Cirque de Merveilles (Parts 1 & 2)
Part 1
Been a silent reader and I really enjoyed reading the stories. I hope my story will be posted. Kasi marami pa talaga akong e she-share.
This happened last 2015, 4th year High School ako nun. Tawagin niyo nalang ako na si Maze. Di talaga ako matatakotin. Maliit pa lang ako ang nakakakita na ako ng mga multo or mga kakaibang mga nilalang sa bahay namin. Sabi ng albularyo doon samin, ang bahay daw namin ay parang portal ng mga souls na naliligaw. Kaya wala akong friends or mga kalaro ng maliit pa lang ako kasi daw nakatira ako sa haunted house. Which is true pero mababait naman ang nandun sa bahay.
So bakit ganun ang title ng story ko? Yan kasi ang theme ng camp sa school namin. Active ako sa mga school activities it's because kaming magbabarkada ay running for honor students at nasa section 1 kami . One of my friend is the president ng Science club at yun ang nga ang theme ng camp. Tawagin nalang natin na si Jane.
Jane: guys kukunin ko kayong facilitators para masaya at last nalang naman to na camp na magkakasama tayo kasi ga-graduate na tayo soon.
So 'yun na nga start na ng camp namin. Private school kami at sa labas ng campus ay skwaters area. Sa mga naririnig ko na mga sabi sabi, ang school daw namin ay maraming ghosts, may nagpakamatay at ni-rape. Sa lima sa aming magkakaibigan. Ako, si Kylie at Keith ay mayroong 3rd eye.
Mga almost 10:30 pm na nun at mag la-lights off na para sa mga campers. Kami naman na mga faci's ay maliligo pa lang at mag pe-prepare ng mga activities next day.
Ako: Tayo nalang maunang maligo.
Keith: Sige, ikaw Kylie at Jane?
Kylie: Sige sama ako.
Jane: Dito nalang muna ako kasi meron pa akong gagawin.
Ako: Sasamahan ka nalang namin mamaya kung maliligo ka na.
Nasa CR na kami sa 1st floor kami naligo kasi sa 2nd floor kasi ang creepy at walang tubig. So ayon na nga. Nasa 1st cubicle ako sa right side ng CR. Sa 2nd si Kylie at 3rd naman ay si Keith. Nagkakantahan kami ng biglang parang may pumasok sa cubicle sa right. Balewala kasi akala ko participant lang. Nag flush din. Pero parang walang lumabas.
Kylie: Guys bilisan na natin inaantok na ako.
Keith: Ayaw mo lang talagang maligo kasi giniginaw ka.
Nagtawanan kami ng biglang may tumawa din. Ang creepy ng voice at parang ng e-echo sa loob ng cr. Syempre ayon na binilisan ko na. Bumihis na ako. Pagtingin ko sa timba mag reflection akong nakita sa itaas ng cubicle ko. Napasabi nalang talaga ako ng. "Jesus cover us with your precious blood"
Kylie: Maze bakit ka nag pe-pray jan katakot na talaga. Alis na tayo!
Lumabas na ako ng cubicle at sila din. Ng palabas kami biglang sumarado lahat ng pinto kahit di naman talaga mahangin. Pucha! Mga repapips dun lng talaga ako natakot kasi pagtingin namin sa mirror sa may dulo ng CR may nakatayo sa likod naman na babae na naka puti at lumulutang. Naghawakan na kami ng kamay at sabay naming binigkas ang Psalm 23. Pagkatapos pagtingin namin wala na siya. Tumakbo kami palabas at buti nalang nakasalubong namin ang guard. Tinanong kami ni Kuya Rico kung napano daw kami. Sabi namin wala pero halata sa mukha niya na alam niya ang nangyayari.
Dito nalang muna mga repapips kasi ang haba na. Kung sakaling ma post to ay marami pa akong e-shashare sa nangyari sa camp na yun. Di lang pala yun ang time na may kababalaghan na mangyayari. Thank you spookify! 👻Part 2
Thank you admin at na post yung story ko. Habang nag ta-type ako kagabe kinikilabotan ako. Tandang-tanda ko ang mukha ng babae dun sa cr. Di naman siya talaga nakakatakot dahil sa story na to nagpakita siya ulit sa amin at parang nanghihingi ng tulong.
