Cakeshop (Parts 1 & 2)

54 2 1
                                    



Part 1 : A slice of Bloody Black forest


Year 2018 nu'ng nag-start ako mag-work as a Cake decorator sa isa sa mga kilalang CAKESHOP somewhere in Luzon.FF~ Unang training namin (4 kaming naka-pasa bali 2 lalake at 2 babae) pinamilarize samin lahat ng products, Expiration date, Consume before date, kung anong flavor ng mga cakes, at kung ano ang color coding ng mga boxes (may naka-indicate kasi na color per cake) etc. Okay naman ang mga Crew friendly sila tapos, nakikipag biruan pa ang managers samin. So, natapos na 'yung shift ko sabi ko sa Sarili ko, ayos 'yung unang araw ko. Walang nag-taray. Walang feeling may ari ng kumpanya.


FF na tayo, natapos na yung training period namin, nasanay na kaming mag-sulat, ngayon kaylangan na kaming ipadala sa kanya-kanyang branch bali yung 2 babae naiwan sa main branch, tapos kaming lalaki pinag-hiwalay ng branch. Unang araw ko sa branch na 'yun bali 3 lang Kami na naka-duty dun. 1 Visor at 2 crew ngayon ang duty ng 1 crew opening tapos, ako mid shift then yung manager closing kasi siya ang umoorder ng mga cakes at lahat ng store needs. Okay din naman sa branch na'to. At least hindi pressure at madaling makisama 3 lang kasi Kami, Pero, hindi ko akalain na may iba pa pala ako na kasi dapat pakisamahan.


FF na ulit, naka 6 months na ko agad, hindi ko namalayan ang araw at oras dahil ayos ang mga kasama ko. July 22, 2019, tandang-tanda ko pa, mag isa lang ako duty ng Gabi dahil day-off ng visor namin at opening naman 'yung isa. 7:54pm nagliligpit nako ng cakes at pasarado na sana , nakababa na din 'yung roll up para if ever may Tao kakatok muna, Pero hindi ko naman sinagad hanggang kalahati lang ng glass door para hindi nako mahirapan isara mamaya.(store hours namin 8:00 am- 8:00pm) nang biglang may humabol na babae siguro around 25-30's siya, katamtaman ang taas at medyo chubby, naka-suot ng black Sando at Short na kulay blue, nagulat pa ko sa katok niya "KUYA KUYA, PWEDE PAHABOL PLEASE, BIRTHDAY LANG NG ATE KO".PLEASE!.. Sabi ko sige po pasok mam! . Ang tira ko nalang na cake that time is 3 mocha flavored cake, 3 roll cakes at 1 black forest. Nagtanong siya sakin, "Kuya, Black forest nga pwede ko ba Makita?" Sabi ko sige po, kinuha ko yung black forest sa chiller at inabot sa kanya, matagal din niyang tinitigan yung black forest, parang ang weirdo naman ni ate sa isip ko.. Nanlalamig nako kaya hininaan ko na ang Aircon. Si ate nakakatitig pa din sa black forest, sinisipat sipat kung may damage. Sabi ko para umagaw ng atensyon niya. " Mam, kukunin niyo na po?" Nung sinabi niyang "O~ biglang sumigaw ng malakas si Ate , nabitawan niya 'yung cake nakatakip siya sa tenga niya, tapos parang gulat na gulat. Nagulat din ako at kinabahan, kala ko may nakita siyang insekto kasi nakatakip siya sa tenga. Sabi ko " Mam, okay ka lang? May halong inis Kasi, lilinisin ko pa yung sahig dahil nabitawan niya yung cake. Tumingin siya sakin.


"Kuya! B-babayaran ko yan, P-pero hindi ko na kukunin. " Nakita ko 'yung mukha ni ate sobrang putla. Sabi ko ate okay ka lang? Ano ba nangyari may insekto po ba?


Umiling siya ng maraming beses, nakita ko din na umiiyak siya.


Dapat pala hindi na ako nagtanong kasi nung nalaman ko bakit siya sumigaw hindi ako pumasok ng isang linggo at balak mag resign.


" K-kuyaaa" garalgal yung Boses n'ya, dahil siguro sa pag-iyak niya at takot.


"D-diba tayo lang dalawa d-dito!?"


" Oo" sagot ko, medyo kinakabahan nako dito.


Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now