Isla sa Batangas

68 4 0
                                    



Hi Guys, Avis here. (Solo Backpacking in Batangas, Isla sa Quezon Province, Beach Camping sa Camarines Norte). Last week ay nakapunta ako sa isa sa mga kilalang travel destination sa Batangas. Actually, madaming beses na akong nakapunta dito, karamihan ng pagbisita ko dito ay isang araw lang pero ngayon, overnight. Matatagpuan ang islang ito sa coastal town ng Nasugbu. Ito ung islang nafeature na sa maraming travel shows, at even sa isang Fantaserye dati sa GMA. No more additional clues about the island at sobrang give away na to.Bandang alas dose ng gabi kami nagkita kita sa may MOA para sa pick up point. May dadaanan rin kasi kaming ilang mga kasama namin along Aguinaldo highway.Since madaling araw, mabilis lang ang naging byahe namin, lagpas ala una lang ay nasa tagaytay na kami, at nag stop over pa para humigop ng Loming Batangas at Gotong Batangas. Iba ang pakiramdam sa tagaytay pagpunta namin. Halos walang ilaw ang mga kalye at mga bahay sa tabi ng daan. Marahil siguro gawa ng pandemya kaya hindi ganoon kadami ang mga tao dito.Pagkatapos ng stop over namin ay dumiretso na kami sa resort. Dahil napakaaga pa nung dumating kami, sarado pa ang resort at inintay na lang namin magbukas.Nagbukas ang resort ilang minuto pagkalipas ng ika lima ng umaga. Bukas na rin ang tindahan kaya bumili na rin kamo ng ilang bagay na wala pa kami na kakailanganin at magagamit namin sa isla: inuming tubig, yelo, tsitsirya, at alak.Pagpatak ng alas 6 ay sumakay na kami ng bangka. Dahil ilang beses na ko nakapunta sa isla dati ay alam ko na kung gano katagal ang byahe papunta doon: aabutin ng lagpas isang oras kung may kalakasan ang alon, at kulang isang oras naman kung payapa ang dagat.Kahit nasa dalampaaigan ka pa lang ng Resort ay maaaninag mo na ang isla. Di mo aakalaing halos 10 kilometro ang layo nito sa dalampasigan ng Nasugbu.Habang nasa bangka papunta ng Isla, mararamdaman mo talaga ang pagkakaiba ng simoy ng hangin dito kumpara sa lungsod. Ang lamig, at may onting alat pero masarap kapag humahaplos na ang hangin sa balat mo. Habang palapit ng palapit kami sa isla ay palaki ng palaki ito. Hindi mo iisipin na napakalaki nito sa malapitan kumpara ng tinitingnan mo ito mula sa dalampasigan dahil may bundok ito na masukal na punong puno ng puno, may parola pa sa itaas!Nakadating kami sa isla ng alas 7. Mula sa bangka, makikita mo kung gaano kaputi ang buhangin at kung gaano kalinaw ang tubig dagat dito nakitang kita ang mga bato at buhangin sa ilalim. Pagkababa ng bangka ay nagtungo na kami sa pwesto kung saan kami magseset up ng mga tent at gamit namin. May naabutan kaming grupo sa isla pero uuwi na rin sila mamaya. Pagkalipas ng ilang sandali ay may mga dumating ring ibang grupo, pero sabi sa amin ng isa sa caretaker sa isla ay aalis rin ung mga grupo na ung mamayang hapon. Ang grupo lang namin ang mag oovernight sa isla.Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit namin ay naglibot na kami sa isla. Humiwalay na lang ako lumibot mag isa sa kanila.Isa sa mga bagay na pang akit ng isla ay ang pamosong replika ng greek architecture ng parthenon ruins. Malaki ang plano ng may ari ng islang ito dati at binalak na gawin itong private island resort. Pero hindi ito natuloy dahil wala silang nahukay na mapagkukuhanan ng sariwang tubig sa isla. Sayang dahil may ilan nang mga bahay na nasimulang itayo na hindi na natapos dahil hindi na