Random (Parts 1 & 2)
Part 1
Sobrang hilig ko talaga sa mga paranormal activities. And was once a member dun sa page na puro gore yung mga clip. Avid reader din ako sa mga creepypasta at dito din sa spookify. Pero maniwala man kayo o sa hindi, hinding-hinding ako naniniwala sa mga unseen creation, sa mga multo-multo kasi mas natatakot ako sa anong pwedeng gawin ng tao.
Until that day happened. Sa pangyayaring nagpanginig ng mga tuhod ko. Sa nagpatigil ng saglit kong paghinga. Sa parang nag-uunahang kabog ng puso ko.
Nangyari to nung high school pa ako. Bale kami yung last batch at kasunod na namin yung K-12. 4th year ako nun, last teacher's day event na mangyayari sa high school life ko and never kong in-expect na sa mismong araw pa nun mangyayari.
Teacher's Day:
Yung subject teacher namin sa Social Science yung nagpa-competition sa buong 4th year section. Nasa around 12 sections kami hindi pa kasali doon yung grade 7 to 9. Kung saan magpapagandahan kami ng idea para sa pag-surprise ng mga advisers namin at para din sa ibang teacher's ng school. Dahil ako din yung president sa room, ako na din yung napili bilang leader.
Hapon noon, kinabukasan teacher's day na. Sobrang busy naming lahat pati na din yung ibang section. Free time na namin para maghanda. Napangiti ako habang nakikita yung mga kaklase ko na kahit gaano sila kasiraulo at nagpa-walk out sa adviser namin ganun din sila kasidido na bumawi.
Sa dami naming ginagawa di na namin namamalayan na dumidilim na. Yung ibang section na ka-competition namin nagsiuwian na din at yung ibang kaklase namin nagdesisyon na ding umuwi baka daw maiwanan sila ng last trip na masasakyan nila. At yung iba na malalakad lang papuntang bahay nila galing school ay nagpaiwan na lang din. Kasama na ako sa nagpaiwan.
Around 6pm na nun nung napansin namin na di lang kami yung natira na nasa school. Yung first section ay nag-aayos pa pala. Mga lima nalang yata sila dun pero sobrang ingay pa din nila. Kami, mga walo nalang din. Tatlong lalaki, Limang babae.
Habang nag tutulungan kami sa pag-aayos biglang kumatok yung guard sa may nakabukas na pinto. "Oh , bilisan nyo na diyan. Huwag na kayong magpaabot pa ng alas otso. Kayo nalang ang natira" sabi ni guard bago umalis.
Nagtaka kami lahat, kaya sabay-sabay kaming nag-check sa mga relo at cellphone namin, 7:35pm na. "Luh! parang 5mins lang tayo nag-ayos ah" Pagtataka ko. "Guys, parang tayo nalang talaga ang natira" Isa kong kaklaseng lalaki. "Tatapusin pa ba natin ito?" tanong ng kaklase kong babae. "Tatapusin nalang, kaunti nalang din naman ito at matatapos na" pagsagot ko. Kaya nagpatuloy kami sa pag-aayos. Maya-maya nakaramdam ako ng pagkaihi. Kaya nagpaalam muna akong magsi-cr saglit. Umoo lang din naman sila, siguro naka-focus talaga sa kanya-kanya nilang ginagawa para matapos kaagad.
Habang naglalakad ako papuntang cr. May nadaanan akong isang room na parang may anino na kulay puti. Pero nawala din bigla. Iniisip ko nalang baka repleksyon lang yun ng ilaw sa may labas.
Sobrang dilim sa may hallway na nadaanan ko papuntang exit ng building. Tanging liwanag lang ng buwan yung nagbibigay liwanag. Sobrang layo pa kasi ng CR sa may entrance kaya mas pinili kong duon nalang mag-cr sa may exit. Bahala na.
Natuwa naman ako na yung isang room sa may dulo ay nakabukas pa yung ilaw at maingay. "Akala ko kami nalang ang natira nung taga first section. Nag-aayos pa din pala sila." Sabi ko sa sarili ko.
Dumiretso na ako sa paglalakad sa may exit at dun tanaw ko na yung cr. Nagtatakbo ako nun nang bigla akong nakarinig ng batang babae na umiiyak. Hinanap ko kung saan galing yung hikbi. At nadatnan kong nasa harap na pala ako sa may pinto ng cr. Dahan-dahan ko itong binuksan. Pero alam ko sa sarili ko na may mali talaga. Pero hinayaan ko na lang. Mas nanaig yung kuryusidad kong malaman kung pano at bakit?
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...