Part 1 : 1st of Three (Sierra)Hi Spookifiers! This is one of my peculiar experiences. I have written here the things I could only remember since my diary went gone. Ito rin yung tinatanong sa'kin ni MOS na nangyari daw sa'kin these past 2 months without him around, na pinapa-kwento niya sa'kin.
August, 2015. 1st week. I was in the library, sitting peacefully, facing outside the big windows of our library building, when one of my classmates, Sierra, sits beside me. Hindi normal yun para sa'kin, kasi sobrang mailap si Sierra pero mabait naman ito, actually that's what we have something in common. Aloof kami, ina-isolate and sarili pero ibang usapan na kapag mga kaibigan ang kasama, kumbaga may pinipili, kasi ang hirap na talagang magtiwala sa mga tao, lalo na sa henerasyon natin ngayon. Tiningnan ko si Sierra na katabi ko na nga, hindi niya naman ako pinansin kasi nakatutok na siya sa libro niya, ako naman kasi tambayan ko lang ang library para magmasid sa labas kung saan makikita ko ang wide space na may mga palakad-lakad na mga tao at yung ibang estudyanteng PDA. 15 minutes had passed, when she suddenly stood up and she looked mad. I was shocked when I saw how her eyes fuming, nakakapagtaka at napaka-unusual kasi nang ganoong aura niya. Classmates kasi kami at pang-Oscar award nga ang kabaitan nang taong 'to kahit na medyo distant sa ibang tao, kaya naman sinundan ko nang tingin yung tinitingnan niya which was outside the window. There were two students sitting and comfortably talking and laughing. Naisip ko naman 'masama bang tumawa?' at kung makatingin sa kanila si Sierra, para namang kasalanan ang pagtawa. Hinayaan ko na lang yun, tutal wala akong kinalaman doon tsaka baka may sariling rason si Sierra pero di ko pa rin matatanggi na kinakain na naman ako ng kuryosidad ko, ang weird lang kasi na ganoon yung reaksyon ni Sierra sa dalawang estudyante na wala namang ginagawa sa kanya at ni hindi nga alam nang mga estudyanteng yun na tinitingnan sila ni Sierra, so heto na naman ako, curious na naman.Two or three days had passed, when I accidentally bumped into someone, Lyka, Sierra's bestfriend, hindi kami close, civil lang, so nag-ngitian lang kami, patalikod na sana siya nang maalala ko si Sierra kaya tinanong ko kung nasaan yung bestfriend niya, sabi ni Lyka, absent daw for two or three days na (nakalimutan ko na) kaya nag-thank you na lang ako kay Lyka at umalis. Pagdating nang hapon, pauwi na ko nang namukhaan ko yung dalawang estudyante na kasabayan ko sa daan palabas ng school gate, sila yung dalawang babae na nagtatawanan sa may wide space sa harap nang library building, natandaan ko sila dahil kay Sierra, kasi nga iba yung reaksyon ni Sierra sa kanila. Habang naglalakad ako, nakikiramdam lang ako, hindi ko ugaling makinig sa usapan nang iba pero sadyang nakalunok nang mikropono ang mga estudyanteng 'to kaya naririnig ko sila, mga chika tungkol sa crush nilang taga-kabilang course o building ang topic nila, nagtataka nga ako kasi halos parehas kami nang daan kaya nagmumukha na talaga akong sumusunod sa kanila at nasa unahan ko pa sila kaya naglagay na ako ng earphones pero walang tugtog para magmukha lang akong may sariling mundo at hindi mahuli na sinusundan ko sila at nakikinig sa usapan nila. Hindi ko naman sila susundan hanggang bahay nila kundi hanggang kung saan lang kami magkakasabay, may gusto lang talaga akong marinig sa kanila. Ewan ko ba pero may gut feeling ako na mga chismosa 'tong mga 'to. Ang judgmental ko ba? Sorry naman. Medyo tiwala kasi ako sa gut feeling ko. May gusto lang talaga akong makuhang impormasyon kasi baka may koneksyon sila kay Sierra, na sa ngayon subject ng kuryosidad ko.Mga 5 minutes na siguro na lakaran wala pa rin akong matinong impormasyon na nakukuha, susuko na sana ako nang bigla kong makita si Sierra sa isang tindahan, nakapang-bahay lang siya. Naisip ko tuloy kung nasaan na ba ako? At kung taga-dito ba si Sierra? kahit kasi