itinuloy ng dating may ari ang orihinal na planong luxery resort.Sa may bangin nakapwesto ang naturang arkitektura na makikitaan mo ng tanda ng edad nito. May mga makikita ka ting estatwa ng leon at babae sa may burol. Sadyang napakaganda ng tanawin sa itaas dahil makikita mo ang dagat at ang bayan ng Nasugbu sa di kalayuan.Wala ring kuryente sa isla. Kailangan nyong magdala ng sarili ninyong ilaw para may liwanag ang lugar ninyo. May ilang mga ilaw malapit sa dalampasigan pero pinapaandar ito ng solar power at generator. Sa ngayon, pinapatuluyan na lang ng bagong may ari ang isla para sa mga gustong mag camping. May mga puno sa isla kaya malilim at hindi ka maiinitan masyado. May mga nangangalaga sa isla na dito na din daw tumutuloy. Tinulungan rin nila kami magbitbit ng gamit pagkadaong namin sa isla.Pagdating ng tanghali ay kumain na kami ng tanghalian at nagpahinga sandali. At dahil kumulimlim ang langit ay magsimula na kaming maligo sa dagat!Tulad ng sabi ko kanina, napakalinaw ng tubig, at napakaputi naman ng buhangin. May mga batohan rin sa dagat at kung sisisid ka sa ilalim ay makakakita ka ng mga isda! Kwento pa sa amin nung tagapangalaga sa isla ay nakakahuli rin sila ng mga pugita rito.Umahon kami nung nagsimulang tumingkad ang sikat ng araw. Nagsimula na rin kaming uminom. Di naman nawawala yan sa mga ganitong galaan. Sabayan mo pa ng kwentuhan, sound trip, at pulutang masarap; solve ka talaga.Mga bandang alas 5 ng hapon ay nagpaaya na akong matulog na muna dahil dinadalaw na ako ng antok. Nahiga ako sa isang bakanteng hammock na dala namin. Naalimpungatan ako ng bandang alas 9 ng gabi. Nagising na lang ako, pero nagulat rin ako ng bahadya dahil napansin ko na may matandang balbas sarado na malapit sa paanan ko.Normal naman ang damit ni Manong, pero hindi rin ko maiwasan ang kakaibang pakiramdam. Nagsalita si Manong "Kasama mo yung lalaking natutulog sa dalampasigan?"Pinilit kong sipatin ang mukha ni Manong dahil medyo hindi ito naaaninag ng ilaw, at sabi ko sa kanya "Ho? Baka po isa sa mga tagapangalaga ng isla ung sinasabi nyo?""Kilala ko ang mga nakatira dito sa isla, pero ung lalaki ay hindi." tugon ni Manong.Tiningnan ko ang pwesto namin at tiningnan kung nandoon ang mga kasama ko, pero wala sila. Baka nasa loob na sila ng tent at ntutulog.Muling nagsalita si Manong "Kailangan nya ng tulong. Puntahan mo na sya."Nilingon ko si Manong sa kinatatayuan nya pero wala na sya doon. Bigla akong kinilabutan.Minabuti kong bumangon sa duyan, at sinilip ko ang dalampasigan. Medyo mataas na lugar kasi ung pinagpwestuhan namin. At may nakita akong nakahiga sa may dalampasigan, sa may dako ng ilaw.Para makasigurado ay pinuntahan ko ung taong nakahiga. Nang mejo malapit na ay naaninag ko na isa nga sya sa mga kasama namin. Napahinto na lang ako sa kinatatayuan ko at nagpasyang bumalik na lang sa duyan.Pero biglang gumalaw ang ulo nya, parang nagpupumiglas, at kasabay noon ay ang pag ungol nya. Binabangungot sya.Agad kong syang pinuntahan at ginising. Buti na lang at nagising sya.Sabi nya "Anong nangyari?""Mukhang binangungot ka pre" tugon ko. "Wala ka bang naaalala?"Napaisip sya at nagsabing "May napanaginipan ako eh, nandito ako sa isla tapos may kumausap sa aking babae! Maganda at mahaba ang buhok!""Oh anong nangyari?" Tanong ko sa kanya?"Ang naaalala ko lang ay inaya nya ako at umakyat kami jan sa taas, sa may ruins.. tapos... Tinutulak nya ako sa bangin!" Namumutla nyang kwento."Ahh