La vie en Rose

66 2 0
                                    



Ako muli, ang inyong Inang Diwata. Hilig ko na talagang makinig ng mga old songs bago magsimula at matapos ang araw ko. Pampa goodvibes, nakakarelax kasi pakinggan ang mga makalumang kanta. Syempre unang-una na jan ang paborito kong kanta na La Vie en Rose na version nina Michael Bublé at Cécile Mclorin Salvant. Nangyari ito last year October 2020. Akala ko ay mas kakayanin kong i-manage ang oras ko since nag decide ang company namin ng work from home. Sa isip-isip ko, mas okay dahil mas matututukan ko ang anak ko. Kasama ko din sa bahay ang kapatid kong bunso dahil dito siya sa akin nagsstay hanggang sa magtapos siya ng pag-aaral. Buwan ang lumipas, narealize ko na hindi pala madali pagsabay-sabayin ang trabaho at pagiging mommy. Syempre kailangan magkaroon din ako ng oras para sa gawaing bahay. Wala dito ang asawa ko noon dahil kasalukuyang nasa barko. Nag decide akong maghanap ng pwedeng magbantay sa anak ko. Ang kapatid ko kasi ay abala sa online class niya, pero paminsan naman ay siya ang nag babantay sa anak ko, pero ang hinahanap ko kasi ay kasambahay na talaga, o di kaya ay baby sitter na tututukan talaga ang anak ko sa pag-aalaga. Nagtanong tanong ako sa mga kaibigan at relatives ko na baka may mairecommend sila. Mas gusto ko kasi yung galing sa kakilala. Hanggang sa nakatanggap ako ng chat sa messenger ko mula sa tiyahin kong si Tita Ning. Tita Ning: A*****, may nakuha ka na bang kasambahay? Ako: Wala pa, tita. Naghahanap pa po ako, bakit? Tita Ning: Baka pwedeng si Pia nalang, online class din kasi sila, eh wala kaming wifi dito napapagastos kami sa load niya. Problemado pa nga kami sa mga bayarin. (Mejo madaming rant yung tyahin ko pero di ko na ilalagay lahat)Ako: Pwede naman po, okay lang po ba sa kanya? Tita Ning: Oo, okay lang daw sa kanya. Mag usap nalang kayo. Si Pia ay pinsan ko na anak ni Tita Ning. Senior High siya kaya online class din sila, para na din makatulong sa kanila ay tinanggap ko na si Pia bilang kasama ko dito sa bahay, nagkasundo naman kami tungkol sa allowance niya. Wala din naman siyang magiging problema sa mga pangangailangan niya habang nandito siya sa akin. Ff. Andito na si Pia sa bahay, naidiscuss ko na sa kanya tungkol sa mga kailangan niyang gawin, sinabi ko din sa kanya na sa kwarto ng anak ko siya matutulog tuwing gabi dahil graveyard ang schedule ko sa work (10:00PM - 7:00AM) Kailangan may katabi ang anak ko sa pagtulog. Unang linggo ni Pia, ay natutuwa siya dahil naririnig niyang lagi akong nakikinig ng music. Mahilig at magaling din kasi siyang kumanta. Umaga na natatapos ang trabaho ko, nagkakape pa ako bago matulog habang pinapatugtog ko ang La Vie en Rose sa laptop. Katabi ko naman sa mesa si Pia at ang kapatid ko, sabay-sabay kaming nag-uumagahan.Pia: Favorite song mo 'yan te? Tuwing umaga ko nalang kasi naririnig sayo yan pagtapos mo sa trabaho eh. Ako: Oo, bago magsimula at matapos ang araw ko pinakikinggan ko talaga yan. Nakakarelax kasi, ang ganda, no? Pia: Oo nga te. Kaso di ako masyado mahilig sa ganyang genre. Maka-luma kasi eh. Kapatid ko: Ang gusto mo kasing mga kanta yung pang jejemon eh. Haha. *pang-aasar na sabi ng kapatid ko kay Pia* Ako: Kayo talaga ang dami niyong alam. Oh pano, Pia, mauna na ako sa inyo at magpapahinga lang ako, kukunin ko na din si baby sa taas, katukin mo nalang ako pagtapos ng online class mo mamaya at kunin mo sakin si baby para matuloy ko ang pahinga ko ha. Osha, akyat na ko. Hugasan niyo nalang ang pinagkainan at punasan ang lamesa ha. Pia: Sige po, te. Ff. Pangalawang linggo ni Pia, pagtapos ng trabaho ko, katulad ulit ng dati, kumakain ulit kami nila Pia at ng kapatid ko habang nakikinig ulit ng La Vie en Rose. Lagi ganito ang setup namin araw-araw dahil maaga silang gumising. Pia: Te, oo nga pala, akala ko kagabi maaga kang natapos sa trabaho mo. Ako: Hindi, ang dami ko pa ngang kailangan gawin eh kaya kani-kanina lang ako natapos. Bakit? Pia: E, kasi te, naalimpungatan ako kagabi habang natutulog ako sa kwarto ni baby, siguro mga alas dose na yun. Nakita kong karga mo si baby at hini-hele mo ng paborito mong kanta. Hindi nga kita namalayan na pumasok eh. Akala ko kaya hindi mo na ko ginising kasi kukunin mo na si baby para itabi sayo kaya natulog nalang ulit ako. Pero pag gising ko ngayong umaga, nasa crib naman si baby. Naalala ko lang sabihin sayo ngayon kasi pinatugtog mo ulit yan. Ako: Hindi ako pumasok sa kwarto ni baby kagabi, kasi kung iiyak man siya, maririnig ko naman sa baba. Ngayon lang din ako natapos sa trabaho ko. Tsaka hindi ko kinakantahan si baby ng paborito kong kanta, hindi