classmates kami hindi ko siya close kaya wala akong alam tungkol sa kanya bukod sa pang-oscar awards na kabaitan meron siya. May isa akong eskinita na nakita sa kaliwa ko kaya kutob kong doon siya galing kasi hindi ko naman siya nakitang dumating mula sa harapan namin. At siyempre kung nakita ko si Sierra, malamang nakita din siya ng mga estudyante dito sa harapan ko. Ang obvious nga nila eh, tumigil talaga sila pero nagpatuloy din ng lakad nung hindi sila pinansin ni Sierra tapos nung nagkatinginan kami ni Sierra nag-ngitian lang kami. Hindi ko na nilingon si Sierra nun' kasi nag-focus ako sa dalawang tao sa harap ko, may kutob akong may sasabihin sila at di nga ko nagkamali, talaga kasing naka-mikropono with speaker 'tong dalawa eh, kaya narinig ko pa kahit na naka-earphones na ko at almost 4 steps away lang ako sa kanila.NV: .(As what I can remember)Student 1: Si Sierra yun diba?Student 2: Oo , bulag ka te?S1: Sus. Grabe, ampon lang pala siya no. 'kala ko pa naman nasa kanya na lahat.S2: Kaya nga eh, 'wag niya naman angkinin lahat. Ganda at luho nasa kanya na pati yung crush natin sa kanya pa? Letse lang.S1: Kaya nga. Kainis. Pero alam naman na nang halos buong campus yun diba?S2: Oo naman, for sure umabot na yun kay Paulo. HahahahaS1: Tumpak! HahahahaUminit yung ulo ko sa dalawang estudyante kahit na kakarampot lang yung narinig ko, naintindihan ko na ang storya. Last week kasi, kumalat sa buong block namin yung news na ampon si Sierra. Mabait, maganda, mayaman at may boyfriend siya, si Paulo. Lahat na kay Sierra, kung tutuusin kasi napaka-blessed niyang tao kaya marami talagang naiinggit sa kanya. Hindi ko aakalain na ako pa yung makakatuklas nung mga nagpakalat nun'. Hindi ko tuloy alam kung tama bang nakinig ako sa dalawang estudyanteng yun o hindi na lang. Sa totoo lang nakaramdam ako nang inis sa kanila kasi hindi man kami ganun ka-close ni Sierra pero I know her personally, nagkakausap naman kami about school stuff at sobrang bait niya talaga. Minsan talaga mga Pinoy, although hindi ko naman nilalahat, may crab mentality talaga tayo. We pull others down instead of helping each other going up. Days had passed when I finally saw Sierra at the library, she was actually sitting on the row kung saan ako tumatambay. Nahihiya akong umupo malapit sa upuan niya kasi doon din yung pwesto ko pero no choice ako dahil naging busy ako nitong mga nakaraang araw at namimiss ko na yung recreational activity ko which is to observe people outside the window. Nang makalapit na ko kay Sierra, napansin kong tulala siya, ramdam kong ang lalim ng iniisip niya kaya for the first time I initiated the conversation.NV.Me: Uy, tulala ka ah. *smiles*Sierra: Uhh. Hehe.M: Ganda ng response mo te, kamusta? Hindi kita nakita nitong mga nakaraang araw (ang lalim ko. Haha)S: Oo nga eh, may family problem lang.M: Ah. Ganun ba, kaya pala tulala ka dyan. Gusto mo bang pag-usapan natin yan? Kung komportable ka lang. Hahaha!S: Haha. Hindi tayo close pero marunong ka din pa lang mag-approach nang tao no.M: Haha. I'll take that as a compliment. Oo naman, may commonality tayo eh. Tsaka wala naman akong problema sayo, sobrang bait mo nga eh.S: Hmm.. Oo nga eh, minsan hindi rin pala maganda yung masyado kang mabait, dahil nagiging way din yun nang tao para abusuhin ka.M: Hugot pa Sie! (FC-feeling close) hahaha! Gusto mo bang pag-usapan natin yan?Hindi pa man natatapos ang usapan naming ng sinundo na siya ng boyfriend niya, si Paolo, may pupuntahan daw sila kaya ako naman nag-paiwan lang din, alangan naman na sumama ako diba? Ayokong maging chaperone no. After the long weekends, palibhasa wala akong productive days kaya feeling ko tuloy ang haba-haba ng dalawang araw. Sa canteen ako tumambay para mag-isip sa reaction paper ko sa isa kong course, nang bigla kong nakita si Paolo na bumili nang mineral water, varsity kasi ng basketball si Paolo kaya naka-jersey na siya kahit mga 8am pa lang nang umaga