Part 1Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Hindi 'rin natin hawak ang buhay natin para mapigilan ang kamatayan. Hindi ito patungkol sa akin, kundi sa isang misteryosong pusa na lagi kong nakikita sa oras ng kapahamakan.Una:Pagod at gabi na halos laging umuuwi, 'yan ang buhay ko bilang isang tipikal na kolehiyolo. Isa akong studyante sa Bulacan State University sa Malolos. Tumutuloy ako sa isang apartment malapit sa BulSU kaya naman ayos lang umuwi sa gabi.Isang gabi ng Miyerkules nu'n, naglalakad ako mag-isa. Malapit na 'ko sa aking apartment nang biglang ma'y nagtutok sa bewang ko ng patalim. "Boi, bigay mo na pera mo kung ayaw mo mapuruhan." Sabi n'ya sa'kin. Sa sobrang takot ko ay nailabas ko ang wallet ko at bago ko pa man ito maabot sa kan'ya ay alingawngaw na ng pusa ang nanaig sa tahimik na daan, sinundan pa ito ng alingawngaw ng motor.Malakas ang tunog ng motor kaya alam kong malapit lang ito sa'min pero walang liwanag ng kahit anong headlight ang sumisilaw sa daan. Hindi agad nakagalaw ang magnanakaw dahil sa motor. Dahil takot pa 'rin ako, hindi ako makagalaw. Takot ako sa pede n'yang gawin dahil nakatutok pa 'rin sa'kin ang patalim n'ya. Sunod n'yang iniutos na ilabas ko ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at ipinatong sa wallet ko at akmang ia-abot sa kan'ya nang ma'y biglang tricycle ng Baranggay na sumulpot malapit sa'min. Nailawan kami ng headlight ng tricycle at nakita s'ya agad ng mga tanod. Agad siyang tumakbo at hindi na nakuha ang wallet at cellphone ko.Mabilis na pumunta sa'kin ang mga tanod at tinanong kung ayos lang ako. Sa 'di kalayuan ang isang pigura ng lalaki na nakasakay sa motor ang nakita ko at sa baba n'ya ay isang pusa na kulay Grey, brown, black, white na halo-halo ang kulay. Nilingon ko saglit ang mga tanod at nang ibalik ko ang paningin ko sa kanila ay wala na sila.Pangalawa:Matapos ng isang buwan nasa club kami ng tropa pa ko. Sa 'di inaasahan ay nagkaroon pa duon ng isang drug dealing at nagkaro'n ng Oplan ang mga pulis. Dahil malapit ang upuan namin sa pwesto ng mga drug dealer ay maging kami ng tropa ko ay nadawit.Sa police station ay nakakulong agad kami. Nakaupo ako sa mismong tabi ng rehas sa at mula sa pwesto ko ay nakikita ko ang lobby. Muli ko na namang nakita ang pusa nuong nakaraang buwan. Pumasok siya sa loob at kasunod n'ya ay isang lalaking na ma'y katawan na mala Aquaman at buhok na parang kay Joross. Naka suot s'ya ng outing sando at maong pants. Kinausap n'ya 'yung pulis sa lobby.Sa tabi ko ay nandoon na ang pusa. Nasa labas nga lang s'ya ng rehas ko. Hinaplos ko ang ulo niya ng paulit-ulit hanggang sa biglang binuksan nu'ng pulis 'yung rehas namin. Tinuro kami ng mga tropa ko, labas na 'raw kami. Wala na naman na 'yung lalaki, nandu'n na sa motor n'ya. Mabilis na tumakbo sa kan'ya 'yung pusa at umalis na sila.Pangatlo: Last December. Namatay si mama sa CoViD. Si mama lang ang pamilya ko at nawala pa s'ya. Dagdagan mo pa ng stress sa school works at pressure sa funeral ng mama ko kahit cremated s'ya. I'm mentally and physically exhausted. Nauwi ito sa depression at sa pagtatangkang tapusin ang buhay ko.Isang gabi nang mapagdesisyunan ko ng mamatay at nakahanda na ang lahat ay isang katok sa pinto ang narinig ko kaya binuksan ko ito. 'Yung Joross na Aquaman Ang nasa labas. Walang sabi-sabi s'yang pumasok sa apartment ko at binuksan ang ilaw. Nakita n'ya 'yung lubid at upuan. Bumuntong hininga s'ya saka umiling-iling na napatingin sa'kin."Hindi dito matatapos ang buhay mo." Sabi n'ya. Nangilabot ako sa sobrang lalim ng boses n'ya. Iyong malalim pero buo. Biglang pumasok sa loob 'yung pusa na ma'y dalang plastic. 