kaya ka siguro binangungot. Buti nagising kita." Sabi ko sa kanya "Pero parang totoo pre. Parang totoong nangyari sa akin eh." Pagpilit nya sa akin."Teka bat ka ba jan natulog?" Tanong ko sa kanya."Malamig kasi eh saka sarap ng hangin." Ika nya."O sya, tara na at sa tent ka na matulog at kung balikan ka man nung babae, malapit lang kami." biro ko sa kanya. Sumama naman na sya umakyat.Pagakyat naminay nakita namin ung ilang kasama namin na nagaayos na ng tagay. Mukhang nagising na sila. So tumagay na rin muna kami. Makalipas ang ilang oras ay lights out na kami. Nagpasya na kaming matulog. Nakatulog naman sila ng mahimbing nung gabing yon. Bakit ko alam? Ang lalakas ng hilik nila, hindi ako pinatulog ng mabuti.Kinabukasan ay nakwento nung kasama namin ung napanaginipan nya. Biniro biro lang sya nung mga kasama namin na kesyo kakainom nya un kaya kung ano ano napapanaginipan nya, pero iba ang dating nito sa tagapangalaga ng isla."Halikayo, may ipapakita ko sa inyo." Sabi ng tagapangalaga.Lumakad siya patungo sa kabilang direksyon ng camp namin at sumunod kami. May pinakita ang tagapangalaga sa amin, isang maliit na monumento na may tala (bituin) sa itaas. May salamin ito at sa loob ng salamin ay may buto ng tao."Sir, baka po ung napanaginipan nyo ay si Maam Ana. Nung ginagawa po itong isla ay nakita po namin ung mga buto ni Maam Ana. Di rin nga namin alam kung Ana po talaga pangalan nya, yan lang tawag namin sa kanya." Sabi ng tagapangalaga."Ung ibang tagapangalaga sabi nila may nikikita silang babae na nakaputi sa dalampasigan pag madaling araw, naglalakad. Tapos minsan umaakyat ng burol." dugtong nya."Kuya baka joke joke lang yan kuya, wag kang ganyan!" Sabi nung kasama naming binangungot kagabi."Totoo po sir. At kaya dito n lng sya inilagak ay wala naman pong nakakakilala sa kanya nung natagpuan namin ang bangkay nya. Pinamisahan pa po namin yan." Sabi ng tagapangalaga.Para kaming mga basang sisiw sa kinatatayuan namin noon. Hindi makapaniwala na may ganong istorya pala sa isla.Napagdesisyunan na naming bumalik sa camp para masulit ang natitirang oras sa isla. Nang maalala ko si Manong na gumising sa akin kagabi, tinanong ko ung kasama naming tagapangalaga. "Boss anong pangalan nung tagapangalaga na balbas sarado?"Nagtaka ung tagapangalaga sa tanong ko. "Balbas sarado?""Opo, sya kasi nakakita ko jan sa kasama namin na nasa dalampasigan kagabi. Gusto ko sana magpasalamat sa kanya." Tugon ko sa kanya. Pero napakamot ng ulo ang tagapangalaga."Sir, 3 lang po kami nandito sa isla. Ako po, and ung dalawa po ay mga babae po kaya wala pong ibang tao na nandito bukod sa grupo nyo at kami." Paliwanag nya sa akin."Ha? Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya."Opo. Saka sa mga tagapangalaga dito sa isla ay wala rin pong balbas sarado. " Paliwanag nya.Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya na walang balbas saradong lalake sa isla nung mga panahong yon."Sir baka dahil nakainom lang kayo kaya kung ano ano nakita at naiisip nyo." Sabi nya sa akin."Tara balik na po tayo." Pagyaya nya sa akin.Dumating ang oras na kinailangan na naming umalis ng isla. Binago nito ang pananaw ko sa lugar na to, not in a bad way, pero mas enchanting na ang pananaw ko sa islang to.For sure babalik pa rin ako dito pag may pagkakataon, at baka mag alay rin ako ng dasal at kandila sa monumento ni Ana, o kung ano man ang pangalan nya.

-Avis

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now