Bumyahe kami nila mama at ng bunso kong kapatid tungong Angeles, Pampanga. Namatay kase ang nakatatandang kapatid ni mama na doon nakatira. Itago nalang natin sa pangalang Carl. Sa chapel nakaburol si tito, nasa 10 minutes rin ang layo kung lalakarin ang chapel mula sa bahay nila tita Martha na aming tutuluyan.Sa mga unang gabi namin ay sa chapel mismo kami natulog dahil wala halos nakikipaglamay. Tiningnan nilang lahat ang mukha nung patay maliban sa akin na takot sa ganoon. Tumanggi akong sumilip sa kabaong dahil baka mapaginipan ko ang mukha nito, mahirap na be.Normal naman ang mga nangyare, wala akong naramdamang kakaiba noon. Hanggang sa dumating ang ikatlong araw namin doon at ang huling gabi ng burol. Maraming tao ang nakilamay kaya minabuti ni mama na sa bahay na muna kami nila tita at wag ng sumama sa chapel, hindi nya raw kami maaasikaso ng kapatid kong 10 years old palang that time. Bantayan ko nalamang daw si Yohan. Kahit ayaw kong maiwan sa bahay nila tita dahil natatakot ako, wala rin akong nagawa kundi sumunod. Nag-volunteer naman si tito Greg (bunsong kapatid ni mama)na babantayan nya kami kaya medyo nakampante ako kahit konte. Dumiretso na kami ni bunso sa kwarto matapos kumain, si tito Greg naman ay nagbukas ng tv sa sala na katapat lamang din ng kwarto. Hindi daw sya matutulog dahil babantayan nya daw kami. 10:30 pm tanda ko pa ng mga oras na yun, bigla akong nakaramdam na lumamig sa loob ng kwarto kahit hindi naman kami naka-aircon. Kakaibang lamig, nanuot sa aking katawan. I heard a voice na para syang nagha-humm, walang lyrics pero may tono na parang lullaby. "Hmm...hmm hmm" boses iyun ng isang lalaki. Be naiiyak na'ko that time kase yung boses palapit ng palapit sa tenga ko na parang nabulong. Pasigaw kong sinaway si tito Greg, tinanong ko kung sya ba yung nagha-humming, pero umaasa talaga akong sa kanya nagmumula ang boses dahil tatlo lang naman kami sa bahay. "Tito Greg?" Tawag ko sakanya pero wala akong nakuhang sagot. Mahimbing na ang tulog ni Yohan sa tabi ko, nagtakip nalang ako ng unan sa tenga pero naririnig ko parin yung boses. I prayed habang mariing nakapikit ang aking mga mata, hanggang diko na namalayang nakatulog na ako. Nanaginip ako that night, naglalakad ako sa kalyeng walang mga tao at wala ring sasakyang nadaan. Nakarating ako sa chapel kung saan nakaburol si tito Carl, pumuwesto ako sa may pintuan. Nakatayo lang ako dun at pinagmasdan ko ang loob. Maraming tao ang nakikipaglamay, walang ano-ano'y biglang nagpulasan ang mga tao. Nagsigawan sila at ang ilan ay nagtakbuhan sa takot. Nagtaka ako kung bakit biglaan silang nagkaganun, hanggang mapako ang tingin ko sa nakaburol. Nakabukas ang kabaong at ang mga ilaw na nakapalibot dito'y walang pakundangang nagpatay-sindi. Bigla nalamang bumangon ang bangkay at dilat na dilat ang mga mata nito. Kahit bahagyang nakatagilid ang ulo nya sa akin ay kita ko ang kanyang itsura. Tumaas-baba ang kanyang balikat na parang naghahabol ng hininga. Kinilabutan ako at hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan. Tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig at namantsahan ang kanyang puting barong. Patuloy ang paggalaw ng kanyang balikat hanggang sa lumikha sya ng nakakapanindig balahibong hagikhik, habang patuloy na dumudugo ang kanyang bibig. Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na nangyare, dahan-dahang pumihit ang kanyang ulo sa direksyon ko. Nakangiti sya, ngiting malapad pero hindi nakalabas ang ngipin. Nakangiti man ngunit ang kanyang mga mata'y waring galit. Animo'y sinasakal na halos luluwa na sa sobrang pandidilat ang mga mata nito. Ganun ang reaksyon ng mga mata nya, nanlilisik. Naramdaman kong parang may tumutulak sakin sa likuran. Itinukod ko ang aking mga paa pero dumaus-dus ako sa madulas na sahig papalapit kay tito Carl. Napapikit ako sa sobrang takot at nagtitili, na parang hihimatayin na sa takot. Naramdaman kong may nayugyog sa balikat ko. Habol-hininga akong lumanghap ng hangin nang magising ako, feeling ko kakapusin na'ko nun. Pawis na pawis at nanginginig ang buo kong katawan. Nakapalibot sa akin ang maraming tao, puno ng pagtataka ang kanilang mukha lalo na si mama na umiiyak na. "Kira!" niyakap ako ni mama."Mama! Si tito Carl..." parang bata kong sumbong (potek kinikilabutan nanaman ako ngayon)"Bakit anong meron kay Carl? Ano ba nangyayare sayo nak? Bakit kaba kase lumabas Kira? Bat mo iniwan si Yohan? Diba sabi ko wag na kayong pumunta dito, bakit hindi mo'ko sinunod?" galit pero may halong pag-aalalang mga tanong ni mama. Naging malalim ang bawat paghinga ko, pakiramdam ko'y nagpapalpitate nanaman ako(kaka-kape narin siguro HAHA). Hindi ako makasagot, iniabot ni tita Martha kay mama ang cellphone dahil tinawagan pala nito si tito Greg. "Hello? Greg! Diba sabi mo babantayan mo ang mga bata? Bakit hinayaan mong makapunta mag-isa dito ang pamangkin mo? Ano bang nangyare?!" Sumbat ni mama kay tito sa kabilang linya."Ate pasensya na nakatulog kase ako, papunta na kami dyan ni Yohan. Gigisingin ko sya" dinig kong sagot ni tito dahil naka-loud speaker ang cellphone. Takang-taka ako sa mga nagyayare. Shemay panong nagkaganon? Nanaginip ba ako o ano? Tinignan ako ni mama na parang awang-awa na takot na takot. "Pero ma, h-hindi naman ako lumabas ma. Natulog na-nako kanina katabi ni Yohan" paglilinaw ko kay mama kahit nangangatal ang boses ko. "Paano ka nakarating dito?"mabilis na tanong ni mama. Inilibot ko ang aking paningin, nasa loob ako ng chapel."Paano ako napunta dito?" tanong ko sa aking sarili.Ikinwento ni mama sakin ang nangyare dahil clueless talaga ako nun, nagulat daw sila nang makita ako sa pinto ng chapel. Tulala at nakatitig lang sa kabaong. Nilapitan ako nila mama at tinanong kung bakit ako lumabas nang ganong oras–alas dos ng madaling araw. Wala pa akong suot na tsinelas at hindi rin kumikibo nang tanungin. Nang bigla nalang daw akong nag-hysterical at nagsisigaw, habang hindi umaalis ang tingin sa kabaong ni tito. Ikinwento ko rin sakanila ang nangyare sakin sa panaginip, ang mga nakita ko pati ang boses na narinig kong kumakanta. 'Diko alam pero nag-sign of the cross si mama nun at napa-"susmaryusep". Dapat daw kase silipin ko ang mukha ni tito Carl sa kabaong, ganun daw dapat kapag may ka-anak kang namatay. Pero nanindigan akong ayoko sumilip be! baka susunod na mangyare saki'y bangungot na. Hindi ko talaga kaya kahit kaladkarin pa nila 'ko. Hindi na ako natulog nun at naupo nalang sa sulok. Binantayan din ako nila mama at nila tito Greg. Nainis pa ako sa mga titig nila sa akin na animoy hindi ako dapat mawala sa paningin nila. Hanggang mag-umaga ay wala parin akong kibo. Hindi narin ako nakipaglibing dala ng takot, nagpaiwan kami ni Yohan sa bahay ng isa pa naming tiyahin kasama ang ilang mga batang pinsan namin. —"Dreams fade away after you wake up" sabi ni obaachan (Hitoha Miyamizu of kimi no nawa). "Minsan" nalilimutan natin ang halos 90% na laman ng panaginip after 5 minutes tayong magising, ayon narin ito sa psychology. Kaya ngayo'y napapaisip ako, kung panaginip lang ba talaga ang mga panaginip na patuloy nating naaalala matapos ang mahabang panahon. What if nangyare talaga yun ng di natin namalayan or worst is mangyayare palang.Kung paano ako napunta sa chapel at 2 a.m. is now a mystery to me. I know it wasn't just a dream coz it seems reality to me. And now it chills me to the bone, how do I get you alone?Charot :<
Higurashi, Kira
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...