"Uy alam nyo ba, dating sementeryo ang school na'to/tambakan 'to noon ng mga namamatay" yan ang madalas kong marinig na kwento sa bawat paaralang pinapasukan ko. Minsan totoo, minsan nama'y nakasanayan nalang na gawing panakot sa mga tao. Hi spookify! May kwento ulit ako. Sabi ng ilan, halos lahat ng paaralan ay may natatagong kwentong kababalaghan. Let me share mine, sa dati kong school noong elementarya. Malapit lang sa bahay namin ang paaralang ito, walking distance lang. May kalakihan sya at may malawak na field na tinatawag naming oval. Doon kami madalas maglaro at maghabulan ng mga kaklase ko noon. May malaki at malawak na basketball court din sa pinaka-gilid. May pader naman sya pero open lagi yung gate ng court, kaya kahit mga outsider ay malayang nakakapag-laro doon.Masaya at maingay na school sya kung ilalarawan sa umaga, pero pagsapit ng gabi, kakaiba ang atmospera. Grade four ako noon at suma-sideline kami ng mama ko na maglinis ng classroom. Uso kase noon sa elementary yung magbabayad ng tig-dalawang piso ang bawat bata sa isang room, ang malilikom na kabuuan ay ang s'yang ibabayad sa tiga-linis ng silid, kaya walang cleaners samin nun haha.Para may pambaon ako, tumutulong ako kay mama maglinis tuwing sibig sa hapon, pero pinapauwi din ako agad ni mama bago mag-alas sais ng gabe.Apat na classrooms ang nililinisan ni mama ko kaya minsan inaabot sya ng alas-otso o alas-nuebe ng gabi bago makauwi.Pero nung araw na yun, ewan ko ba ba't pinilit ko si mama na sasamahan ko na sya kahit abutin kami ng gabi. Ayaw nya pumayag pero syempre mapilit ako. Haha! Kaya no choice si mama.So yun na, abala na kami noong naglilinis, last room na yun at pag natapos ay makakauwi na kami. Nagpupunas ako ng mga desk at si mama ay naglalampaso ng sahig. Antahimik ng paligid, ang tanging naririnig ko lang ay yung tunog ng paglampaso ni mama at pag-uga ng mga desk na pinupunasan ko. Pero may napansin akong kakaiba, ang lamig sa loob ng silid. "Wag mo nang punasan yung row 4 Kira" nagulat ako sa sinabi ni mama. "Bilisan na natin, bilisan mo na dyan" sabi pa nya. "Bakit ma? Baka pagalitan tayo ni Ma'am Annie kapag di natin nalinis lahat" sabi ko, pero sagot nya lang sakin ay sundin ko nalang daw sya. Tapos nakita kong parang nabulong-bulong si mama. Maya-maya'y natigilan kami sa aming ginagawa, dahan-dahan kaseng sumasara ang pintuan ng classroom na yun. Yari pa naman ito sa bakal kaya talagang maingay ang tunog. Nagkatinginan kami ni mama, tapos bigla kong binalik ang tingin ko sa pinto. May naka-kalang doon na malaking bato, kaya imposibleng matangay ng hangin para sumara yun. Isa pa, napakatahimik ng paligid, halos walang kagalaw-galaw ang mga dahon ng puno sa may tapat, at hindi talaga humahangin ng malakas noon. Patuloy ang pagtunog ng pinto dahil sumasara talaga sya na parang may nagtutulak?Napansin ni mama na nag-iba ang expression ko nun, alam nyang natatakot ako, kaya naglakas-loob syang magsalita "sinong nandyan?" pero as expected walang sumagot. Lumapit si mama sa pinto at pinigilan ang pagsara nito, dali-dali nyang tiningnan ang labas dahil baka may nagtutulak nun, pero wala syang nakita. O kung may nantitrip man, makikita dapat ni mama yun kung sakaling tatakbo ang nagtulak sa pinto. Imposible rin namang may mga bata pang maglalaro dun ng ganong oras."Baka pusa lang nak" sabi ni mama, pero alam kong sinabi nya lang yun para hindi ako matakot.Binalik ni mama ang nakakalang na bato doon, tapos bumalik sa kanyang ginagawa. Pinatigil nya na ako sa pagpunas, isara ko nalang daw ang mga bintana. Maya-maya ay nasundan pa ng nakakikilabot na ganap. Sa puntong yun, napatakbo na ako palapit kay mama at yumakap sa braso nya, dahil sa mga ingay na narinig ko. "Mama narinig mo yun?". May mga nagtatakbuhan na parang naglalaro, tumatawa pa ang mga boses na tiyak akong mga bata yun. Yung ingay na yun, alam mo talagang nandyan lang sila sa malapit. "Dito kalang" sabi sakin ni mama at bumitaw ako sakanya, luminga-linga si mama sa paligid paglabas nya, tumakbo ako palabas para sumilip din, para makumpirma ko kung may mga bata bang naglalaro pa ng ganung oras. Pero tahimik na sa pasilyo, wala ni isang bata. Alam kong 'di na bago ang ganun, dahil ginawa talagang tambakan ng mga patay ang school na yun. Pero