naman na siya kailangan kargahin para makatulog. Bigyan mo lang siya ng dede at ihiga, ay kusa na siyang makakatulog.Pia: Hala! Hindi nga 'te? Seryoso ka? Baka tinatakot mo lang ako ha. Kasi parang ikaw talaga yung nakita ko kagabi. Kahit yung lamp lang ang bukas, kita ko naman. Ako: Nakita mo kung anong suot o itsura? Pia: Hindi ko na napansin yung suot te, tas di ko din nakita yung mukha kasi nakatalikod yung nakita ko. Nasa tabi pa nga siya ng crib ni baby e.Bakas sa akin ang pagtataka at sobrang pag aalala. Hindi ko alam kung bakit may nagpaparamdam dito sa bahay pero nung kami lang naman dalawa ng kapatid ko ay wala naman akong nafifieel na kakaiba. Biglang nagsalita din ang kapatid ko.Kapatid ko: Kung tutuusin te, dati pa din ako parang namamalik-mata dito eh. Katulad dati nung umalis kayo nila kuya (asawa ko) tas ako lang naiwan dito, may natanaw akong babae sa bintana, banda sa may garden. Akala ko talaga ikaw yun, eh pagtingin ko sa may pinto, wala pa naman yung sasakyan sa garahe tsaka di ka pa naman natawag sakin para ipabukas yung gate. Pero hinayaan ko na kasi biglang nawala yung babae. Kinilabutan nga ako ng konti nun e, kaya naglaro nalang ako ng ML at pumasok sa kwarto.Ako: Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yan? Kapatid ko: Kasi te hindi rin ako sigurado sa nakita ko, tsaka baka sabihin mo nananakot lang ako o kaya gawa-gawa ako ng kwento.Ff. Habang nagpapahinga ako sa kwarto, iniisip ko. "Ano ba 'to? Mauulit na naman ba yung kay Sheena? May humihingi na naman ba ng tulong?" Sinabi ko din sa asawa ko ang tungkol dito, ang sabi niya, impossible namang kapatid niya yun dahil matagal ng nanahimik ang kaluluwa ni Sheena. Sobrang pag aalala din niya dahil nasa malayo siya, baka daw masamang kaluluwa yun. Pero sabi ko wag siyang mag alala dahil aalamin ko kung ano siya at gagawin ko ang lahat para protektahan ang anak namin. This time, mejo nakakabahala kasi involve ang anak ko. Ff. Rest day ko, around 1pm, araw naman para sa gawaing bahay. Nasa kwarto ng anak ko si Pia at ang kapatid ko naman ay nag oonline class sa sala. Papaakyat na ako sa taas para kunin ang mga labahin sa kwarto ng anak ko at para magpalit na din ng mga bed sheet, ng marinig ko sa labas ng pinto na pinapatugtog ang paborito kong kanta. Binuksan ko agad ang pinto at nadatnan kong mahimbing at malalim ang tulog ng dalawa. Nawala din ang tugtog ng La Vie en Rose kaya nagtataka ako, alam kong hindi ako nagkakamali, alam kong sa kwarto ng anak ko nanggaling ang kantang narinig ko kanina lang bago ako pumasok. Sino kaya ang nagpapatugtog nun o sino kaya ang kumakanta?"Nakikiusap ako sayo, wag mong gagalawin o sasaktan ang anak ko. Kung ako ang kailangan mo sa akin ka magparamdam o magpakita, wag mo lang maidadamay ang anak ko." Saad ko ng malumanay habang nakatayo sa bandang crib ni baby. Nagising naman si Pia at tinanong ako kung sino ang kausap ko. Sinabi ko sa kanya ang narinig ko bago pumasok ng kwarto, kinilabutan naman siya at agad na lumapit sa akin. Tumawag din ako sa asawa ko agad-agad dahil yung feeling ko nun, parang hindi ako mapakali, ganun. Basta di ko maintindihan nararamdaman ko. Mabigat sa pakiramdam yung ambiance ng kwarto ng anak ko. Sinabihan ako ng asawa ko na mag insenso at ipa-bless ulit ang bahay dahil baka may naligaw na kaluluwa. Panatag din naman ang loob ko na hindi naman pamamahayan ng kaluluwa itong bahay namin dahil ipinagawa namin ang bahay na ito. Pero bakit kaya tila yata may bisita kami? Ff. Ginawa ko din agad ang iniutos ng asawa ko. Dalawang linggo matapos kong ipa-bless ang bahay, nag observe ako kung may magpaparamdam pa ba at tinanong ko rin si Pia at ang kapatid ko kung may nagpaparamdam o may nakikita pa ba silang kakaiba. So, far wala na din naman daw nagpaparamdam sa kanila, at gumaan na din ang pakiramdam ko sa kwarto ng anak ko. So it means, wala na siya? Sana nga. Bilang pag-iingat, hindi ko na hinahayaan mawala sa paningin ko ang anak ko. Kaya ang ginawa ko sa tuwing magtatrabaho ako sa sala, nilalagay ko din doon ang crib ng anak ko at sa sofa naman natutulog si Pia para kung sakaling magising ang anak ko ay anjan si siya para mag alaga. Hindi naman siya masyadong nakakatakot. Hindi ko nga lang din alam bakit ba lapitin ako ng mga ganito? Since high school kasi nakakaramdam na ako pero di pa ako nakakita ever. Hindi ko na sana isha-share 'to dito sa spookify kasi di naman nakakatakot e, pero naisip ko nalang din na ibahagi sa inyo.

Hindi ko na pinahaba dahil baka tamarin na kayong magbasa.


Thank you, spookify admins and readers!

Diwata x

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now