Old Black Book (Aswang Stories ni Lola Pacing)

376 12 0
                                    

Old Black Book (Aswang Stories ni Lola Pacing)

(This is not a continuation of my OBB Series. Mga kwento ito ni Lola Pacing tungkol sa mga naging karanasan niya sa mga Aswang noong kabataan niya na gusto ko ring ibahagi sa inyo.)

Ipinanganak at lumaki si Lola Pacing sa isang bayan sa probinsya ng Nueva Ecija.

Katorse anyos palang siya noong unang beses niyang makakita ng isang aswang.

Ang bahay noon nina lola Pacing ay malapit sa kabukiran.

Nangyari ang kwentong ito, isang buwan matapos ipanganak ang ika-apat na kapatid nina lola.

Sa panahong ito ay wala ang kanilang ama sa bahay dahil nakahanap daw ito ng trabaho sa malayo at kung umuwi ay lingguhan.

Ang kasama lang ni lola Pacing sa bahay ay ang kanyang ina at mga kapatid na sina Glenda, Kiko at ang bagong panganak na sanggol.

Dahil katorse anyos palang noon si lola ay wala pa siyang kaalaman sa mga orasyon ng itim na libro.

Sa katunayan ay nagdadalawang isip pa nga ang kanilang ama kung ipapamana kay lola Pacing ang libro sapagkat ito ang unang pagkakataon na isang panganay na babae ang susunod na tagapagmana.

Palagi kasing lalake ang nagiging panganay sa pamilya at nagmamana ng itim na libro.

( 20 years old na si lola Pacing noong ipamana sa kanya ang itim na libro. )

Back to the story...

Dahil nga wala ang kanilang ama sa bahay noong mga panahong iyon ay sila-silang mag-iina lamang ang magkakasama.

Isang gabi, mga bandang alas-onse na daw iyon. Natutulog na ng mahimbing si lola Pacing kasama ang kanyang mga kapatid at ina noong makarinig sila ng isang ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay.

Parang ingay ng isang baboy na nagpapaikot-ikot sa paligid ng kanilang bakuran.

Naalimpungatan ang magkakapatid mula sa mahimbing nilang pagtulog.

"Bakit parang may baboy sa labas? Wala naman tayong kapitbahay na nag-aalaga ng baboy ah." Wika ni Pacing.

"Ssshhh! Wag kayong maingay mga anak! Hindi basta-basta baboy yan!" Mahinang sambit ng kanilang ina na nagising na rin pala.

Patuloy nilang naririnig ang ingay ng baboy na paikot-ikot sa labas ng bahay.

Sumilip ang kanilang ina sa bintana at nakita nito ang isang malaking itim na baboy na kulay pula ang mga mata.

"Sabi ko na nga ba! Aswang!" Wika ng kanilang ina.

Sina Pacing, Glenda at Kiko ay nakaupo lang sa sahig ng kwarto kung saan nakalatag ang banig. Ang sanggol naman nilang kapatid ay mahimbing paring natutulog sa kama.

Mabuti na lamang daw at may pananggang inilagay ang kanilang ama sa paligid ng kanilang bahay noong mga panahong nagbubuntis pa lamang ang kanilang ina. ( Kagaya ito nung barrier na inilagay ko sa bahay namin - Part 3 ).

Maya-maya pa'y biglang tumahimik ang baboy at narinig nila ang boses ng kanilang ama mula sa labas ng bahay.

"Mga anak, buksan nyo ang pinto, si papa ito." Sabi ng boses na nasa labas.

"Si papa! Umuwi na siya!" Wika naman ni Glenda na agad tumakbo upang buksan ang pinto.

"Anak! Hindi yan ang papa mo!" Sigaw ng kanilang ina.

Sinubukang habulin ng ina si Glenda ngunit hindi naman kalayuan ang pinto ng bahay mula sa kanilang kwarto kaya't narating agad ito ni Glenda at binuksan.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now