Molen (Part 9)
PART 9
"Teka, kilala ba kita?" Tanong ko sa kanya sabay baklas sa pangyayakap niya.
"Ako ito, si Molen," sagot niya na kinagulat ko.
Kinuwento niya saakin ang nangyari sa kanya.
Papauwi na daw siya galing sa mansyon ng Lola ko ng mapadaan siya sa ilog. Ang totoo ay lungkot na lungkot na siya sa nangyayari sa kanya, kaya naupo muna siya saglit sa isang tabi. Nakatingin siya sa kawalan ng makita niyang may lalaking inaanod sa ilog na nakasakay sa isang mahabang kahoy. Nilapitan niya ito at saktong pagtalon niya sa katawan ng walang malay-tao nayun ay biglang pumasok ang kaluluwa niya sa lalaking iyon. Bumukas ang mata niya at nagbuga siya ng tubig na galing sa bunganga niya. Hindi niya alam kung bakit nangyari yun? Hindi niya alam kung bakit pumasok ang kaluluwa niya sa katawan ng lalaking iyon. Nasa mababaw lang siya ng bahagi ng ilog kaya agad siyang umahon doon. Basang basa man ay tinahak niya ang daan papauwi sa bahay nila. Doon niya kinuwento sa Mama niya ang buong nangyari. Nung una ay hindi ito naniniwala sa kanya, hanggang sa sinabi niya na magtanong siya sa kanya na silang dalawa lang ang nakakaalam. Sinabi ni Molen sa Mama niya na noong bata siya ay madalas siyang napapalo dahil sa pagtae lagi sa short niya sa school nila. Sinabi din niya na noong bata siya ay pinakasabik niyang araw ay linggo, yun ay dahil paboritong-paborito ni Molen na nagsisimba palagi. Dahil doon ay naniwala na sa kanya ang Mama niya. Tuwang tuwa siya at ganun din ang Mama niya.
Matapos magkwento si Molen ay agad niya akong hinatak. Dinala niya ako sa isang bahay na malapit lang din sa kanila. Kapwa kaming nagtago sa isang halamanan.
"Miss na miss ko na siya," sabi niya habang nagtatago parin kami sa halamanan. Mayamaya ay biglang may lumabas na babae. Mahaba ang buhok nito at kulot. Maganda siya at maputi din ang balat.
"Jae, miss na miss na kita," dinig kong bulong ni Molen ng dumaan ang babaeng iyon. Nang umalis na si Jae ay kapwa na kaming lumabas sa halamanan.
Kinuwento ni Molen na noon paman ay crush na crush na niya ito. Pinangako niya sa sarili niya na mabuhay man siyang muli ay unang-una niyang dadalawin si Jae. Masayang masaya siya ng muli niya itong makita. Sadyang mahina lang daw ang loob niya kaya hindi niya magawang magtapat dito.
Mag gagabi na ng maghiwalay kami. Hindi ko makuhang itanong sa kanya kung ayos na ba siyang nasa katawan ng ibang tao. Ayoko naman din kasing tanggalan siya ng kasiyahan ngayong official na siyang buhay na ulit, kaya lang ay nasa iba siyang katauhan.
Kailangan paba ako ni Molen o hahayaan ko nalang siyang mabuhay sa katawan ng ibang tao?
Hanggang dito nalang kaya ang storyang ito? Hahayaan ko nalang ba siya? Tignan natin kung may mangyayari pa. KAILANGAN UMABOT NG 1K SHARE ITO AT 1K HEART, hindi like, HEART DAPAT Hahaha! Pag nangyari yan, lalakasan ko ang loob ko na tanungin si Molen na AYOS NABA SIYA SA KATAWAN NIYA O GUSTO PARIN NIYANG MAKABALIK SA TOTOO NIYANG KATAWAN?
Lia S.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...