Wag kang maingay (Parts 5-7)
Part 5
"Nababaliw kana rin ba Jalil? Pano kung mapahamak tayo dun? Ayoko! Bumaba kayo't dito lang ako." Sabi ni Sheena sa amin. Nagtinginan kami ni Greg at nag simulang bumaba ng puno. "Oy oy oy mga loko san kayo pupunta?" Sabi ulit ni Sheena sa amin. "Aba san paba? Bababa kami, jan kalang ungas mag tanda ka jan pahamak ka lagi eh." Sagot ko naman kay Sheena. Natawa ako ng wala sa oras dahil nagmadali ring bumaba ng puno si Sheena. Pagkatapos naming bumaba ng puno pinuntahan namin ang ingay kung saan ito nangaling. Pasikretong nagtago kaming tatlo sa damuhan at sinubaybayan namin sila. Nang makarating kami sa naturang lugar ay nakita namin dun na nakasabit ang kaliwang paa ni Maiko sa itaas. Nagsisigaw sya lalo na't nilapitan sya ng tatlong Hunters. Bumunot ng napakalaking itak ang isa sa mga Hunters at dinilaan ito. Tawa sila ng tawa habang dahan-dahan din nilang sinusugatan ang mukha ni Maiko at tinanggalan sya ng taenga. Sumunod naman ay binaba ng kaunti ang damit at tsaka tinanggalan ng dalawang utong. Sigaw sya ng sigaw habang umiiyak. Nagmamakaawa sya sa kanila ngunit walang awa naman ang mga pinagsabihan nya kaya wala ring mangyayari. "Yan ang dapat sa kagaya nyang trydor." Bulong ni Sheena. "Shhhh di mo alam anong iniisip nya bakit nya nagawa yun, buti nga di sayo nangyari yan." Sagot ko kay Sheena ngunit tinarayan nya lang ako ng tingin. Ang ganda nya sa part na tinarayan nya ako. Tangos ng ilong, mahabang pilik mata, medyo makapal na kilay, makurbang katawan, maganda ang pagka ayos ng buhok, maputi at makinis na pagmumukha't hindi nakakasawang pagmasdan. Ngunit ibinaling ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ito ang oras para makipag landian sa gitna ng kamatayan. Binalewala ko ang pumasok sa isipan ko sa sandaling iyon at nagpatuloy sa pagmamatyag. Pagkatapos ng masaklap na pangyayari kay Maiko biglang tumabi ang dalawang Hunter. Lumapit ang isa sa kanila na mga 6ft ang taas at laki ng katawan. Inabot ng isang Hunter sa kanya ang mahaba at malaking itak. Sumunod ay nag ipon ito ng lakas at biglaang tinaga at naputol ang binti ni Maiko at bumagsak ito sa lupa habang nagsisigaw. Nakakasuka't nakaka kilabot ang ginawa nila kay Maiko. Pagkatapos naman ay kumuha ng hook ang isa sa kanila at itinusok ito sa may collar bone ni Maiko habang hinahatak ito pa norte ang deriksyon. Iniwan nila ang kaliwang paa na nakasabit habang pumapatak ang dugo sa lupa, pati narin ang bag na kinuha ni Maiko mula sa amin. "Sundan natin sila Greg, ito na ang pagkakataon para matuklasan natin kung san nila dadalhin ang mga bangkay nila Justine, Maiko at marahil pati na kay Jaya." Bulong ko sa kanya at sumangayon agad si Greg habang hinawakan ni Sheena pareho ang mga ulo namin. "Sigurado na ba tayo dito? Hindi ba tayo malalagay sa piligro?" Bulong ni Sheena sa amin. "Tiwala lang, hindi tayo pwedeng mag tago sa gubat na to at habang buhay." Sagot ni Greg kay Sheena. Nang maka alis na sila pinulot agad namin ang bag na kinuha ni Maiko mula sa amin at chineck kung may makakain at magagamit paba kami. May nahanap ako sa bag kong kaunting pagkain at tubig. Ganun din kay Sheena at kay Greg. Sinundan namin sila at di kalayuan mula sa gubat mga ilang metro din ang layo may natanaw kaming Bahay sa mataas na bundok at doon nila dinala si Maiko. Naririnig parin namin ang sigaw nya't mga iyak. Pinagplanuhan namin ng maigi pano kami makakapasok. "Mag antay tayo ng umaga. Papasukin natin ang bahay nila ng hindi gabi dahil hindi sila gaanong nakakakita't nakakagalaw kapag umaga. Kaya antayin natin ang pag sikat ng araw." Anya ni Greg. Kaya naman umalis kami't nag hanap ng mapagtaguan di kalayuan sa bahay. Inihanda namin ang mga gagamitin namin bukas, patalim, ginawan namin ng patibong ni Greg sa magiging daraanan namin kung kami'y maghahabulan. Pagkatapos namin mag set up ng patibong nag pahinga kami. Habang tulog kami di ko namalayan na gising pa pala si Sheena at umuupo dalawang metro ang layo sa pinagtaguan namin. Bigla rin akong nagising dahil sa sobrang lamig ng hangin. Napansin ko si Sheena na naka upo at naka tingala sa kalangitan. Lumapit ako at tumabi sa kanya, tinanong kung bakit hindi pa sya natutulog. Sabi nya hindi raw sya makatulog sa kabila ng lahat ng pangyayari't nasaksihan nya. Pareho naming hindi inakala na magiging ganito ang kahihinatnan namin. "Miss