NoSleep One-shot Story : Nag-iwan ng liham ang aking Matalik na Kaibigan.

275 12 1
                                    

NoSleep One-shot Story : Nag-iwan ng liham ang aking Matalik na Kaibigan. At doon nag-umpisa ang isang bangungot.

Napakaaga nang nakita ko ang sulat.

Nakapantulog pa ako habang naglalakad sa may sofa para kumuha ng cereal, nang makita ko ito. Isang dilaw na post-it na madumi na nakalagay sa basahan sa tapat ng pinto, nakakulong sa parihabang gintong sinag na nagmula sa araw na dumaloy sa bintana ang mukha neto.

Bago ko pa basahin ang sulat alam kong galing kay Toby ito, dahil sa sulat kamay netong magulo.

Jamie,

Pagkatapos mong basahin ito, pumunta ka kaagad sa lumang palagarian.

kaylangang kaylangan ito. **

Toby.

Binasa ko nang dalawang beses ang sulat, agad na inilagay sa bulsa at napakunot noo.
Matalik kong kaibigan si Toby dito sa village, halos nagkikita kami araw araw, mapa iswelahan o mapa sabado't linggo man, pero hindi sya ganitong maagang nagigising at kahit kaylan hindi sya nag iiwan ng sulat sa akin noon.

May mga okasyon na mas nauuna syang magising kaysa sa akin, nagigising ako sa ingay ng maliliit na bato galing sa pag kaka tapon nya mula sa garden namin papunta sa kwarto ko. Binubuksan ko ng bahagya ang kurtina at nandyan na sya: Isang kulot na binatilyo, na may malaking pag ngisi sa mukha na umaaninag sa akin sa napakaagang umaga.

Pero ngayon parang kakaiba ..... hindi ito ang dating Toby na nakilala ko.

Tumigil ako sandali, nakikinig. Napakatahimik ng bahay sa paligid. Sabado nga pala ngayon sa malamang tulog pa ang mama at papa ko sa taas ng kanilang kwarto. Ganyan din sana ako nakahiga padin, pero nagising akong pawisan sa hindi ko maalalang bangungot na napanaginipan ko, dahilan na hindi na ako makatulog pa.

So, ito ako ngayon, magulo ang buhok at magaspang pa ang mga mata na nakatitig sa sulat.

Nakakaramdam ako na may bumabagabag sa aking sikmura at hindi ako mapalagay.

*

Umalis ako matapos ang labinlimang minuto,

Hindi na ako kumain ng agahan. Sinubukan ko tawagan nang ilang ulit ang cellphone ni Toby, pero pumunta lang ito sa voicemail at nang hindi na ako makapaghintay. Kumuha agad ako ng damit at umalis sa bugad na pinto, sinasara ko ito ng tahimik sa likod ko.

Balewala sa mama at papa ko kung aalis ako ng bahay nang maaga, pero alam kong gugustuhin nilang malaman kung saan ako pupunta, at kung sasabihin ko pa kung ano 'ung na sa sulat mas tatagal pa. Kaya mas minabuti kong umalis na hindi nila nalalaman.

Nakabuka ng bahagya ang mata ko dahil sa init ng araw at taglamig noong nilalakad ko ang daan.
Gumagawa ng ingay ang aking mga paa sa mala grabang daan na tinatahak ko. Habang binubuksan ko ang bungad na pasukan, napapangiwi ako sa lumalangitngit na tunog neto.

Nang marating ko ang main road ng village, napatingin ako sa kanang bahagi kung saan doon ang direksyon ng bahay nila Toby. At napakunot noo ako.

Ang bahay nila Toby ay bahagyang nasa baba kumpara sa amin, sa kabilang daan may isang lumang brick cottage na kagaya nung sa amin. Normally kapag pumupunta ako sa kanila may dalawang kotse na naka park ang bubungad sa akin, isang Rover sa kanyang ama at isang Peugeout sa kanya naman ina, pero ngayon tatlo ang nakikita ko at ang pangatlong ay ang

Pampulis na kotse

"Ano ang nasa isip mo at napapabilang ka"

Isang boses na napa talon ako, umikot ako at nakita ang aming kapitbahay na si Mr. Willows, naka sandal sa kanilang bakod at nakatingin lamang sa akin. Medjo kakaiba sya ngayon, pero sa tingin ko okay lang s'ya. Isa s'yang matandang lalaking na nabubuhay nalang mag isa at nag lalagi sa kanyang garden, at naninigarilyo. At laging nakasuot ng terno.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now