Scarecrow (Parts 1-5)
Part 1
•Starting Voice Record•
Hi! Ako po si Chris. 19 years old at kasalukuyang nag aaral sa pribadong skwelahan dito sa Visayas. Actually taga Mindanao po ako and sa Visayas lang nag aaral. Isa rin po akong working student at nagsusumikap na makatapos sa pag-aaral para maka raos sa kahirapan. Ipinagmamalaki ko po na ako po'y laki sa hirap at ang mga magulang ko po ay magsasaka. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Sisimulan ko na po ang aking mahabang kwento.
Grade 6 ako nun. Ilang buwan nalang ang natitira't papasok na ko sa napakasarap na buhay ng pagiging estudyante. Pinag tyagaan ko ang pag lalakad ko ng ilang kilometro mula sa bahay namin patungo sa paaralan. Naka paa lang po akong pumapasok sa skwelahan dahilan na walang pambiling tsenelas ang aking mga magulang dahilan ng aming kahirapan. 4AM palang ng madaling araw nag lalakad na ako patungong skwelahan at minsan, aabutin ako ng 4-5PM ng hapon maka uwi sa bahay. Tuwing sabado naman, tumutulong ako sa pag A-araro sa bukid. Sa kabilang bakod namin may malawak na pananim na mais at may di maipaliwanag na misteryong bumabalot sa bakod na iyon. 5:30PM habang nag lalakad ako pauwi nadaanan ko ang bakod na iyon. Pasimpleng sumisipo-sipol lang ako habang patingin-tingin ako sa paligid. Bigla akong napahinto sa pag lalakad dahil may napansin akong parang may gumagalaw sa mga pananim na mais. "Sino yan?" Sigaw ko. Lumapit ako ng konti pagkatPos ay sinilip ito. Sa kuryosidad ko sinundan ko ang dinaanan ng hindi maipaliwanag na aking napansin. Deretcho lang ako sa paglalakad hanggang mapadpad ako sa gitna na ng pananim na mais. Sa gita ng bakod na iyon may nakatayong Scarecrow. Nakaka akit tignan ito dahil kakaiba ang kanyang disenyo. Ngunit mag umagaw ng pansin ko kaya ko ito mas nilapitan. Nakakapag taka ang Scarecrow na yun dahil imbis na naka harap iyon ng matuwid at naka dipa ang dalawang kamay na para bang ipinako sa krus, eh naka tagilid yun ulo tapos yung kaliwang kamay naman ay naka baba. Kaya naman nilapitan ko ito dahil sa aking kuryosidad. Kakaiba talaga dahil yun lang ang Scarecrow na parang damit lang ang nasabit sa ibabaw. Ang nakakagulat pa dun, ngayon lang ako nakakita ng Scarecrow na Mannequin at mukhang totoong tao. May takip na panyo ang mukha, kakaiba ang suot, Harvester's Hat yung sumbrero, at ang nakakagulat din ay may hawak na patalim na ginagamit sa pag aani. Tinitigan ko itong mabuti sa kanyang mga mata, tila ba parang may malalim na kahulugan na hindi maipaliwanag. Malapit nang mag dilim, malamig ang hangin, habang gumagalaw-gaw ang kaliwang kamay nya naka laylay lang. Nakakapanindig-balahibo kaya tumalikod ako at nagsimulang mag lakad ng mabilis. Habang ibinaling ko ang tingin ko, parang nararamdaman ko na tinitignan nya ang pag lalakad ko pauwi. Matatakutin ako kaya hindi naman ako lumingon at deretcho lang sa pag lalakad. Bata pa kase ako noon kaya naman ganyan talaga ang nasa bawat isipan ko na baka imahenasyon ko lang iyon, ngunit nagkakamali pala ako.