ko nang matulog sa higaan ko, kumain ng masarap sa labas, gumala kasama ang barkada at mag lasing." Sabi ko sa sarili ko habang naka tingala sa langit. "Ako miss ko na lahat lahat. Pati mga magulang ko, ka klase ko, pati na rin ang mahal ko." Sabi naman ni Sheena sakin. Napatingin ako sa kanya, tila ba parang bumigat ang pakiramdam ko at naninigas ang lalamunan ko. Nakakatawang isipin na hindi ko pa nga nailabas sumabog na agad sa kaloob-looban ko. "Ganun ba, alam ko miss kana rin nila." Tanging naging sagot ko sa kanya sabay ngiting mapag kunwari. Nakikita ko sa mga mata nya na may pag-asa pang maka labas dito. May pag-asa pang mabuhay. "Wag kang mag-aalala. Makakalabas tayo dito, ililigtas kita hanggat kaya ko." Sabi ko sa kanya habang nagtitigan kami. Para bang may kung anong hindi maintindihan na nakikita namin sa bintana ng aming kaluluwa. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at tumingin ulit sa kalangitan. "Miss ko na rin mahal ko." Sabi ko sa kanya. "Ahhh. Kung ganun may nag mamay-ari narin pala ng iyong damdamin Jalil." Sagot ni Sheena. "Biro lang haha mag pahinga na tayo't may gagawin pa tayo bukas." Tanging naisagot ko kay Sheena. Pagkatapos ay nagpahinga na kami. Kinabukasan ginising kami ni Greg upang ihanda lahat ng gamit pati na rin ang plano naming pag pasok sa bahay. Naka handa na kaming lahat, kaya naman nag masid kami sa daan dahil baka madaanan namin sila. Hinintay naming mag a'ala una ng tanghali dahil tirik na tirik ang araw at mainit ang paligid na sya ring stratehiya namin para hindi sila gaanong makagalaw. Unang papasok si Greg, pagkatapos ay susunod ako habang maiiwan si Sheena bilang bantay sa labas. May inabot sakin si Greg na isang maliit na remote at sinabi na "Jalil, bago ako pumasok. Kung sakaling tatagal ako ng sampung minuto sa loob pindutin mo agad ang pulang ito pagkatapos ay tumakas na kayo ni Sheena." Sabi ni Greg sakin. "Nahihibang kana ba sa mga pinagsasabi mo? At ano to? Wag kang mag salita ng ganyan lalabas tayo ng sabay kasama ang kapatid mo." Sagot ko kay Greg. "O sya sge basta itago mo ito, sayo ko ito ipapaubaya." Sagot rin ni Greg pakatapos ay pumasok na ito sa loob ng bahay. Nag matyag kami ni Sheena sa paligid. Walong minuto na ang nakakalipas ngunit hindi parin lumalabas si Greg. Kaya nagpasya akong sundan si Greg at pumasok na rin sa loob ng bahay. "San ka pupunta Jalil? Antayin nalang natin si Greg gaya ng naging plano natin." Anya ni Sheena sakin. "Kailangan kong puntahan si Greg. Sabay tayong lalabas dito. Kaya dito kalang at antayin mo kaming makalabas." At dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Pag pasok ko sa loob may naamoy na agad akong mabaho. Mashadong madilim at maaliwalas. Nang maka rating ako sa sala, nakikita ko na ang radyo na tinutukoy ni Greg ngunit hindi ko alam pano gamitin ito. Kaya naman mas mabuting hanapin ko muna si Greg. Nagkalat sa sahig ang mga dugo at ang bangkay ni Maiko ay naroon. Tinakpan ko ang bibig ko dahil nasusuka talaga ako at umangat ang kinain ko sa bibig ko. Ayokong sumuka dahil marirnig nila ako at mawawalan ako ng lakas. Kaya napilitan akong lunukin ang suka ko. Nagpatuloy ako sa pagmamatyag sa loob ng bahay. Pag pasok ko sa kusina nakita kong nakatali na si Greg sa isang upuan at nakatakip ang bibig. Lumapit agad ako sa kanya para kalagan sya. Ngunit bigla nalang akong natumba sa sahig at unti-unting nawalan ng malay. Pag gising ko kaharap ko ang mga Hunters sa malaking lamesa habang nagpapatulis ng kanilang mga patalim. Nakatali ang mga kamay ko. Sa bandang kaliwa ko naman nakatali rin si Greg. At ang ikinagugulat ko ay nakita ko sa bandang kanan ko na nakatali na rin si Sheena sa upuan at walang malay. Gusto kong mag wala at nagpupumilit na kumawala ngunit wala ring mangyayari. "Pakawalan nyo kami!" Sigaw ko sa kanila. Ngunit balewala lang sa kanila iyon. Naamoy ko na para bang may pagkaing niluluto ito. Naririnig namin ni Greg na may sumisipol at kumakanta rin habang nagluluto. Nagtataka si Greg sa kanyang naririnig habang kaka gising lang din ni Sheena. Ilang sandali pa ay may lumabas na tao mula sa kusina at may hawak na pagkain. Makikita mong daliri, mata, at taenga ng tao ang sahog sa niluto. Nagulat kami sa aming nakikita habang si Greg ay hindi makapaniwala. "Kamusta na Greg, aking mahal na kapatid."
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...