A Friend of Mine

50 6 0
                                    



May ikinuwento sa'min si tatay. Mayroon syang matalik na kaibigan, sya si kuya Luke, isang myembro ng Philippine Benevolent Missionaries Association Inc. o "PBMA". Kung natatandaan nyo ang isang kwentong nai-share ko dito na ang title ay "Reveal yourself: the power or latin words", opo sya yung Luke na tinutukoy dun ng kuya Sed. At sa kwentong ito, POV ulit ni tatay ang gagamitin ko. DISCLAIMER: Hindi ko intensyon na baguhin ang paniniwala nyo, o panigan ang mga PBMA dahil isa rin akong katoliko. Gusto ko lamang ibahagi ito sainyo baka po may magshare ng opinyon ukol sa bagay na ito. Masyadong napupukaw ang interes ko sa mga ganitong bagay at sana'y may makapagbahagi rin ng inyong pananaw kaugnay dito. PBMASi Luke ay matalik kong kaibigan, mula nang kami'y mga binata pa taong 1980's hanggang sa kanyang huling hininga'y solid kami. "toi" ang tawagan namin nun. Isa akong katoliko at sya nama'y PBMA, at dahil dun ay madalas kaming nagdedebate. Naalala ko pa noon ang kwento nyang inakusahan ng gobyerno ng kasong pagpatay/rape ang anak ng founder nila. Sinabi nya sa akin noon na iniisip ng mga tao na ang grupo nila'y isang uri ng kulto. At ang panggagamot nila at pagbubunot ng ngipin ng LIBRE ay naging mainit sa mata ng gobyerno dahil nga kung magagamot ng libre ang mga tao, mawawalan ng kita ang medisina. Marami ang tumiwalag sa kanilang grupo nang makulong si Ecleo Jr. pero isa si Luke sa mga nanindigan. Ang bagay na ito'y pinagtalunan pa namin noon na umabot pa sa puntong nauwi kami sa hindi pag-iimikan ng ilang araw. PREDICTIONS."Toi, pag-sapit ng year 2000's babaliktad ang lahat" napahagalpak ako ng tawa sa sinabi nyang yun sakin. Inakbayan ko si Luke at tinanong "yan ba ang sinasabi sainyo ng kumander nyo sa PBMA?" natatawa kong sambit pero ngumiti lang sya. Simula kase ng magkakilala kami ay lagi nya akong kinukumbinsi na umanib sakanila. "Totoo yan toi, babaliktad ang lahat sa maraming paraan, at pagtuntong ng 2012, magugunaw ang mundo" dagdag pa nya. "Darating ang panahon na magiging mahigpit, tatatakan ang mga tao at hindi sila makakalabas o makakabili ng kahit ano kung wala silang tatak" seryoso nyang sambit habang nakatingin sa malayo at saka nagbuga ng usok ng sigarilyo. "Walang sinuman ang maaaring magdikta ng mangyayare" pangongontra ko sakanya dahil mas nagiging katawa-tawa na ang dating sa akin ng mga lumalabas sa bibig nya."Nakasulat na yan toi. Nakasulat na ang mga mangyayare", natigilan ako nun at napaisip saka ako napailing. Hindi nya ako napapapaniwala noon at madalas ko lang syang tawanan, ngunit nitong mga nakaraan nang dumanas tayo ng ECQ ay isa-isa kong napagtanto na may punto ang kaibigan ko. FAITH HEALING. Saksi ako sa lahat ng mga pinagaling ni Luke, gamit lamang ang kanyang mga salita sa wikang latin at pagpatong ng kanyang mga kamay sa ulo ng may mga sakit. May mga lumalapit sakanya at minsa'y sya pa mismo ang lumalapit sa mga ito. Mga taong tinanggihan na ng ospital o kaya'y sinukuan na ng mga albularyo. Ngunit himalang gumagaling sa kamay ng kaibigan ko. At isang bagay na nakamamangha sakanya ay hindi sya humihingi ng anumang kabayaran mula sa mga taong pinagagaling nya. "Toi, ano bang ginagawa mo para maniwala sayo ang mga tao na mapapagaling mo sila?" tanong ko sakanya. Bagamat hanga ako sa kakayahan nya ay hindi parin ako nakukumbinsing maniwala ng buong-buo. Dahil nga katoliko ako at may sarili din akong paninindigan at paniniwala."Toi, mga