Hello Spookify! Thank you admin just in case mashare/ mapost itong story ko. Last year ko lang nalaman itong page na to dahil naka follow dito yung husband ko. Mahilig ako sa mga horror stories and movies pero medyo matatakutin ako. Nag eenjoy ako laging magbasa dito at pampatulog ko narin ito. Gusto ko lang din ishare ang mga naging karanasan ko before.
Year 2009, namatay ang kapatid ko dahil sa sakit sa puso. Mga ilang araw matapos ang libing nya. Doon nagsimulang mangyari sakin ang mga bagay na sana hindi ko naranasan dahil takot na takot ako. Btw po, may ilang taon din naging bukas ang third eye ko. Hindi ko alam kung namamana ba ito pero ang lolo ko kasi ay may third eye din. Sabi ng lola ko kapag gabi at nananahimik nalang ang lolo ko habang nakatingin sa kung saan mang sulok ng bahay nila eh may nakikita daw sya. Ang tita ko naman bukas din ang third eye nya. Mostly mga black lady ang nakikita nya. Ang bahay ng lola ko ay harap lang ng eskwelahan at sabi ng tita ko lagi nyang nakikita ang nakalutang na babaeng nakaitim sa ilalim ng punong duhat doon. Mayroon din akong pinsan na hindi nakakakita pero nakakaramdam at minsan may mga naririnig. 14 years old ako noon ng mawala ang kapatid ko. Katatapos lang nyang ilibing at nung ikatlong gabi matapos nyang ilibing, habang natutulog ako sa kwarto ko naalimpungatan ako ng hating gabi. Ugali kong magkumot hanggang ulo, ewan ko ba kung bakit naisipan ko na sumilip sa bandang paanan ko at nakita ko don ang paa ng kapatid ko. Alam kong sya yun, hindi ako gano natakot dahil gusto ko pang matulog.
After ilang months, dito na magsisimula ang mga sunod sunod na nakakakilabot na naranasan ko. Every thursday nagsisimba kami ng mama ko sa bayan, 4:30 to 5pm ang tapos ng klase ko kung kaya't nauuna akong pumunta sa simbahan para hintayin nalang sila. 6pm to 9pm ang pagsamba. Before 6pm dumadating sila mama. Kung ngtataka kayo kung bakit ganun yung oras, El Shaddai po iyon at iyon ang naging way ng mama ko para maging matatag sya sa pagkawala ng kapatid ko. So nauna na ko sa simbahan, pagdating nila mama ang bungad nya agad sakin eh pinamigay daw nya yung ibang imported cookies and kung ano anong snacks na tinatabi tabi ko. Dahil medyo bata pa ko non at paborito ko nga kasi yun, nainis ako at hindi ako nagsimba. Dun lang ako tumambay sa gilid ng simbahan hanggang sa matapos sila. Sobrang dilim. Tahimik at walang hangin dahil may mga matataas na pader na nakapaligid skin. Pader ng simbahan at pader ng bakod ng simbahan. Biglang may umihip sa tenga ko pero wala naman kahangin hangin. Hinayaan ko lang dahil sa galit ko. Nung pauwi na kami dahil tapos na nga ang simba, may biglang umihip nnaman sa tenga ko. Pero hinayaan ko na naman dahil baka tambutso lang ng mga sasakyan na nasa labas pero alam ko na wala naman umaandar na sasakyan malapit sakin. Nakauwi na kami ng bahay at habang natutulog ako, nanaginip ako ng sinasakal daw ako. Buti nalang nagising ako,pero paggising ko may mabigat parin sa leeg ko na unti unting nawala kasabay ng may umihip sa tenga ko. At hindi ko na pinag sawalang bahala yun. Dahil hindi na yun tama at may iba na. Nakatakip parin ang buong katawan ko ng kumot. Nakatihaya ang posisyon ko non at medyo malinaw ang kumot ko. Walang ilaw sa kwarto ko pero may ilaw sa kusina namin at bukas ang pinto ng kwarto ko nun kaya maliwanag sa may bandang paanan ko gawa ng ilaw sa kusina. Dahil nga sa malinaw ang kumot ko. Naaaninagan ko na may nakatayong babae sa paanan ko at nakatagilid sya, nakaharap sya sa left side ko. Nanginginig na ko nun sa takot dahil alam kong gising na gising ako. Hindi ako makagalaw at hirap akong sumigaw dahil parang lumalaki yung ulo ko at ang bigat sa batok. Pumikit ako at pinipilit kong magsalita, wala parin. Dumilat ako ulit at pagkita ko nakapaharap na sya sakin. Sa sobrang takot ko nakasigaw na ko at tinawag ko si mama ng paulit ulit. At habang ginagawa ko yun bigla nalang humakbang ung babae papunta sakin. Pumikit ako ulit at nagdasal, sa isip ko binabanggit ko yung Ama Namin pero di ko mabuo, inenglish ko para mas madali , hindi ko parin mabuo yung our father. Mga ilang minuto pa at narinig na ko ni mama, pumunta sya sakin at tumabi nalang saakin matulog. Pakiramdam ko sinundan ako ng nakita kong kaluluwa mula simbahan hanggang bahay namin, sabi ng iba dahil daw yun sa pagbubugnot ko at nakaattract ako ng negativity.
Akala ko dun na matatapos ang karanasan ko pero paulit ulit na syang nagpapakita at nagpaparamdam sakin. May gabing makikita ko sya nasa paanan ko, dating gawi nakatakip ng kumot ang mukha ko at unti unti ko iyong tinaas. Nakita ko ang damit nyang puti at mahaba na maraming mantsa. Yung parang naninilaw na nalunod na di mo maintindhan.
Saka ko nalang isshare yung iba ko pang karanasan sa babaeng yun. At saka nga po pala, hindi na ko nakakakita ulit ngayon 26 years old na ko. Nawala yun nung ipinagdasal ako sa simbahan.Salamat sa pagbabasa,
-J
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...