'Yung pusa, masyadong malaki para sa normal na pusa kaya alam kong hindi s'ya pusa."Kainin mo 'yung dala n'ya tapos mag-impake ka na. Sasama ka sa'kin." Sabi n'ya sabay malakas na hila sa lubid sa kisame at sinunog ito sa labas ng bintana. Nang masunog ay pinasok n'ya sa loob at pinaamoy sa'kin ang usok at nawalan ako ng malay.Nu'ng panahong na nasa loob s'ya ng apartment ko ay hindi ko na napansin na hindi ko pala nako-kontrol ang sarili ko. Nakatanga lang ako at pinapanood s'ya. Pero salamat sa kan'ya dahil buhay pa 'ko.
Part 2: Madman at Phanter
Nabasa ko ang comment section at maraming nagsabi ng part two o kasunod."Nasa'n ka na ngayon sender? Kasama mo ba sila?"-Oo, kasama ko sila. Along Bulacan pa 'rin naman. Nag-aaral pa 'rin ako sa BulSU at nabubuhay ng normal kasama si Madman at Phanter.Ano nga ba si Madman at Phanter?Si Madman ay hindi mo malalaman kung tao ba talaga o hindi. Masyado s'yang mahiwaga dahil sa sobrang daming paraan. Simula nu'ng kinupkop n'ya 'ko last December, nakasama ko na s'ya sa bahay n'ya.Una: Kasunod nung last December:Nagising ako nang nasa gilid ko ang pusa. Nasa loob ako ng isang kwarto na maraming libro, karamihan ay koleksyon ng mga Biblia. Hindi ko na papangalanan ang mga 'yun, pero nasa mahigit 10 ang mga Biblia."Gising ka na, tatawagin ko lang s'ya."Sa gulat ko ay napatingin ako sa tabi ko. Walang ibang tao duon kaya alam kong 'yung pusa 'yung nagsalita. Napalayo pa 'ko sa kan'ya unti-unti dahil sa takot."Bakit? Nakakatakot ba 'ko? Matakot ka kung gusto mo. Alis na 'ko." Sabi n'ya pero hindi bumubuka ang bibig n'ya. Kinakausap n'ya 'ko gamit through telepathy. Tumalon siya sa kama at lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung nasaan ako kaya at natatakot ako na lumabas. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa'kin sa labas ng kwarto na 'to.Nakaupo lang ako sa kama for 10 minutes sa hinuha ko. Bumalik 'yung pusa pero ngayon kasama na n'ya si Aqua man na kamuka ni Joross. Sumandal siya sa hamba ng pinto habang naka-cross arms. "Natatakot ka? Okay lang 'yan, masasanay ka 'rin dito. Tara sa hapag, kakain na 'tayo." Sabi n'ya saka umayos ng tayo ng maayos. Hindi ako kumilos. Bumuntong hininga s'ya saka tumingin sa pusa. "Ikaw na bahala." Sabi n'ya na mas ikinatakot ko.Bakit ako natatakot? Kasi hindi ko sila kilala. Ang laki pa ng katawan ni Aquaman na kamuka ni Joross, tapos nagsasalita 'yung pusa.Isang pitik ang narinig ko sa kung saan at hindi ko na naman nakontrol ang sarili 'ko. Kusa akong tumayo at lumabas sa kwarto hanggang makarating sa hapag. Masarap ang pagkain nu'n kaya nagtubig 'yung bibig ko. Wala SKL. Ayun lang naman ang nangyari nu'ng araw na 'yun.Pangalawa:December 24. Bisperas ng pasko, s'yempre naghanda 'yung mga kapitbahay namin kaso kami hindi. Sanay na 'ko na kasama sina Madman at sa pusa. Sa nakalipas na isang Linggo ay nasanay na 'ko. Mabait si Madman at 'yung pusa. Araw-araw sila na umaalis na magkasama pero naihahatid nila 'ko sa BulSU gamit 'yung motor. (Module kasi kinuha ko).Alam ko na na hindi tao 'yung pusa pero hindi 'rin hayop. Pero mabait s'ya kaya ayos lang sa'kin. Nanonood ako sa sala nu'n dahil wala namang pasok kasi Christmas Break. Habang nanonood ay biglang pumasok sa isip ko si mama. Syempre miss ko na ang mama ko. Umiyak ako habang na nonood.Dumating bigla sina Madman kaya agad akong tumigil saka lumingon sa pinto. Ma'y dalang jar na Grey si Madman habang 'yung pusa naman ay as usual, plastic bag na ma'y laman na pagkain."Oh. Kalalaking tao ang lakas mo umiyak. Dinig na dinig ka kahit sa malayo." Sabi n'ya na ikinataka