misyunaryo kami at hindi ako ang nagpapagaling sa mga tao. Pinagagaling sila ng kanilang mga paniniwala" tugon nya"Ibig mong sabihin manalig sila sayo at sila'y gagaling?" Kumunot ang noo ko."Hindi toi, kung mananalig ka sa Diyos at maniniwala kang pagagalingin ka nya, mangyayare yun. Hindi doktor, medisina o albularyo ang nakapagpapagaling sa may sakit. Kundi ang kanilang paniniwala. At ang mga wikang latin at kaming mga misyunaryo ay instrumento lamang ng Diyos"-hindi ko malilimutan ang mga sinabi nyang ito. Tumatak na sa aking isipan magpahanggang ngayon. CALLING.Kung napanood nyo na ang horror movie na "insidious" ay magiging pamilyar kayo sa tinatawag na calling. Ito ay isang pamamaraan upang paalisin ang kaluluwa ng taong gagawing instrumento mula sa kanyang sariling katawan. Ang kaluluwa nya ay maglalakbay sa madilim na lugar upang alamin ang katotohanan, o may hanaping nawawala.Pinaupo ni Luke ang isang babae sa silya kaharap nya. "Handa kana ba?" tanong nya sa babae at tumango ito. Inutusan sya ni Luke na ipikit ang mga mata at i-relax ang isip. Ginawa ito ng babae at habang nakapikit ito ay nagsasalita ng latin si Luke. Ilang minuto pa ay tila nakatulog na ang babae dahil hindi na ito kumikibo, ngunit nananatili itong nakaupo ng tuwid sa upuan. "Nandyan kana ba Lilia?" muling tanong ni Luke sa babae matapos syang magdasal ng latin. "Madilim dito. Walang mga tao pero maingay" sagot ng babae. Ibig sabihin nakapasok na sya sa mundong hindi natin nakikita. Maraming inutos si Luke sa babae na dapat nitong gawin hanggang mangisay ang babae at pagpawisan ng malalaking butil. Tuloy lamang sila sa kanilang ginagawa, ang layunin nito ay para hanapin ang nawawalang kaluluwa ng batang si Niño na isang linggo ng walang malay at kasalukuyang nakaratay sa kanilang kwarto. Hindi nila ito dinala sa ospital dahil walang pera. Oo, parehong kaso sa palabas na napanood ninyo ngunit TOTOO ITO. Nasabi ko nalamang sa aking sariling totoo ngang nawawala ang kaluluwa ng mga taong nako-comatose dahil may kumukuha dito at ikinukulong sa madilim na lugar. Saksi ako doon. Tumagal ng halos isang oras ang calling hanggang sa magmulat ang mata ni Lilia, dilat na dilat at humahangos. Hinahabol niya ang kanyang hininga at agad na nanghingi ng tubig. Pagkatapos noon ay nagkamalay na ang bata.Napuno ng iyakan ang silid at labis-labis na nagpasalamat si Lilia kay Luke. At saka sya nagkwento. Nakita daw nya ang kanyang sarili sa upuan at nakapikit at mag-isa, pero ang boses ni Luke ay kanyang naririnig. Hanggang sa naglakad sya sa madilim na lugar, parang walang katapusang lakaran. Wala syang dalang kahit ano pero ang nagsilbing liwanag nya ay ang kanyang pananalig sa Diyos. Marami ang humahagulhol, pumapalahaw na parang nahihirapan, mga batang tila naglalaro at nagtatawanan, samu't-saring ingay. Pero ang boses ni Luke ang pinaka nangibabaw sa lahat, kaya nalabanan nya ang takot at sinuong ang madilim na lugar hanggang makarating sa isang silid na animo'y bartolina. Naroon si Niño na kanyang anak, umiiyak na nakasiksik sa sulok. Nang makita nya ito ay agad na niyakap. Iyak ng iyak ang bata at gusto na umanong umuwi, natatakot daw sya sa nagdala sakanya sa lugar na yun. At ang mga huling sinabi ni Lilia ang naghatid sa amin ng kilabot. "Nang aalis na kami ni Niño para sundan ang boses mo kuya Luke, may humarang sa dadaanan namin" umiiyak si Lilia noon at nanginginig. "Akala namin ay sya ang tutulong samin ni Niño na makaalis sa lugar na yun, nakaputi sya kuya. Maliwanag ang