iisa lang ito. Nagsuot muna ako ng earphones para makasigurado ako na ako lang ang makaririnig. "Alam ko na sa mga panahong naririnig mo 'to, kung sino ka man, ay patay na ako. Alam kong mahirap paniwalaan pero 'yung teacher ko na si Ma'am E ay isang miyembro ng organisasyon na may ginagawang masama sa mga kabataan. Habang pauwi ako noon nakita ko na may ginagawa sila sa isang estudiyante, sa may malapit sa guard house, pero hindi ko nakita kung ano 'yun. Alam kong nakita nila ako at handa nila akong patayin, kaya kung napapakinggan mo 'to ay—"Naputol 'yung pakikinig ko sa sound recording nang nakarinig ako ng isang katok mula sa pintuan.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...