ang hirap parin kapag ikaw mismo ang nakaranas ng mga pagpaparamdam, kaysa sa marinig mo lang ang kwento-kwento, sadyang nakakikilabot at kay-bigat sa pakiramdam. Sa school na yun tinambak ang mga namatay noong bumaha sa aming lugar, doon dinala lahat, pati na yung mga na-rescue nun at doon na nalagutan ng hininga. Ang iba naman ay sa loob mismo ng court inilagay, para siguro madaling makita ang mga bangkay ng mga kaanak na naghahanap sa mga ito. Andaming namatay nung bahang yun, karamiha'y mga bata, saksi ako doon dahil biktima rin kami. Swerte lang na nakaligtas kami ng pamilya ko. Nang makauwi kami'y ikinuwento namin ang nangyare sa mga kapatid ko. Matapos noon ay nagkwento rin si kuya Sed.Nakatambay sila noong magtotropa sa balkonahe nila Harvey. Napasarap na ang kwentuhan, inabot na ng alas-onse ng gabe. Nagulat sila nang makita ang isa nilang tropa na si Lorenz, tumatakbo at mukhang balisa. Mukang pauwi na ito dahil ang bahay nya ay kasunod lang din ng bahay nila Harvey. Tinawag nila ito at pinalapit. Agad namang umupo si Lorenz kasama nila."Tol? Napano ka? Ba't ka namumutla?" Tanong ni Harvey dito. "Tang*na bumili lang ako ng yosi dun sa tindahan sa may malapit sa basketball court. Ang ingay-ingay sa court! Parang andaming tao. Yung ingay na para kang nasa evacuation area" paliwanag nito. "Yun lang? Ba't mukang takot na takot ka? Saka bakit ganitong oras mo pa kase naisipan bumili? Haha! Dinidiskartehan mo lang yata yung tinderang dalaga dun e" Pagkantyaw ni kuya Sed at nagtawanan ang iba nilang tropa."Hindi pre. Bumili lang talaga 'ko ng yosi, tapos narinig kong maingay sa may court. Tinanong ko yung tinderang masungit kung anong meron dun ng ganung oras, pero pinaalis nya lang ako at magsasara na daw sya. Kaya lumapit ako para sumilip sa court" yung basketball court kase may pader na lagpas tao ang taas, kaya hindi mo makikita ang loob, kailangan mo pang umikot dun sa pinaka-open gate nito. " pagtapat ko sa pinaka-bungad, walang katao-tao! Pero pre sigurado akong doon talaga yung ingay na narinig ko" Nanlalaki pa ang mga mata ni Lorenz habang nagkukwento. Tinawanan nila ito, pero natigilan sila nang makitang sobrang seryoso ng mukha nya. "Wala talagang mga tao hindi ako nagbibiro. Pero nang nasa tindahan ako rinig na rinig ko yung ingay! At dun ako mas kinilabutan nang pagtalikod ko para sana umalis na, may tumawag sakin" noon lamang nila nakitang magkaganon si Lorenz dahil hindi naman ito palabirong tao"Humarap ako ulit, at dun na ako halos himatayin. May batang lalaki pre! basang-basa sya at maputik. Tinawag nya akong kuya, tulungan ko daw sya dahil hindi nya makita ang mama nya sa dami ng tao sa court na yun. Pero wala naman akong nakikitang iba liban sakanya. Duwag na kung duwag, pero kumaripas na ako ng takbo. Sinong bata ang maglalagi doon ng ganitong oras, basa at maputik?" Nakakatawa mang pakinggan pero nakakikilabot kung iisipin.Kahit ang mga guwardya ng school naming yun ay papalit-palit, iilan lamang ang nakakatagal dahil nga sa samu't-saring nagpapakita. Halos lahat din ng mga titser ay may kani-kanilang nakakikilabot na experienced sa aming eskwelahan. Meron din akong ka-batch mate nun na bigla nalang nagwawala, kaya madalas kaming kagulo para maki-isyuso sa kabilang room. Sinasapian kase ito. Nung gabing nakauwi kami ni mama, may isiningit syang kwento pagkatapos mag-share ni kuya Sed. Kaya pala ayaw nya na palinisan sakin yung mga desk na nasa row 4. Dahil may nakita syang hindi ko nakikita. "Yung dulong upuan sa row 4, may babaeng nakaupo dun. Basang basa din sya at maputik ang kanyang mahabang buhok. Pero hindi sya nakatingin sa atin Kira, sa unahan ang tingin nya at nakatulala. Antagal nyang nakaupo dun at walang kibo simula nung magpunas ka ng mga desk"kinilabutan ako, kaya pala kakaiba ang lamig sa loob. "Nagdasal ako para umalis sya dun, pero hindi sya nawala. Nandun lang sya kahit nung pauwi na tayo" dagdag pa ni mama.Kaya pala 'di agad sakin sinabi ni mama na may nakita sya.Dahil kapag may kasama ka, at ikaw lang ang tanging nakakita ng multo, o anumang elemento, hindi mo dapat ito agad sabihin sa kasama mo hangga't di pa kayo nakakauwi. Dahil kung hindi, susundan nya kayo.Higurashi, Kira
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...