Ang Yaya ni Madam (Parts 1-7)

102 4 0
                                    

Part 1

May mga pangyayari sa buhay na mahirap talaga ipaliwanag, na kahit bigyan pa ng masidhing kasagutan ay parang magtatanong ka pa rin kung totoo ba ang hiwaga sa mundo ng kababalaghan?

Ako si Ester, tahimik at simple lang ang buhay ko sa Roxas City Capiz, pero dahil na rin sa hirap ng buhay doon at hindi naman ako nakatapos ng pag aaral ay nagpasya akong mamasukan bilang katulong sa Manila, ito ay dahil na rin sa alok ng aking Tiyahin na nakatira sa Pasig na makakasama ko sa trabaho.

December 2018 ng nagsimula ang aking trabaho bilang katulong sa isang sikat na Condo sa bahagi ng Ortigas ang amo ko ay may  anak na kambal na babae edad 14 sa pagkakaalam ko kakamatay  lang ng asawa niya noong 2016 dahil sa atake sa puso.kasama ko sa trabaho ang aking Tiya Maria na nagpasok sakin sa Condo. P5000 ang buwanang sweldo at pwedeng mag day off kada linggo.

Maayos naman ang trabaho ko, magaan lang naman  at mabait si Madam Vivian,ganun din naman ang kambal niyang mga anak,na sila Donna at Bel  lumipas ang ilang buwan ay halos normal ang sitwasyon sa condo. Hanggang isang araw....

Nag desisyon ang Mag iina na magbabakasyon muna sila sa Tokyo, Japan ng isang linggo may mga binilin siya sa amin ni Tiya Maria na linisin mabuti ang condo at wag muna kami mag day off hangga't di pa sila dumarating. Nagbilin din si Madam na wag kami papasok sa kwarto nila,Tanging Opo lang ang sinasagot namin ni Tiya Maria noon na may bahid ng pagtataka.

Mag aalos onse ng gabi noon ng Biyernes ng isang malakas na katok ang narinig namin sa aming kwarto, kaya agad akong tumayo para tignan kung sino yun, sumunod naman si Tiya Maria sakin, pero maya maya pa  biglang tumawag si Madam para sabihin na mag ingat kami.kinabahan ako akala ko kung ano na!

Kinaumagahan,palaisipan pa rin sakin kung sino ang kumatok ng gabing yun, tinanong ko si Tiya Maria kung may nakatira ba sa tapat ng unit namin dahil mas matagal siya sa akin na naninilbihan kay Madam.Tinanong nya kung bakit? Ang sagot ko ay gusto ko lang malaman dahil parang may iba akong pakiramdam dun, alam ni Tiya Maria na isa akong albularyo sa probinsya namin at alam nya na nakakaramdam ako at nakakakita ng di mapaliwanag.Matagal nakong tumigil sa pag aalbularyo mula ng mamatay ang aking anak sa pagkadalaga.

Sinabihan ako ni Tiya Maria na wag ko na raw intindihin ang mga nararamdaman ko sapagkat natatakot siya, kaya bilang respeto binalewala ko ito pero hindi natapos doon ang lahat.

Part 2

Lumipas ang dalawang araw mula ng magbakasyon sila Madam Vivian sa Japan,Nag paalam si Tiya Maria  sa akin na pupunta lang siya saglit sa SM Megamall para ipasyal nya si Isay ang kanyang nag iisang anak at para abutan din ng allowance, nagpumilit ako sumama sa kanya sapagkat ayaw ko maiwan mag isa, pero hindi siya pumayag dahil na rin sa bilin ni madam na wag kami mag day off,Babalik din naman daw siya bago mag alas nuebe ng gabi, ng tinignan ko ang oras ay mag aalas dos palang ng hapon.

Masayang umalis si Tiya Maria, at naiwan ako mag isa. dahil na rin sa medyo nabuburyo ako, binuksan ko ang TV para manood ng drama sa hapon. Makalipas ang isang oras, May dumaan sa tapat ko na isang anino! Hindi ako pwedeng magkamali, kaya sa takot ko ay napatakbo ako sa kwarto nila madam, pag pasok ko doon ay nangamoy ang kandila at parang bulaklak ng patay! Napamura ako sa mga oras na yun dahil malinaw sa isip ko na wala ako kasama sa condo! ng bigla ako nahimasmasan may pagkakamali akong nagawa dahil nabuksan ko ang kwarto nila madam na mahigpit nyang ipinagbawal sa amin, inayos ko ang sarili ko di ako nag pasindak sa mga nararamdaman ko dahil alam ko na mas makapangyarihan ang espiritu pag natatakot ka.

Pumatak ang alas sais ng gabi, Tinawagan ko si Tiya Maria kung pwede pakibilisan nya umuwi, hindi ako nag kwento ng kung ano ano dahil alam ko matatakot siya, Sumagot naman si Tiya Maria na uuwi siya ng alas nuebe ng gabi gaya ng pinangako nya

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now