April 12, 2019. Panahon ng tag-init. Graduate na ako ng Senior High nun. Bakasyon kaya naman mas pinili kong manatili muna sa bukid dahil sa sumunod na mga buwan ay lilipat na ako ng paaralan at magsisimula na ang bagong kabanata ng buhay ko. Sa Visayas kase ako nag aral ng kolehiyo at ang Tita ko ang nag papa-aral sakin dun. Umuuwi ako sa amin kapag bakasyon na. Naabutan ko si Tatay na gumagawa ng Scarecrow sa maliit na kubo sa gilid ng bahay namin. Papalitan namin yung mga luma na. Nilagyan pa namin ng disenyo at mga nakakatawang maskara. Biglang sumagi sa isipan ko ang Scarecrow sa kabilang bakod. Kaya naman nag paalam ako kay Tatay "Tay? Punta muna ako doon sa kabilang bakod. May titignan lang ako." Sabi ko sa kanya. "Oh sya sge iho mag enjoy ka. Pagkatapos ay magpahinga kana't pagod kapa mula sa byahe." Sagot naman ni Tatay sakin at nagpatuloy ako sa paglalakad. "Sya nga pala iho bago ko ito makalimutan. Kung may napapansin kang kakaiba sa bakod na iyon. Wag mo nang puntahan. Lalo na yung naka tayo doon." Sabi ni Tatay sakin. Nagtaka ako sa ibig nyang sabihin sakin. Ngunit binalewala ko ito dahil sa tigas ng ulo ko. Malayo palang natatanaw ko na ang kakaibang Scarecrow na iyon. Habang papalapit ako ng papalapit tila ba kinakabahan ako. Hindi ko alam kung natatakot lang yata ako o ano. Apat na hakbang mula sa aking kinatatayuan, kaharap ko ang Scarecrow. Naninibago ako, dahil noon kaliwang kamay lang ang nakabababa. Ngayon dalawa na. Naka tagilid parin ang ulo na para bang taong nag bigti. Parang may naaamoy akong mabaho. Kaya naman lumapit ako dun sa Scarecrow at inamoy kung sya ba talaga. Nang inamoy ko amoy patay na daga. Nilalangaw at ang nakakapag taka pa dun, may napansin akong putik sa kanyang sapatos. Ang kamay nya may tumutulong itim na likido, habang nilalangaw din ang kanyang hawak na patalim. Kakaiba na ang itchura nito ngayon kumpara noon. Dati'y nakatakip ang mukha, ngayo'y may parang tahi ang paligid ng kanyang mukha at parang balat ng tao. May parang guhit sa kanyang mukha na para bang sugat, may uwak na pumapatong sa balikat nya na nakatingin sakin. At isa pa, lumaki ng kaunti ang kanyang katawan. Kakaiba ang titig nya, kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan, para bang nanghihina ako sa twing nakatitig ako sa kanyang mga mata. Biglang parang may nakikita akong vision sa kanyang mata. Sa kauna-unahang pagkakataon nananaginip ako ng gising habang naka titig sa mga mata nya. Nakikita ko na hinahabol ako, ngunit sa aking nakikita'y ako ang nag hahabol sa aking sarili hanggang da nadapa ako. Pagkatapos ay pinagtataga ko ang sarili ko at pinutulan ng kamay, at paa. Pagkatapos ay bitbit ko ang sarili kong ulo. Sa gulat ko napasigaw ako at namulat sa katotohanan. Kaya pumikit ako at tumalikod, pagkatapos ay nag lakad pauwi. Nagdadalawang isip akong mag tanong kay Tatay tungkol sa Scarecrow na iyon. Ngunit sa kuryosidad ko naisipan kong itanong nalang kay Tatay. Nag tungo ako sa kubo at tinanong ko si Tatay tungkol sa kakaibang Scarecrow na iyon. Bigla syang tumigil sa kanyang ginagawa. At tinanong na "Chris, wag mo sabihing lumapit ka dun." Ani nya sakin. "Oo tay lumapit nga ako, bakit po? Anong meron?" Tanong ko sa kanya. Bigla syang tumayo at hinatak nya ako papasok sa loob ng bahay at sinara ang pintuan pati na ang bintana namin. Sumunod na lumapit si Nanay at tinanong kung anong nangyayari. "Anak. Kakasabi ko lang sayo. Diba sabi ko wag na wag kang lumapit sa bantay na iyon." Sabi ni Tatay sakin. "Eh ano nga naman tay kung lumapit ako dun. Tinignan ko lang naman eh. Anong masama dun." Sagot ko kay Tatay. "Tinitigan mo ba ito sa mata?" Tanong ulit ni Tatay. Tumango naman ako at nagulat si Nanay sa aking naging sagot. Nag tinginan sila ni Tatay. Pagkatapos ay sabay tumingin sa akin. "Nay? Tay? May alam ba kayong hindi ko alam? Nay sabihin nyo po sa akin. Ayoko ng nagsisinungaling kayo." Sabi ko sa kanilang dalawa. Parang nagdadalawang isip na mag salita si Tatay. Si Nanay naman parang ni-ninerbyos na. Biglang may kumalabog sa bintana namin, pagkatapos ay may naririnig kaming mga pakpak ng ibon na para bang may nag lipana na mga ibon. "Hinaan mo lang ang boses mo Marcelo. May mga uwak akong naririnig sa paligid."
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...