It was her (Parts 1 & 2)
Part 1
Hi! It's my first time na magsend ng story and i hope mapost to even though sa messenger ko lang senend. Btw, i used my RP para di talaga ako makilala hehe. Sorry kung magulo ako magkwento
I am first year college right now at nangyari to nung Grade 11 ako. I'm a transfer student in that school (i won't mention na) since yun lang ang school dito sa province ang may STEM strand. First week of classes nothing much happened, intoduction ng subjects lang and so on. At dahil tahimik akong tao ay wala akong naging close kaya in the end mag isa lang akong pumapasok, mag lunch, mag CR, at umuwi. It was the second week of classes that time di ko talaga yun makakalimutan, i'm doing my routine that time before afternoon classes, around 12 pm akong nag lunch sa classroom then after kong kumain ay pumunta agad ako sa CR with my needed things with me. It was 12:30 pm--can't forget the time nung pumasok ako sa CR. I put my things sa may lababo then nag toothbrush, maya maya pa ay may biglang lumabas na babae sa last cubicle and i can say na maganda siya at mukhang mabait. She smiled at me and i smiled back-- that was my first encounter with her. After my first encounter with her ay may sumunod pa hanggang sa araw araw ko na siyang nakikita sa CR with the same scenarion--- lalabas siya from the last cubicle, ngingiti saakin and thats it. Until sa naisipan ko na siyang kausapin kasi why not diba? I just greeted her with "hi" tapos ngingiti lang siya saakin, i sometimes think na napapahiya ako kasi di niya talaga ako kinakausap HAHA. Time passed by so fast at same scenario paren, as in parehas na parehas kaya nagtaka na ako like the heck? Everytime na pumapasok ako sa CR walang tao except sa aming dalawa na may paulit ulit na scenerio. That's why i decided na kausapin na talaga siya bago pa ako mag isip ng nakakatakot , i asked her name (i dont wan't to mention her name), Anong Grade na siya and so on--- and theres nothing wrong with her naman. After that, we became friends, pag dumadaan siya sa classroom namin ay kinakawayan ko siya at nginingitian. I sometimes ask her to eat with me kaso nahihiya daw siya--- kaya in the end sa CR paren kami nagkikita pag nag t-toothbrush ako. We became more closer but i found out something --- nag re-ready na ako ng lunch ko nung tinawag ako ng mga kaklase para sumabay sakanilang kumain, at dahil di naman ako kj ay Go lang. Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nagkukwentuhan nga random things hanggang sa umabot yung topic nila sa horror. Bilang ako na mahilig talaga sa horror ay nakikinig lang, sinabihan pa nila ako na ang creepy ko daw kasi kumakaway ako sa may bintana kahit wala naman daw tao dun, inisip ko naman agad na pinagtitripan nila ako kasi ang tahimik ko kaya tumawa nalang ako. They even asked me na magkwento kaso wala akong maikwento sa sakanila. Maya maya pa ay biglang nagsalita yung katabi ko habang nakatingin lang sa cellphone niya na wari ko ay nagf-facebook "Uy naalala niyo pa yung nagsuicide sa CR? Doon sa last cubicle?" So syempre nashookt ako kasi di ko talaga alam na may nagsuicide na pala sa school na yun "ini-stalk ko siya ngayon sa FB, sayang ang ganda niya pa naman" she added then hinarap saamin ang isang picture---- and bessss mas na shookt ako sa nakita ko, it was her! Yung babaeng palagi kong nakikita sa CR na naging kaibigan ko rin "Kaya nga di ako nagsi- CR ng around 12 pm kasi balita ko yan yung time na nakita yung katawan niya habang nakabigti" after hearing those words ay nakita ko siya na dumaan sa room namin habang nakangiti saakin.
Part 2
Hi it's me again. Binabasa ko po lahat ng comments niyo and some of those ay di naniniwala, but yeh it's up to you guys kung maniniwala kayo o hindi. AND AGAIN, I'M SORRY KUNG MAGULO AKONG MAGKWENTO
Continuation....
It was my first time na maka encounter ng ganun kaya
After kong nalaman yun ay sobrang natakot ako to the point na di na ako pumapasok sa CR, (Di na rin ako nakakapag toothbrush pagkatapos lunch yikes) di na rin ako lumalabas ng classroom kahit recess---- pero kahit umiiwas ako ay nakikita ko paren siya everytime na pumapasok ako sa umaga, nandoon siya sa pintuan ng room namin na parang may inaantay with her smile that never fades away everytime nakikita niya ako, but me? I chose to ignore her. Nag iintay siya hanggang sa uwian namin kaya nakikisabay akong lumabas sa classmates ko kahit di ko naman ka close---- yan ang bagong scenario na naging paulit ulit sa araw araw hanggang sa nasanay na ako. You can't blame me guys kung bat iniiwasan ko siya, kahit kayo siguro yun ganun rin ang gagawin niyo, ang umiwas dahil sa takot. Almost 2 months ganun ang scenario namin, siya na hinihintay akong pumasok at lumabas, at ako na iniiwasan siya. Not until one day, nagulat ako nung bigla niyang tinawag pangalan ko, like heck? It was the first time na tinawag niya name ko even before sa CR i never heard her calling my name, lumingon agad ako sa labas ng pintuan namin kung saan siya nakatayo, she's not smiling anymore she look so sad--- yun rin ang huling araw na nakita ko siya. Her sad face always came in my mind everytime na tumitingin ako sa labas ng Room namin, my conscience is bugging me. Days passed at di ko na siya nakita ulit kahit sa CR. I don't know why pero bigla akong nacurious, nacurious ako abt what really happened to her and why she did hang herself kaya tinanong ko mga kaklase ko pero di nila alam, they just describe her as a person na base rin sa mga naririnig nila, mabait, maganda, at tahimik na tao, that's it pero di ako nakuntento sa nalaman ko until i found out na nagkaboyfriend siya, he is a first year college (That time) kaya napagdisisyonan kong kausapin siya (her boyfriend). (Hindi ito yung eksaktong sinabi niya since ang tagal na nun at di ko na maalala, pero may tumatak sa isip ko na hanggang ngayon ay di ko makalimutan) "Tahimik siyang tao, she doesn't have any friends. She have me but i left her after i found out na buntis siya. Sa sobrang galit ko ay pinagmumura ko siya without knowing na it's not her fault kung bakit siya nabuntis. She was abused and raped by her father and uncles--- and the saddest thing is nung sinabi niya yun sa Mama niya imbes na paniwalaan siya ay pinalayas pa siya nito. She was alone but still manage to attend school and told me everything but instead of listening to her story ay tinawanan ko lang siya. If i have known that she would hang herself that day, i would have stayed by her side and never left her" after i heard those words from her boyfriend ay sobrang umiyak ako, nakonsensya ako, feeling ko sobrang sama kong tao dahil sa pag iwas ko sakanya. No one stayed by her side when she needs help, even me--- she is my friend yet i left her.I decided na eshare ang story na ito dahil di ko alam ang gagawin. Grumaduate ako sa school na yun ng hindi ko na siya nakikita. Pero last week napaniginipan ko siya na sobrang ikinagulat ko, she is smiling at me pero may mga luhang tumutulo sa mata niya (there's more pero yan lang ang naaalala ko). At di ko alam kung anong ibigsabihin nun. Guys!!! What should i do???
-V
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...