Angkan ng mga Aswang (Parts 1 & 2)

74 5 0
                                    



Part 1


All magic comes with a price.Hi guys, ako po ulit ito ang kapitan ng ika-sampung pangkat HitsugayaToshiro. Ibabahagi ko lamang po sa inyo ang kwento ng Lola ko tungkol sa isa sa mga karanasan nila ni Lolo noon, wag pong madumi ang isip hindi po yung karanasan na ano.Tinawagan ko noon si Yeri para makipagkita sa kanya, oo nga pala guys during this time is girlfriend ko na siya hehe.(Sa mga naguluhan pala guys, galing po ng ibang school si Yeri, ibig sabihin nag transfer po siya sa school namin, same kay Joy dahil a year before ibang sec kase siya noon. Okay na?) So ayun tinawagan ko siya dahil naiinis ako, nag away nanaman kame ng erpat ko at sinabi ko sa kanya na sana hindi nalang kase ako yung nabuo, sana ibang anak nalang yung napunta sa kanila para hindi yung lagi kameng nag iilagan sa bahay, feeling ko kase pareho kameng may galit sa isa't isa. Sinabi ni Yeri na wag daw ako magsalita ng ganon tapos nag paalam na din siya para mag ready dahil mag kikita nga kame. Ff.Mag kasama na kame noon at tamang lakad lang kame sa maliit na bukid. (Yung subd. kase nila may mga undevelop area pa) Tinanong ko siya kung saan niya gustong pumunta and sabi naman niya kahit saan daw sasamahan niya ako, nagbiro pa ako non na pano kung sa kabilang buhay? Tinignan niya ako ng masama tapos hinampas sa balikat ko. Kakaulan lang non kaya ang sarap sa feeling ng hangin, pati na din yung amoy ng mga dahon (Alam niyo naman siguro amoy nun kapag kakaulan lang). Dahil doon ay naka ramdam ako ng nostalgia, naalala ko yung mga panahong sumasama ako kay Lolo kahit umuulan, pati yung pag tambay ko kasama si Lola at mga pinsan ko noon tuwing umuulan. Sinabi ko kay Yeri na doon nalang kame kila Lola pumunta para na din madalaw ko siya.Agad naman kameng sinalubong ni Lola nang marinig niya yung mga asong nag tatahulan. Tuwang tuwa pa non si Lola dahil ito yung first time na dinala ko si Yeri dito sa bahay na ito. Niyaya niya kameng umupo at mag kape tapos non kinwento ko sa kanya yung about samin ni Erpat. Nakikinig lang sakin si Lola dahil alam ko naman na mahirap para sa kanya yun dahil anak at apo niya kaming dalawa at hindi niya alam kung sinong kakampihan niya. Umulan muli noon bigla kaya hindi kame nakaalis agad ni Yeri, sinabihan niya kameng manood muna habang siya naman ay mag tatahi pero sinabi kong mag kwento nalang siya tungkol sa kanila ni Lolo. Ngumiti naman siya sakin at umupo sa makina (Yung makinang pangtahi) Tapos nag simula na siyang mag kwento. Napilitan daw sila noon ni Lolo na mag tago dahil may nabaril daw si Lolo na isang official, di ko naitanong if Pulis ba o sundalo. Hanggang sa napunta na nga sila sa isang lugar na hindi nila alan noong una na dinadaanan pala ito ng mga rebelde. Pero di naman daw nag tagal nag karoon ng mga kaibigan doon si Lolo, madami siyang naging kaibigan na mga rebelde at isa sa mga iyon nga ay binigyan siya ng isang 'gamit' o anting-anting/ agimat kung tawagin. At doon na nga siya nagsimulang maging antingero. Hanggang sa dumating ang panahon na bumalik sila sa probinsya nila Lolo at kasalukuyang ipinag bubuntis ni Lola ang Tatay ko. Hating gabi na daw noon at mag isa lang ang Lola ko nang makarinig siya ng mga kaluskos sa labas, akala niya daw nung una mga sundalo at hinatid lang si Lolo galing inuman (Ang sabi ni Lola during Martial law daw hinahatid pa si Lolo pauwi ng mga sundalo Kapag lasing, thuglife diba?) Pero nag taka daw si Lola dahil wala daw siyang boses na naririnig hanggang sa maka-amoy siya ng mabahong amoy, parang pinag halo-halong baktol, kanal, sunog na laman etc. daw yung amoy non. Nabanggit ko naman sa inyo sa part 2 ng 'House for sale' na may lahi silang mangkukulam kaya alam ni Lola ang amoy na yon at kung paano ito kokontrahin. Nawala naman yon agad matapos ni Lola na gawin yung mga pangontra, tapos ilang minuto din umuwi na si Lolo na lasing. Kinwento ni Lola yung pangyayare tapos nagalit daw si Lolo at may mga minumurang pangalan, bigla nalang daw tumayo noon si Lolo at kinuha yung itak niya tapos lumabas ng bahay. Hindi na daw nakatulog si Lola noon hanggang sa bumalik si Lolo na puro putik ang katawan. Tinanong siya ni Lola kung saan siya galing at anong ginawa niya at sinabi nga ni Lolo na pinatay niya daw yung aswang na umaswang kay Lola, bagay na hindi niya daw dapat ginawa sabi ni Lola. Dahil karamihan daw talaga sa probinsya ay hindi nag iisa ang mga aswang, madalas ay angkan ang mga iyon at mas malalakas ang lahi kumpara sa mga aswang natin ngayon. Sinabi lang daw sa kanya ni Lolo noon na subukan daw nila at uubusin sila ni Lolo, wala nalang daw nagawa noon si Lola dahil alam niyang gagawin talaga iyon ni Lolo, ang kaso lang alam niya ding hindi pumapayag ang mga aswang kapag may napapatay sa angkan nila. Noong mga sumunod na gabi daw ay palakas ng palakas ang paramdam ng mga aswang sa kanila, hindi na din muna nag inom si Lolo at tinawag na din niya yung iba pa niyang mga kapatid para bantayan si Lola.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now