Molen (Parts 1-4)

218 13 3
                                    

Molen (Parts 1-4)

PART 1

Ibabahagi ko lang sa inyo itong kakila-kilabot na naranasan ko.

Sinamahan ko nun ang Mama ko para magbakasyon sa kaibigan niya sa Lopez Jaena Norzagaray Bulacan. Limang araw kaming naglagi doon. Nung una masaya ako dahil tahimik at maaliwalas ang hangin. Di tulad sa maynila na maingay at palaging amoy usok.

Unang araw ko sa lugar na yun ay naglakad-lakad ako. Maraming puno sa lugar na yun at sobra talagang tahimik. Palakad-lakad lang ako nun hanggang sa mapadpad ako sa ilog na pagkalinis-linis. Naupo ako saglit sa gilid ng ilog. Tahimik akong nambabato ng bato sa ilog. Hanggang sa isang lalaki ang biglang sumulpot sa likod ko.

"Taga dito ka? Mukhang dayo ka ah?" Tanong niya. Gwapo siya at mukha namang mabait.

"Oo, dayo nga ako. Sinamahan ko lang ang mama ko sa kaibigan niya dito." Sagot ko.

"Mag-iingat ka sa ilog na yan. Mapanganib diyan." Aniya na biglang kinagulat ko.

"B-bakit? Muka namang safe dito ah. Uhm, Ako nga pala si Lia. " nakuha ko pang makipagkilala nun sa kanya.

"Ako naman si Molen." Sagot niya.

Marami kaming napag usapan nung araw na yun. Sinamahan pa nga niya ako sa paglalakad sa kung saan-saan at sinabi din niya sa akin kung saan ang bahay niya. Doon na kami naghiwalay dahil tutulungan pa daw niya ang mama niya sa paglilinis ng bahay. Tinignan ko pa siyang pumasok sa bahay nila bago ako tuluyang umalis.

Masaya ako dahil ang saya kausap at kakwentuhan ni Molen.

Kaya naman kinabukasan ay agad agad akong tumungo sa bahay nila para ayain ulit siyang maglalakad sa lugar nila. Pagtapat ko sa bahay nila ay agad ko ng sinigaw ang pangalan niya.

"MOLEN?!"

Nakatatlong sigaw ako nun hanggang sa isang ale ang biglang lumabas sa pintuan.

Gulat na gulat siya habang nakatingin sa akin.

"Bakit mo hinahanap ang anak ko?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti ako bago sumagot. "Aayain ko lang po sana siyang maglakad lakad. Dayo nga po pala ako at kakakilala ko lang po sa kanya kahapon." Saad ko na siyang kinagulat niya ng husto.

"Imposible yang sinasabi mo. Matagal ng patay ang anak ko. Matagal ng patay si Molen."

Doon halos magtaasan ang balahibo ko. Ang lalaki palang nakasama at nakausap ko kahapon ay patay na. Napag alaman ko na sa ilog siya namatay. Sa ilog kung saan siyang una naming pagkikita. Nalunod pala siya at kahapon pala ang third death anniversary niya.

PART 2

Hello, I'm here again. Dahil madaming nalungkot or natakot sa kababalaghang nangyari sa akin sa lugar na yun sa Norzagaray Bulacan, tiyak na dito ay lalo kayong magugulat.

Simula ang kakila-kilabot na nangyari sa akin sa norzagaray ay hindi na ako natigil sa pag-iisip sa kanya. Patuloy pa rin sumasagi sa isip ko ang imahe ni Molen na masaya, palangiti at hindi mo aakalaing patay na. Oo, akala ko tapos na. Pero hindi pa pala. At sa tingin ko ay nag-uumpisa pa lang siya.

Nakabalik na kami ni Mama sa bahay namin nung araw na yun. Hindi ko sinabi kay Mama ang mga naranasan kong yun. Tiyak na hindi din naman siya maniniwala. Ayoko kasing ipaalam kay Mama na unti-unti ay tila ba nagbubukas na ang aking ikatlong mata. Natatakot ako. Kinakabahan ako. Ito siguro ang dahilan kung bakit nakita ko siya. Naalala ko noong buhay pa si Lola. Naikuwento na rin niya sa aming mga apo niya na may mga ganung kaming katangian. Ang may kakayahang makakita ng kaluluwa. Malas ko lang dahil sa akin pa ata naipasa ni lola yun.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now