After nung magkasalubong namin si Kuya Rico ay umakyat na kami sa 2nd floor kung saan ang quarters namin na mga faci's. Hingal na hingal kami parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.
Kylie: Sabi ko sa inyo bilisan na natin eh.
Ako: Eh ano ba talaga ang naramdaman or nakita mo bakit gusto mo nang umalis sa cr.
Kylie: Kasi nga nung parang may nag CR dun sa dulo sa katabi na cubicle ni Keith gininaw ako.
Ako: Ayaw mo lang naman kasing maligo eh!
Kylie: Hindi parang ang lakas ng hangin.
Si Keith ang tahimik at parang nanginginig.
Ako: Keith may nakita ka ba?
Keith: Kasi Maze, nung nag flush yung cubicle sa gilid ko. Tiningnan ko kung sino ang tao dun. Pero wala naman. Nang nagbihis ako. Pagtingin ko sa timba may reflection akong nakita. Ang creepy ng mukha niya. Naka smile siya na parang may itim na likido na lumalabas. Alam ko na nakita mo kasi napasabi ka ng prayer.
Ako: Hindi na ako tumingin ulit at binilisan ko nlang bumihis.
Wala kaming pinagsabihan kasi matatakotin ang mga kasama naming mga faci. Kahit kay Jane kasi gusto namin na successful yung camp.
Day 2 ng Camp.
After ng mga activities, nagdinner na ang lahat around 6:30 pm sa cafeteria namin. Sa labas ng cafeteria ay may upuan din sa ilalim ng mangga. Dun kami kumain na 4. Nagtawanan ng mga nangyari ng mga activities ng araw na yun.
Jane: Samahan mo muna ako sa quarters Maze. Naiwan ko ata phone ko dun.
Nasa unang baitang pa lang kami ng hagdan papuntang quarters namin ng may narininig kami na may umiiyak sa CR sa 1st floor. (Malapit kasi guys yung hagdan sa cr sa 1st floor)
Jane: tingnan natin baka camper natin yun.
Nawala sa isip ko ang nangyari samin nung naligo kami at sinamahah ko siya. Nasa dulo ng cubicle sa right side nanggagaling ang iyak. Goosebumps mga repapips. Dire-diretso ang lakad ni Jane papunta dun at kinatok at tinanong kung napano ba siya. Pero tumigil ang iyak. Kinatok ko nalang din kasi na curious ako. Wala pa ring sumasagot at dun binuksan namin. Walang tao. Nagkatinginan kami. Tumakbo kami palabas at umakyat sa hagdan. Sa itaas may nakatayo di namin maaninag ang mukha kasi madilim na at nakapatay pa ang ilaw sa taas. Pababa siya at sigurado akong siya ang sa CR na nakita namin kagabe. Nakalutang siya habang papunta samin. Di na kami nakagalaw ni Jane. Hinawakan niya ang kamay ko. Nilakasan ko nalang ang loob ko.
Ako: Ano po ang kailangan nila?
Humagulhol lang ito at may sinasabi pero ang naiintindihan ko lang ay "Tulongan mo ako! Di ako makaalis dito"
Jane: Bakit po di ka makaalis dito!
Umiba ang mukha nito parang sa mga horror movies.
"HINDI AKO MAKAALIS DAHIL SA GALIT SA TAONG PUMATAY SAKIN DITO"
Lumakas ang ihip ng hangin at nawala ito.Jane: Walang dapat na may makakaalam nito.
Ako: Sa totoo talaga Jane. Nakita din namin siya nung naligo kami. Hindi na muna namin sinabi sa'yo kasi baka matakot ka at gusto namin mag enjoy tayong lahat sa camp.Kinuha na namin ang phone ni Jane at sa kabilang stairs kami bumaba kahit malayo sa cafeteria. Sinabi na din namin kay Kylie at Keith. At nagplano kami kung paano namin ulit makausap yung babae.
Dito nalang muna ulit mga repapips. May duty pa kasi ako. Ang next na part neto kung ma post ulit ay about sa kung ano ang nangyare sa babae at paano namin nalaman. Thank you ulit mga ka Spookify!
-Maze, RN
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...