Halimaw sa Banga (Parts 1-5)
Part 1
Good day po sa lahat ng readers ng page na to. Silent reader here since 2014. First of all, nandito po ako to share and nasa sa inyo na din po kung maniniwala kayo. Salamat!
Konting flashback lang po. Maraming kaibigan ang nanay ko dahil na rin siguro sa terminal ng bus at jeep kami nakatira dahilan para marami siyang makilalang tao (may pwesto kami sa terminal and nasa tabi lang ng terminal yung bahay namin) dito na ko lumaki.
I was 9 years old at bakasyon nung time na yon ng ipaampon ako ng Nanay ko for 2months sa kaibigan niyang itago na lang natin sa pangalang Tita Flora. Magkaibigan na sila nung pinagbubuntis pa lang ako ng aking Ina. Walang anak si Tita Flora kaya sabik siya sa bata. Kinontrata pa nga raw niya si Nanay na ampunin na lang niya ko pero di pumayag si Tatay kasi last baby na nila ko ( Menopause baby ) kaya nangako na lang si nanay na ipapahiram na lang niya ako kay Tita pag laki ko.
Nakarating kami sa lugar ni Tita somewhere in Nueva Ecija (di ko na lang babanggitin) First time ko sa lugar na yon. Creepy yung bahay kahit sa labas pa lang. Yung mga bakod ay ginapangan na ng kung ano anong halaman. Yung bahay maganda kaso old style na siya, malungkot siya kung titignan. Pagpasok namin sa loob, magara, maganda at mayaman talaga ang may-ari. Nadatnan naming kumakain si Manang Baby at si Mang Julio. Care taker sila ng bahay at kasama na din ni tita. Maraming mga Antique sa loob ng bahay. Kapansin pansin ang mga antigong larawang nakakatakot kung tititigan pero may isang bagay ang pumukaw sa akin, ang mga bangang nakahilera sa sala. Apat na banga na magkakapareho. Mas mataas sa akin. Kasyang kasya ang tao. Nakatitig ako sa mga banga ng biglang magsalita si Manang Baby. "Wag mong subukang lumapit at sumilip diyan, nangunguha yan ng bata". Natakot ako noon pero biglang nagsalita si Tita, " Wag mong takutin yung bata Baby, baka biglang umuwi yan". Ngiti lang ang naisagot ko ng mapansin kong walang emosyon ang mukha ni Mang Julio at ganun din si Manang. Maayos naman ang tulog ko sa kwartong inihanda sa akin ni Manang. Maganda ang kwarto at pinaghandaan daw talaga yon ni Tita dahil gusto talaga niya ng anak sabi ni Manang. Mabait si Manang at maasikaso. Actually, katabi ko siya sa kwarto nung unang gabi ko sa bahay na yon. Naikwento na din niya sa akin ang tungkol sa pagkawala ng anak niya, si Leo. Halos magkaedad lang kami ni Leo at ayon kay Manang, itinuring na anak ni Tita si Leo. Spoiled daw ito kay tita. Para nga raw silang mag-ina ayon pa dito ng isang araw ay biglang nawala si Leo. Hindi daw pinapalabas ng bahay si Leo dahil mahina ang pangangatawan nito. Hinanap sa buong bahay ang bata pero lumipas ang buong araw na paghahanap, walang Leo ang nakita. Napansin daw nila si Tita na hindi lumalabas ng kwarto. Wala din daw doon si Leo pero parang may kakaiba daw kay Tita. Tulala siya at namumugto ang mga mata pero ni isang salita, walang lumbas sa kanya. Hindi nakatulog si Manang at Mang Julio kakahanap kay Leo. Lumipas ang 2 taon ng paghahanap, walang Leo ang nakita. " Parang naging bula lang ika ni Manang. "Kalimutan na lang daw ang lahat at huwag ng hanapin ang nawawala" sambit daw ni Tita kay Manang. Naawa ako pero mas nangibabaw yung takot ko para sa buhay ko. Ipinangako sa akin ni Manang na hindi daw niya ko iiwan at pababayaan ganon din daw si Mang Julio. Lumipas ang araw at linggo na masaya akong kasama ang tatlong matatanda lolo na kung si Manang ang kasama ko. Lagi niya kong itinatakas at isinasama sa palengke. Hindi kasi ako pwedeng lumabas kung hindi si Tita ang kasama. Masaya din naman siyang kasama kasi puro pagkain ang pang-akit niya sa akin. Weird lang siya minsan. Isang gabi nagising ako sa isang bulong na nagmumula sa kanyang bibig(sa kwarto na niya ko nakatulog dahil sa pagod at busog). May ibinubulong siyang mga salitang hindi ko maintindihan nung time na yon(Latin) dahil nga bata pa ko, hinayaan ko na lang. Nagising naman ako ng maayos at buhay. Wala na si Tita. Pag labas ko pa lang ng kwarto, mahigpit na yakap kaagad galing kay Manang ang bumungad sakin. Nag-alala daw siya dahil hindi niya alam kung nasaan ako. Hindi na ko nakapagpaalam wika ko naman dahil nga sa pagod ko nung nakaraang gabi. Masaya kaming kumakain ng maisipan kong sa sala na lang kumain. Nagluluto pa noon si Manang ng hindi niya namalayan na nasa sala na pala ko. (Hindi talaga ako marunong magpaalam pasensya haha) Nagulat na lang ako ng humiyaw si Manang na siya namang dating agad ni Mang Julio. Tumakbo papalapit sa akin si Manang at sinabi ang mga salitang nagpalambot sa akin " Huwag na Huwag kang lalapit sa bangang yan, Hindi ako nagbibiro noong una pa lang na dating mo. May halimaw sa loob ng mga bangang yan, mga demonyo. Sila ang kumuha kay Leo" Natakot talaga ko nung time na yon. Umiyak si Manang at sabay yakap sa akin. Sinabi niyang umuwi na lang ako kung uulitin ko pa ang paglapit sa mga bangang yon. Nangako naman akong di na mauulit at magpapaalam na ko sa susunod.
Masyado na po atang mahaba, putulin ko po muna dito. Salamat sa matiyagang pagbabasa. Again, hindi ko po hinihingi na paniwalaan nyo ko. Im just sharing.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...