Part 1
Araw ng Lunes, dismissal na ng klase saktong 5:30 pm, medyo late na dahil sa 3hour-class namin sa trigonometry, umay! Nagmadali na akong lumabas para makauwi agad, 30 minutes pa kase ang biyahe ko.Nag-aabang na ako ng masasakyan sa labas ng gate nang maramdaman kong may tumanggal sa nakapasak na earphone sa tenga ko. Bahagya akong nagulat at naasar kaya agad kong tiningnan ang gumawa no'n. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Mawi kasama ang ilan pa naming mga kaklase."Kira, sama kana" pag-aaya n'ya kaya napakunot ang noo ko. "Oo nga Kira, sama kana minsan lang naman 'to. Mamaya kana umuwi, sabay-sabay na tayo" dagdag pa ni Joyce na agad na pumulupot sa braso ko. "Saan ba yan? Sorry hindi ako p'wede" pagtanggi ko. "Bawal ang kj. Ikaw nalang sa'ting magkaka-klase yung 'di pa namin nakaka-bonding" nakapamulsang saad ni Jared habang ngumunguya ng chewing gum, agad naman s'yang sinang-ayunan ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila at kung saan nila ako niyayaya. Ilang ulit akong tumanggi pero hindi nila ako pinakinggan. "ngayon lang ate Kira, gusto ka lang namin maka-bonding. Saka birthday naman ni Annie, sama kana please" saad naman ni Alex. Tiningnan ko kaagad si Annie, as usual ay nakatulala nanaman ito sa kawalan, habang nakaakbay sakanya ang mahinhing si Pia. Tinawag ko ito at binati, pero tipid na ngiti lang ang itinugon n'ya sa akin. Naramdaman ko nalang na humawak narin sa kabilang braso ko si Alex na isang beki. "hoy wag mo ngang hawakan si Kira! " saway ni Mawi sakanya, inirapan lang s'ya ni Alex sabay sabing "lets go". Nagsimula na silang maglakad, hawak nila ako kaya kusang sumunod ang mga paa ko. Naglakad na kami, ako at ang anim ko pang mga kaklase. "Kidnapping 'tong ginagawa n'yo sa'kin guys" pagbibiro ko na medyo makatotohanan. Agad naman silang naghalakhakan pero patuloy parin ang ginawa nilang paghakbang tungo sa lugar na aming pupuntahan.Habang naglalakad ay maiingay ang mga kaklase ko, kumakanta sila ng happy birthday habang nagtatawanan, kaya pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Tinanaw ko kaagad si Annie na tahimik lang na naglalakad. Wala itong kibo kaya doon ako medyo nagduda. Kung kaarawan nya, bakit tila hindi s'ya masaya sa kanyang pag-iimbita?—Halos 20 minutes na kaming naglalakad, kumakagat narin ang dilim. Liblib ang dinaraanan namin dahil sa mayayabong na damo at nagtataasang puno. May nadaanan din kaming palayan, at napakagandang senaryo ang aking nasaksihan. Sa pagsapit ng takip-silim, masuyong hinagkan ng liwanag ang kadiliman na bumuo ng mapayapa at napakagandang kalangitan. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na yun, noon lang ako nakatapak roon. Hindi maitatangging maganda nga ang paligid, ngunit ang simoy ng hangin sa lugar na yaon ay tila may kakaibang hatid. Hindi ko mawari kung kalungkutan o kababalaghan. Basta, may kakaiba akong nararamdaman. Chineck ko ang aking phone, mabuti nalamang at nakapag-chat ako agad kanina kay mama na gagabihin ako ng uwi, wala na kaseng signal sa lugar na yun. "malayo pa ba tayo? Nauuhaw na ako" reklamo ni Joyce. "malapit na tayo kila Annie, konti nalang guys. Ayun oh! Nakikita ko na yung tulay" sagot ni Jared na tila kabisadong-kabisado ang lugar na yun dahil nauuna s'yang maglakad sa amin, kahit pa hindi naman sakanilang bahay ang pupuntahan namin. "hanep kabisado ah. Nakapunta kana ba sa bahay nila Annie, ha Jared? Ikaw ha, anong meron sainyong dalawa?" kaagad na kantyaw ni Mawi kaya lumikha nanaman ng maiingay na hagikhikan ang mga kasama ko.Muli kong sinulyapan si Annie na tahimik lamang na nakayuko at naglalakad. Wala namang bago, tahimik na babae talaga itong si Annie pero may kakaiba sakanya ng mga oras na yun. "bakit kase hindi nalang tayo sumakay, masakit na ang paa ko guys" pag-angal naman ni Pia."sus! 