Part 1
Hi Spookify, I'm a silent reader po ng page nyo. First time kong magshare ng kwento. Pasensya na po agad sa mga makakabasa nito. Di po ako magaling mag story telling.
****Nangyari to year 2011 nung panahong palagi palang kaming magkausap sa text ng boyfriend ko na asawa ko na ngayon. Nauwi kasi ako sa probinsya ng mga tito ko pansamantala nag trabaho pero di naman nagtagal ng ilang bwan umuwi din ako sa mga magulang ko.Ayun na nga "Habang ako naunang matapos kumaen lumabas na muna ako sa terrace para dun magpahinga, habang hinihintay ko yung tito at mga pinsan ko na matapos dahil ako ang naka assign na maghugas ng mga pinggan"."Habang naka upo ako sa terrace may kapitbahay kaming may sirang tricycle sa labas ng bahay nila, kitang kita dahil halos yung bakod na naka pagitan sa bahay ng mga tito ko at bahay ng kapitbahay namin e hanggang hita ko lang yung taas"."Don sa loob ng tricycle nakita kong may asong puti nakahiga na nakatalikod buhat sa natatanaw ko sa kinauupuan ko, alam kong aso yun kasi may buntot at nakatali pa kasi nakita kong gumagalaw yung kadena nya, pinagmamasdan ko lang hanggang sa tumayo yung aso at lumabas sa loob, nagulat ako kasi walang ulo!, tapos lumabas ako ng gate kasi sinundan ko ng tingin, sinigurado ko kung aso ba talaga 'yon, pero pag kita ko nakabestidang puti na walang ulo!, tapos gumagapang na sya papalayo!", Sa sobrang kaba ko nagdumali akong pumasok sa bahay at saktong tapos na din sila kumaen."Kinewento ko ngayon dun sa kasambahay ng mga tito ko pagbalik nya sa bahay nung lunes, sabi nya matagal na daw patay yung aso don at tinawanan lang ako baka daw namalikmata lang ako", (syempre sa mga hindi pa nakakita at nakaramdam ng mga nakakatakot na bagay, pagtatawanan ka lang), pero hindi ko alam na dito pala mag uumpisa ang lahat."Pag pasok ko sa trabaho sa CR ako palaging dumederecho tinatawagan ko si paul sa phone pinapaalam ko lang na nasa trabaho na ako kasi kung dun ako sa gate ng pinapasukan ko at makikitang may kausap baka masita naman ako ng mga boss namin".Tapos nung lunch break na namin habang papunta ako don sa may kusina, kasi yung pinapasukan ko, date syang bahay ginawa lang na parang office. "Habang kumukuha ako ng tubig dun sa galon, biglang nahagip ng mata ko yung babaeng nakita ko nung gabi papunta sya don sa CR!", don nako kinabahan! nagtataka ako bakit dun papunta yun?!, Sa pinapasukan kopa!, pero pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko at nagdasal nalang para mawala sa isip ko yung nakita ko.Bago mag uwian.."Sinabi ko don sa mga katrabaho ko yung nakita ko, dahil kahit sila din pala ilang beses na yun nararamdaman na may ganun pala dun, pero pinag kaiba lang hindi daw nagpapakita sa kanila yung babaeng nakita ko, dahil siguro bagong salta ako don kaya ako yung napag tripan, tapos dun na din sila nag open sakin na kaya daw nag resign yung isa nilang kasamahan dahil din daw sa babaeng nakita ko, pero sila hindi nila mismo nakita kung ano itsura, sinabi ko kung ano nakita ko at tama daw kasi pareho kami ng sinabi nung date nilang kasamahan, sa kanila daw parang dumadaan lang daw na malamig na hangin". (Pasensya na po, hindi ko ma explain ng maayos).At habang papalapit na yung event na gaganapin sa pinapasukan ko.Kinabukasan.."Habang nag p-prepare kami ng mga ilalagay na decorations mga pasado ala sais na biglang namatay yung ilaw!","May nakita daw yung kasamahan namin sa kusina na nakaputi na walang ulo sa taas ng kisame!","Syempre nagtakbuhan na kami papalabas ng gate!"."Sabi nung kasamahan namin dahil daw baka napag usapan yung babae na yun kaya pati sa kanya nagpakita!","Yung isa naming kasamahan sya yung lageng inuutusan bumili ng mga kung ano anong supplies na kailangan sa office, sya yung nagbabantay dun sa opisina since katiwala sya nung may ari ng opisina kaya minsan dun sya natutulog dahil may aircon, pero dun nya din nabanggit samin na ilang beses na daw sya nakakadinig ng may babaeng umiiyak don at mga batang nagtatakbuhan, pero hindi nya pinapansin kasi di naman sya naniniwala sa multo dahil nga bahay yun date kaya iniisip nya na baka sa kapitbahay lang daw yung mga ingay na naririnig nya"."Kaya ngayon hindi na din sya natutulog sa loob ng opisina"."Walang may gustong bumalik dun sa loob dahil sa nangyare, pero kailangan kasing isara yung pinto, walang choice yung isang kasamahan namin kaya sya nalang yung pinagkaisahan na maglock ng pinto, habang pabalik sya don nagtatawanan nalang kami habang tinatanaw sya dun na di mailock yung pinto dahil kahit sya takot na takot din".Kinabukasan nalang namin tinuloy yung mga ginagawa namin since gabi na."Hindi na'ko nakakatulog ng maayos dahil sa mga nasesense kong kung ano ano, nagdadasal nalang ako na sana tumigil o matigil na kung ano man yun".Hanggang sa mag resign ako dun at makauwi dito sa mga magulang ko."Akala ko pag uwi ko, wala na yon", Mali pala ako ng akala kasi sumama pala sya sakin...
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...