nun' lumapit ako sa kanya para itanong kung nasaan si Sierra, sabi niya nasa Library building daw kung saan niya kami nakita nung nakaraang linggo at dahil medyo naudlot usapan namin gusto ko siyang kausapin ulit kaya nagmadali akong pumunta sa library nun' but along the way I saw two students, a girl and a gay. They're chatting, I won't even stare at them if I haven't heard anything that caught my attention, nakasunod lang kasi ako sa kanila, medyo malayo kasi ang canteen sa library eh, kaya kailangan ko pang lakarin, at isa pa 3 steps away lang ako sa kanila medyo mabilis din kasi ang lakad nila, timing lang din sa lakad ko na nagmamadali. I don't do eavesdropping, but when I heard Sierra's name I can't find my virtue, I shouldn't listen but I am having a hard time battling with my own thoughts. I know it's not my business, but Sierra is my friend. (As what I can remember)Girl: Yang Sierra na yan, sa kanya na lahat, di man lang namigay.Bakla: True yan be, akala mo kung sinong maganda, hindi naman sila bagay ni Paolo.G: Buti nga sa kanya, lumabas din ang baho niya, 'kala mo kung sinong mayaman.B: Low class pala talaga siya. Ampon lang pala 'kala mo kung sino nang perpektoG: Korek ka diyan girl. Dapat sa kanya sumama na sa ina niyang maharot, tutal parehas naman sila.B: I agree, girl. Para sa'kin na si Papa Paolo! Yummy!G: Yuck, girl. Wala ka na bang respeto sa sarili mo? Kukunin mo ang tira tira ni Sierra?B: Kunsabagay, may point ka diyan girl!Nakikinig lang ako, hindi naman ako involved sa usapan pero nararamdaman kong sasabog na ako sa galit. Bakit may mga ganung tao? Bakit ba ang hilig pag-usapan at tapak tapakan buhay ng ibang tao? Grabe naman sila. Wala na talagang magawa sa buhay 'tong mga 'to? Nasa isip ko na dapat ipagtanggol ko si Sierra, pero inisip kong mabuti ang magiging impact nang gagawin kong pagsabat sa mga taong tulad nito, magsasayang lang ako ng laway. Kaya naglakad na lang ako palayo instead na pumunta sa library lumiko ako papuntang school grounds, magpapahangin lang at ikakalma ang mga nagwawalaNG galit na mga cells ko. Sobrang konti lang ng tao dito, para kasing soccer field 'tong pinuntahan ko kaya timing lang kasi pwede talagang tambayan at mapuno naman.After a few minutes, habang nakaupo ako, naramdaman kong may umupo sa tabi ko, hindi ko nga napansing may lumapit sakin, siguro kasi naglakbay diwa na naman ako. Si Sierra pala yung tumabi sa akin, the moment I stared directly into her eyes, I felt the loneliness and some vague feeling came upon me. Hindi ko alam kung naaawa ba ako o kung ano, basta alam ko pati ako apektado. Ampon lang din ako, alam ko ang pakiramdam nang pinag-uusapan pero mas grabe yung sa kanya. Hindi na makatarungan na lahat nang meron siya pinag-uusapan na. Nakikita kong parag hinahanda ni Sierra ang sarili niya, pero hesitant siyang magsalita. Naghintay lang ako, walang may nagsasalita sa amin. But at the end, ako na lang din ang bumasag sa katahimikan namin.Me: Sie, may problema ba?Sierra: Bakit ako.. Ang hirap palang maging ganito. Me: Ha? Hindi kita gets, Sie. Ano ba yun?Sierra: *looks at me with teary eyes* Nahihirapan ako eh. Ang hirap sarilinin lahat..Me: Sie.. Sierra: Hindi ko alam kung mababaliw ba ko sa pinagdadaanan ko o mababaliw ako dahil walang makikinig sa'kin.Me: Ano ba 'yun? Kahit ano pa yan.. makikinig ako. Hindi ko alam kung makakatulong ako pero pakikinggan kita.Sierra: Ba't ba ang gaan ng loob ko sayo? Ha-ha. (Pilit ang tawa niya, umiiyak na kasi siya pero tumatawa din. Malaki na sapak ng babaeng 'to, De joke lang.)Me: Kasi parehas tayo sa ibang bagay? Haha. Komportable ka kasi katulad mo mailap din ako sa tao? Naku Sie, classmates tayo no, hindi lang talaga tayo close.Sierra: Tama. Siguro nga..Me: So ano ba 'yung pinoproblema mo? Ba't hindi mo i-share kay Paolo yan? Sa pagkakaalam ko matagal na din kayo nun.Sierra: Hindi ko alam kung maiintindihan niya. Hindi naman kasi kami parehas eh.Me: Ha? Sie, okay