ko. Ni hindi nga 'ko humagulgol, eh. Paanong malakas? "Ano naman 'to?" Tanong ko sa kan'ya."Pamasko ko." Sabay n'ya habang natatawa sabay abot n'ya sa'kin ang jar at nang titignan ko sana ang loob ay pinatong na nu'ng pusa ang isang picture frame na ma'y picture ni mama sa loob.Hindi ko maiwasang maluha dahil sa labis na lungkot, saya at pangungulila. "Mama...." Sabi ko saka niyakap ang jar na ma'y abo ni mama. Iniwan na muna ako nila Madman at nu'ng pusa. Pumunta ako sa kwarto kung saan ako nagising pagdating ko dito na naging kwarto ko na talaga. Nilagay ko ang abo at frame ni mama sa taas ng durabox ko at ang frame n'ya. Nagdrama ako kasama ni mama ng ilang oras saka ako lumabas."Salamat, Madman..." Sabi ko kay Madman nang nasa hapag na 'ko. "Mmm... You're welcome." Sabi n'ya habang kumakain. 'Yung pusa tulog sa sofa. "Hindi pa ba kumakain 'yung pusa?" Tanong ko. "Hindi pa. Kakain 'rin 'yan mamaya. Kumain ka na, pupunta pa tayo sa palengke." Sabi n'ya. Nanlaki naman ang mata ko dahil duon. "Kasama ako?" Tanong ko. Ito ang unang beses na sinama nila 'ko hindi para ihatid sa BulSU."Oo, sasama ka. 'Di ka ba nagce-celebrate ng pasko?" Tanong n'ya. Umiling ako. "Ewan. Hindi na siguro. Bakit nga ba tayo nagdaraos ng Pasko?" Tanong ko bigla.Uminom s'ya ng tubig at tumingin sa'kin. "Dahil paniniwala na niyo ang Pasko. Tradisyon na." Sabi n'ya. "Wala namang sinabi kung kelan pinanganak si Hesus. Ba't sila nagce-celebrate?" Tanong ko ulit. Nagkibit-balikat lang s'ya.Pangatlo:Sa palengke ay kasama pa 'rin namin ang pusa. "Hihiwalay ako sa inyo. Pupunta muna ako kay Lilith." Sabi n'ya saka umalis. "Sino si Lilith?" Tanong ko kay Phanter. Simula kanina ay Phanter na ang tinawag ko sa kan'ya bilang pamasko."Albularyo na manggagamot." Sabi n'ya saka kami naglakad. Nang maging matao ang lugar ay agad akong yumuko para buhatin si Phanter pero hindi ko na s'ya makita. Hinanap ko muna s'ya dahil baka mawala. "Sino hinahanap mo?" Tanong ng boses ni Phanter. Agad akong lumingon sa likod ko dahil hindi na boses galing sa isip ko ang boses ni Phanter. Narinig ko na mismo sa tenga ko. Isang lalaking kasing-tangkad ko ang nasa harap ko. Kung anong kulay ng balat n'ya bilang pusa ay 'yun 'rin ang kulay ng damit n'ya. Nakakapangbaba nga lang dahil mas gwapo s'ya sa'kin. 'Di ako bakla."Phanter?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. "Oo, bakit?" Tanong n'ya 'rin. "Pa'no ka naging tao?" Tanong ko sa kan'ya. "Basta. Hirap kasi maglakad bilang pusa 'pag maraming tao sa paligid kaya nag-anyong tao ako." Sabi n'ya saka naglakad. Isang pitik sa isip na naman ang narinig ko at kusang kumilos na naman ang katawan ko.Pang-apat:Matapos mamili sa palengke ay naglakad kami sa kung saan ni Phanter na tao. "Sa'n punta natin?" Tanong n'ya. "Kina Lilith. 'Yan kasing dala mo, para sa mga bisita n'ya." Sagot n'ya. "Ba't tayo pinabili n'ya?" Tanong ko. Medyo asar. "'Di kasi kaya makawala ni Lilith sa mga bisita n'ya. Matatakot ang mga tao kapag nakita sila. Baka nga matakot ka 'rin, eh." Sabi n'ya saka lumiko papunta sa arko ng kawayan. Nang lampasan namin ang kawayan na arko ay nakaramdam ako ng kung ano. Na parang ma'y barrier ako na pinasukan.Bago ko pa man problemahin 'yun ay mas prinoblema ko ang lugar kung nasaan ako ngayon. Nang lumingon ako sa likod ko ay nandu'n pa 'rin ang arko pero bukid na 'rin ang kabila."Huy, Phanter! Anyare? Ha? Kanina lang nasa bayan tayo, ah? Ba't na'sa bukid na tayo?" Tanong ko. "Basta. Basta 'wag ka lang makikinig sa iba bukod sa'min ni Madman." Sabi n'ya. "Ayos, ah? Madman na 'rin tawag mo sa kan'ya?" Tanong ko. "'Di n'ya naman kasi sinasabi pangalan