NoSleep One-Shot Story : Hell's Fat Camp

68 3 0
                                    


Kamakailan lang ay umuwi ang kapatid kong si Anna, labing limang taong gulang, galing sya sa fat camp. Apat na buwan din siguro syang wala nun; Nakakabaliw din na wala din sya nung mga panahon na yun, nakakalungkot na kami lang ng mga magulang ko ang nandito. Mataba talaga si Anna, pero nung mga nakaraang taon naging obese sya kaya nagdesisyon ang mga magulang namin na dalhin sya sa fat camp na mayroong 100% success rate. Ang nanay namin masyadong mababaw at iniisip nya na hindi magkakaroon ng magandang buhay si Anna kung mataba sya.
Si Anna ay masiyahin at masigla kahit anuman ang mangyari, nagpapalaganap sya ng kasiyahan san man sya magpunta. Pero ngayon, sobrang nagbago na sya. Sobrang payat nya at parang laging malikot ang mga mata nya.
Wala syang sinasabi tungkol sa nangyari at kung paano sya pumayat sa kampo. Ang alam ko lang yung istorya ng isang bata na namatay sa sunog sa kampo na yun na nabasa ko online sa isang ahensya ng lokal na balita. Eto pa, taon taon may namamatay na bata sa kampo na ito; walang sinuman ang nakialam tungkol dito at si Anna naman ay hindi nagsasalita tungkol sa nangyari.
Kaya kagabi, nung naliligo si Anna tinignan ko yung maleta nya kasi di nya pa tinatanggal yung mga nakaempake nyang gamit. Di ko alam kung ano bang inaasahan kong makita, siguro dahil yun na lang yung paraang natitira. Sa ilalim ng bag nakakita ako ng mga pilas ng papel na sinulatan ni Anna. Hindi ko alam kung talaga bang nangyari yung mga sinulat nya, o nawala na sya sa katinuan nya, pero kinopya ko yun para kayo na mismo ang humusga:
//"Ayoko dito. Eto na yung PINAKAMALALA. Hindi ko alam anong nagawa ko para maranasan to. Kinamumuhian ko si mommy, sya nagdala sakin dito e. Wala pa kong kinakain simula nung dinala nya ako dito kahapon, at yung kauna unahang bata na nagtanong sa camp leaders kung kailan kami makakakain ay binuhusan nila ng nagyeyelong tubig. Kaya medyo natatakot ang lahat at hindi namin alam kung ano ngayon ang mangyayari."
//"Hinati nila kami ngayon sa dalawang grupo; mga lalaki laban sa mga babae tapos hinati kami ulit. Kaya ngayon apat kaming grupo ang maglalaban laban. Sabi nila samin, kung sinuman ang grupo na makapagbawas ng pinakamaraming timbang sa labanan ay tatanghaling panalo ngayong linggong ito. Hindi nila sinabi kung anuman mapapanalunan namin, pero sa tingin ko pagkain ito. Ang ginawa lang namin ngayon ay naglakad paikot sa kampo, sinusubukang makahanap ng pwede makain. Lima kaming babae sa grupo. Pinangako namin sa isa't isa na gagawin ang lahat ng makakaya namin para manalo kami."
//"Yun, nalaman na namin sino nanalo ngayon; hindi nanalo ang grupo ko, pero di rin kami ang talo, yun lang naman ang mahalaga. Ang natalong grupo ay binato ng itlog at binuhusan ng harina at pinatayo sila magdamag. Sumilip ako sa bintana at nandun lang sila nakatayo pa din habang nakadipa ang mga braso. Kung sino man ang magbaba ng braso, isa sa mga camp leaders ang papalo sa kanila ng maliit na kahoy hanggang sa maiangat ulit ang braso.
Nagising ako sa ingay ng mga lalaking umiiyak sa labas. Isa sa kanila ang nahimatay sa pagod at dahil na rin siguro sa kawalan ng makain, at ang isa sa mga camp leaders ay patuloy pa din syang pinapalo hanggang sa hindi na talaga sya makatayo. Kinaladkad sya ng mga ito palayo at natatakot ako kung ano ang gagawin nila sakanya."
//"Di nila kami pinapayagang makipag usap sa pamilya namin at sinabing hindi rin sila pwedeng bumisita anumang oras. Ako at ang mga babae sa grupo ko ay hindi pa din kumakain kahit na nagsimula na silang bigyan kami ng pagkain. Para malaman nyo, mga de gulong na basurahan ito, puno ito ng karne at sabi nila karne ito ng hayop na nasagasaan sa kalsada at pwede namin kainin anumang magustuhan namin dun. Gusto kong sumuka. Natatakot din ako sa susunod na parusa kung sakaling di makapagbawas ng timbang ang grupo ko. Kaya di na lang kami kumakain. Yung isang babae sa kabilang grupo ay bumigay sa labas ngayon at walang tumulong sakanya. Sinubukan ko naman, pero nanghihina't hindi kinaya ng braso ko na buhatin sya. Napaka miserable ko talaga, pero di bale, nagsisimula naman na kong magbawas ng timbang."
//"Nahirapan akong maghagilap pa ng papel at oras para isulat ang mga nangyayari: Ang mga huling parusa sa mga grupo na hindi nakakabawas ng timbang ay: Maupo buong araw sa ilalim ng init ng araw at di pinapayagang uminom ng tubig, nilulubog sa nagyeyelong tubig magdamag, pinaglalakad ng mahaba mga dalawampung milya sa isang araw nang walang pagkain o tubig, at ang patakbuhin sila sa treadmill ng pwersahan hanggang sa bumigay sila sa pagod. Natatakot ako baka matalo kami ngayon. Yung isang babae sa grupo ko nakakita sa basurahan ng isang pakete ng chichirya nung isang araw at inamoy amoy ito bago namin sya mapigilan. Ayokong malaman kung anong balak nila samin.
Salamat naman at hindi kami natalo; yung kabilang grupo.

Ang parusa nila ay sapilitang pakainin ng balat ng bulok na patatas hanggang masuka sila; kailangan din nilang kainin ang suka nila; eto na yata ang pinaka nakakadiring bagay na nasaksihan ko. Gusto ko na talaga umuwi."
//"Ito na ang huling araw ng camp. Pakiramdam ko ay bago na ako. Abot kamay ko na ang kaligayahan sa buhay ko at di ako makapaghintay na umuwi at ipakita sa lahat ang bago kong katawan. Sa pagtatapos, ang may pinaka mababang nabawas na timbang ay si Michelle, kaya kailangan nyang gawin ang parte nya. Hindi ako malungkot, medyo nakakabwisit din kasi sya. Pero yung amoy ng nasusunog nyang katawan ay parang tulad sa karne ng baboy at pinaglalaway ako nito. Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na isa itong pagsubok at wag akong magpadala sa pananabik ko sa pagkain."
Yan ang mga huling sinulat ni Anna sa camp; ang mga magulang namin ay nasa bakasyon pa din ilang araw bago umuwi si Anna, kaya di ko ito masabi sa kanila. Nagkukulong sya buong araw sa kwarto nya at di ako pinapapasok o kinakausap. Kapag sa tingin nya ay hindi ako nakikinig, ay nariringgan ko sya na kinakausap ang sarili nya; nakakaamoy ako ng mabango't sariwang karne sa kwarto nya at palagi nyang inuusal ng paulit ulit ang:
"Kung hindi ka payat, tapyasin ang balat."

- u/Hoptyhop

-Mnęmøsyné (Translator)

-cREDDITs-

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now