ka lang? Naging kayo nga kasi nag-click kayo diba? Tapos sasabihin mo sa'kin na hindi kayo parehas? In what way ba? Ano ba naman kasi Sie, putol putol ka magsalita eh.Sierra: Hahaha Grabe, napatawa mo 'ko. Hindi ko alam na ganyan ka kadaldal kapag interesado ka na. (Tumigil na siya sa pag-iyak, Ewan ko ba, may patutunguhan pa ba pag-uusap namin?)Me: Ay naku. Sige na. Spill the beans.Sierra: *sigh* Hi.. Hindi kasi ako.. Paano ko ba sasabihin? Ugh. Hmm.. Hindi ako normal na t-tao lang.Me: *shocked* Ha? Mali ata pagkakadinig ko Sie. Ano nga ulit?Sierra: I know you heard me..Me: So.. yun nga? Hindi ka normal, diba sabi mo? Tama?Sierra: Oo. Paano ba.. kasi hmmm.. I can hear people's talking even they are far away from me.Me: A-ahh. Ganun ba. Grabe. Ha-ha-ha. *fake laugh* (Shocks, meaning sixth sense niya 'yun? You mean ka-uri ko siya?)Sierra: Ba't pinagpapawisan ka? Okay ka lang? Mahangin naman ah. Ako nga dapat yung nagkakaganyan kasi pakiramdam ko alien ako eh.Me: He-he. Grabe Sie, sigurado ka ba diyan?Sierra: Oo, siguradong sigurado. Hindi ko lng pinansin 'to noon pero bigla kasing parang lumayo na yung kaya kong marinig eh. Lalo na kung ifofocus ko talaga yung atensyon ko sa mga taong gusto kong pakinggan. Masakit sa ulo, parang naninibago pa ako tapos dagdagan pa ng mga chismis tungkol sa pagiging ampon ko.Me: Haay. Sie, sa totoo lang di ko inaasahan na marinig yan sayo. Kaya ba nung nasa library tayo, narinig mo pa yung dalawang estudyante na nag-uusap sa baba, na nasa wide space dahil ikaw ang pinag-uusapan nila?Sierra: Ah.. Oo.. napansin mo pala 'yun. Ang observant mo. *faint smile*Me: Sira ka Sie, magkatabi tayo 'nun. Nagulat ako sayo kaya napansin ko. Haha.Sierra: Ganun ba. Ang OA ko pala. Pasensiya na kung naistorbo kita nun.Me: Uyy! Ano ka ba! Hindi naman yun ibig kong sabihin. Haha Pero real talk lang, grabe ang galing ng tenga mo ah. Pang-chismosa. HahahaSierra: Sira ka. Haha. Pero salamat ah. Alam ko namang pinagagaan mo lang loob ko. Pero sa totoo lang ang weird lang kasi hindi ka nag-freak out nung sinabi ko sayo yang weird ability ko.Me: Ha? Ah.. sabihin na nating, mas nauna kong naramdaman ang saya kaysa sa mag-freak out. Masaya kasi, nag-open up ka at alam kong gumaan na pakiramdam mo kahit papano.Sierra: Haha. Good to hear that. Siya nga pala, sana sa atin lang dalawa 'to ah. Hindi pa ko ready na sabihin kay Paolo 'to eh. Hmm. Hindi ko pa kaya.Me: Sure Sie. No probs. Basta ba, kapag may narinig kang tungkol sa'kin, kahit mga maliliit na chismis. Sabihan mo ko ah! Hahaha!Sierra: Ikaw talaga. Haha. Hindi ko alam na magiging light ka kausap. Buti hindi ako nagkamali ng kinausap. Salamat talaga ah. I owe you a lot.Me: Sus! Haha. Ayos lang. Basta be careful. Tsaka, wag ka nga pala basta basta mag-open up sa ibang tao ha. Nagkataon lang na mahilig ako sa mga weird things. Alam mo na, SPED major. Haha. Masasanay ka na lang. (Hindi ko ipanagkakanulo pagiging SPED Major ko ha. I am proud to be a teacher!)Sierra: Sige. Salamat ah. Sige mauna na ko ha. Sa sunod na ulit yung ibang mga bagay na gusto kong i-share sayo.Me: Sure. Ingat ah. Pabayaan mo na lang yang mga chismosa sa gilid gilid. Naiinggit lang yan sayo. Haha.Sierra: Oo, salamat ulit.PS. Siya si Sierra. Her sixth sense is improved hearing. Nakakarinig siya kahit sa malayo, although hindi ko pa alam kung gaano kalayo. Kasi yung enhanced eyesight ko ay 850 meter radius na ang kayang layo niya kaya medyo nakakalula na din. Isa lang si Sierra sa tatlong taong nakilala ko sa loob ng dalawang buwan. Pero hanggang ngayon hindi ko alam ang purpose ng mga nangyari at bakit kailangan ko silang makilala isa-isa. Next is Kenneth, sixth sense niya? Ewan ko pero tingin ko, ILUSYON 'yun.PPS. Ang hirap bang paniwalaan ng kwento? Hindi ko naman kayo pinipilit maniwala pero pamilyar naman siguro kayo sa salitang "respeto". Wala sanang bashers pati sa ibang stories dito.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...