n'ya. Nakakapagod tawagin s'yang "s'ya". Tsk." Sabi n'yaPumasok kami sa isang malaking kubo. Ma'y hagdan 'yun dahil elevated ang kubo mula sa lupa. Nang pumasok kami sa loob ay nandoon si Madman at ang isang babaeng nasa mid 40's na sa palagay ko ay si Lilith. Ma'y dalawang bisita s'ya at kataka-taka na nanghina ako nang tignan nila 'ko. Saglit lang naman 'yun."Bakit mo s'ya dinala rito?" Sabi ni Madman. "Ako naman bahala sa kan'ya." Sabi ni Phanter. Nang tignan ko si Lilith ay nakatitig 'rin s'ya sa'kin at nakangiti ng sobra."Salamat, Serio! Salamat talaga!" Sabi ni Lilith kay Madman. "Serio pangalan ni Madman?" Tanong ko. "Hindi... Walang pangalan si Madman." Sabi ni Phanter pero gamit na ang telepathy. "Wala kang dapat ipagpasalamat dahil hindi ko ibibigay ang bata sa'yo." Sabi ni Madman saka pumunta sa pwesto namin at hinawakan ako sa braso ng mahigpit. "Bitawan mo na ang huwad na mga 'yan, bago ka magsisi." Sabi pa ni Madman saka kami umalis."Oh, ito na panghanda mo." Sabi ni Phanter, saka nilapag ang plastic bag na ma'y ingredients ng pagkain. Bago pa man kami makasakay sa motor ni Madman na hindi ko alam kung saan sumulpot ay bigla akong hindi nakakilos. "Madman...." Tawag ko kay Madman."Anak ng teteng! Lilith! Bitawan mo ang bata!" Sigaw ni Madman na sobrang nakakatakot. Malaki nga kasi ang boses n'ya kaya nakakatakot s'yang sumigaw."Hindi! Kukunin ko s'ya! S'ya ang ipapalit ko sa anak ko!" Sigaw ni Lilith. Isang malakas na pisil sa puso ko ang naramdaman ko na nagpaluhod at nagpaiyak sa'kin. Masakit, sobrang masakit. Napahiga na 'ko sa sahig habang sapo ang dibdib ko. "Bata." Tawag ni Phanter sa'kin. Lumuhod siya sa gilid ko at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay."LILITH! BITAWAN MO ANG BATA HABANG HINDI PA 'KO NAGAGALIT!!" Malakas na sigaw ni Madman. Namamanhid na ang katawan ko sa sobrang sakit. Malamig ang pakiramdam ko kahit na mainit ang panahon dito sa bukid. Nalalagutan na 'rin ako ng hininga."HINDI! S'YA ANG PAPALIT SA ANAK KO, SERIO!" Sigaw 'rin ni Lilith at saka ko mas naramdaman ang sakit sa dibdib ko na hindi ko na kinakaya. Pakiramdam ko ay mamamatay na 'ko dahil sa sobrang sakit."Madman. Nangingitim na ang kamay n'ya." Sabi ni Phanter habang nakatingin kay Madman. "Ako na, Madman." Sabi ni Phanter. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari mula nu'n dahil nakapikit na 'ko pero ma'y malay pa 'rin ako.Sa muling pagdilat ko ay nakita ko si Phanter na hindi tao, hindi hayop.Isa na s'yang nilalang na ma'y katawan ng tao, kuko ng mga pusa at paa ng pusa, mga balahibo n'ya bilang pusa sa ibang parte ng katawan n'ya. Ma'y papal s'ya na kakulay ng balahibo n'ya at sobrang taas na sungay, mahabang buhok na kakulay 'rin ng balahibo n'ya."HULING PAKIUSAP, LILITH! BITAWAN MO ANG BATA KUNG AYAW MONG TAPUSIN N'YA ANG BUHAY MO!" Dinig kong sigaw ni Madman. Ilang segundo ang nakalipas at pakiramdam ko ay tila binagsak ako. Isang nakagiginhawang pangyayari. Wala na ang sakit at manhid. Napalitan ito ng pagod kaya't alam kong nawalan ako ng malay.Masyado na palang mahaba. Alam kong maraming magsasabi na hindi kapani-paniwala ang karanasang ito. Gaya nga ng sinabi ni Madman sa'kin. "Ma'y pangyayari sa buhay natin na sadyang hindi kapanipaniwala. Pwedeng super powers, pagiging aswang, o isang psychic.Ang gusto lang patunayan sa mga sinabi ko rito. Si Madman ay isang mabuting tao na hindi ko pa 'rin alam kung tao ba o hindi hanggang ngayon. Si Phanter? Hindi ko 'rin tiyak kung ano siya nung mga araw na 'yun. Ngayon January ko lang kasi nalaman kung ano silang dalawa.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...