mukha at ang buo nyang katawan at para lang syang usok. Nakalahad ang mga kamay nya sa amin pero hindi sya nagsasalita, narinig ko ang boses mo kuya Luke at sinunod ko ang bilin mo na wag magpalinlang kaya binanggit ko ang itunuro mo sa aking latin" lumakas pa lalo ang pag-iyak ni Lilia bunga ng takot at hindi na makapagsalita ng maayos pero pinakalma sya ni Luke at pinatuloy ang kwento. "Nang banggitin ko ang latin, nagbago ang kanyang anyo" nagkatinginan kami ni Luke. Bakas parin sa mukha ni Lilia ang takot "nagbagong anyo? ano ang nakita mo Lilia?" Tinitigan ni Luke ang babae na parang binabasa ang mga mata nito. "Isang demonyo".SACRIFICE. Taong 2014 nang magimbal kami ng balitang patay na si Luke. Hindi ko ito inasahan dahil malakas pa sya at kayang kaya naman sana nyang iligtas ang sarili nya. Namatay si Luke sa dagat, pumalaot sila noon ng asawang si Rowena. Inabutan sila ng "subasko" sa laot. Nasira ang bangka kwento ni Rowena, at kung tutuusin ay kayang iligtas ni Luke ang sarili nya, pero kinailangan nyang magsakripisyo para sa kaligtasan ng asawa. Ibinigay nya ang kanyang lakas at nagwika ng latin sa asawa, at doon ay nagising si Rowena sa tabing-dagat. Umaaga na noon. Ilang araw na hinanap ng mga coast guard si Luke sa dagat, ngunit wala silang ibang nakita kundi isang taong lulutang-lutang. Bulok na ang katawan, wala ng kamay, wala ng mata, o maging ang ibabang katawan ay wala narin, pawang dibdib, leeg, at ulo nalamang ang natira. Naulit nanaman ng nangyare, gaya ng nangyare sa katawan ng aking amain nang itapon sya sa dagat ng mga NPA. Hindi na namin makilala si Luke, tanging mga tattoo nalamang nya sa dibdib ang nagbigay sa amin ng pagkakakilanlan. Masakit, napakasakit ng kanyang sinapit. Hindi ko naisip na sa ganitong paraan lamang sya mamamaalam. —Nang sumapit ang year 2000, ang mga babae ay nagbibihis lalaki, vice versa. Nagagawa narin ng mga babae ang gawain ng mga lalaki, isang bagay ito na positibo mula sa mga hula ni kuya Luke. Ngunit sa panahong ito ay unti-unting mapapansin na tila mas nagiging matapang pa ang mga anak kaysa sa magulang, at hindi na halos mapagsabihan. Hindi nilalahat ngunit karamihan.Pagsapit ng 2012, hindi nagunaw ang mundo pero matapos nito, ang lahat ay nabago. Umusbong ang social media at malaki ang naging impluwensya nito sa atin. Hindi na kailangang isa-isahin.At ang sinasabi ni kuya Luke na walang makakalabas/makakabili ng walang tatak ay matagal ng nangyayare sa ibang bansa, tingin ko'y magmula pa ito ng maupo si Obama (Correct me if I am wrong). Pero kamakailan lang ay nangyare na din sa ating bansa during this pandemic. Na kung wala kang quarantine pass, alam mo na. Not exactly the point sa sinabi ni kuya Luke pero para sa akin ay "medyo" nagtutugma. At unti-unti naring nangyayare ang nakasulat sa bibliya.P.S. Rest in Peace kuya Luke. Hindi namin malilimutan ang mga itinuro mo sa amin at kay tatay. Napakarami mong natulungang tao, nawa'y nasa mabuti kanang kalagayan. Salamat sa wikang latin na ibinahagi mo sa amin. Bago ko tapusin ang pagbahagi, gusto ko lang din sabihing:Noon ay hindi rin talaga ako naniniwala sa faith healing, mas reliable sakin ang mga bagay na may scientific basis. Pero nang ako na mismo ang napagaling ng ganito, noong panahong NABULAG ako. Nasabi kong hindi naman pala talaga laging "Dapat makita mo muna ang isang bagay bago ka maniwala, minsan kailangan mo din munang maniwala, nang 'yong makita".

-Kira Higurashi

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now