'Wag na nga kayong magreklamo, 'di ba kayo nag-eenjoy sa mga tanawin? Chill lang kayo! Groufie muna tayo oh" sabay labas ni Mawi sa kanyang camera. Naging abala sila sa pag-pipicture maliban kay Annie na nakatayo lang at nakamasid sakanila, habang ako nama'y nabaling ang atensyon sa paligid. Bigla nalang kaseng nag-iba ang ihip ng hangin, nagsimulang magliparan ang mga natuyong dahon na nakalatag na sa lupa. Nakaramdam ako ng kakaibang lamig na nanuot sa aking balat kaya napayakap ako sa aking sarili. Humakbang ako palayo sa kanila at iginala ko ang aking mga mata, mangilan-ngilan lang ang kabahayan doon. Maraming puno ng n'yog, talisay, santol at punong-mangga. Nakiramdam ako sa paligid, hanggang sa 'di ko inasahan ang makikita ko.Napadpad ang mga mata ko sa tulay na sinasabi ni Jared sa 'di kalayuan, isa itong hanging bridge.May nakatayo roong matanda. Sigurado akong matanda yun dahil nakakuba na ang kanyang likuran, nakabelo ito ng itim, pares sa suot nyang bestidang itim rin. Nakatayo s'ya sa gitna ng tulay na tila ba nakangisi. Hawak n'ya ang kanyang belo habang nakatitig sa amin. Sigurado akong sa amin ito nakatingin, dahil walang ibang tao roon maliban sa amin. Kinilabutan ako. "Kira, anong tinitingnan mo?" napasinghap ako nang may mabigat na kamay ang dumagan sa balikat ko—si Mawi. Inalis ko ang kanyang kamay nang may inis at ibinalik ko kaagad ang tingin sa matanda pero wala na ito roon! Lumakad ako paabante para hanapin ang nakita ko kanina. Imposible namang nakatawid na kaagad ang matanda sa kabilang side ng tulay nang ganun kabilis? Nawala na kase agad ito sa paningin ko. Tiningnan ako ng aking mga kaklase, nakapaskil sa kanilang mga mukha ang tanong na "anong problema?". "may nakita akong matanda. Naka-belo na itim, nandun s'ya kanina sa tulay" seryoso kong tugon kaya agad silang tumingin sa tinutukoy ko, ngunit wala narin silang nakita. Gaya ng inaasahan, walang naniwala sa akin, tumawa lang ang mga kaklase ko. Nanahimik nalang ako at umasang sana nga'y namalikmata lamang ako. "ayos ka lang?" tanong sa akin ni Mawi, hindi ako sumagot. "gutom lang yan gurl, tara na tara na!" excited na tinig ni Alex. Lumakad na sila papuntang tulay, hindi pa ako kumilos kaagad dahil kakaiba ang kabang nararamdaman ko. "Minsan na nga lang ako gumala, parang may mangyayare pang masama" sabi ko sa sarili ko."nakita mo s'ya?" nagulat ako nang magsalita sa likuran ko si Annie. "yung matanda" dagdag n'ya pa, agad akong tumango. "hindi ko gustong isama kayo rito, hindi ko kayo inimbita. Sila lang ang nagpilit na pumunta dito" pabulong pero mariin nyang sambit sa akin. Mas nagatungan ang kaba sa dibdib ko. "anong ibig mong sabihin Annie? Nakita mo rin yung nakita ko? Kilala mo ba yung matanda? Sino s'ya?" sunud-sunod kong tanong. Bumuntong hininga si Annie at tinanaw ang mga kaklase naming maiingay, tila mga batang naglalaro at nag-uunahan makaapak sa luma at umuugang tulay. "wala...bilisan na natin, halika na" sagot n'ya lang sa akin na parang umiiwas. Lumakad na s'ya papunta sa mga kaklase namin. Naiwan akong nakatayo roon, nag-iisip kung anong gagawin ko. Hindi ko gusto ang lugar na yun.Ayaw ko na sanang tumuloy, ngunit 'di ko kabisado ang daan pauwi, at ayoko rin namang iwanan ang mga kaklase ko kung saka-sakali.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...