Heredity or Obsession? (Parts 1-3)

69 2 0
                                    


Part 1

Hindi ko alam pero ang lakas maka-attract sa akin ng taong matalino. Nalala ko tuloy yung isang taong minsan kong naging inspirasyon. Pero may nalaman ako tungkol sa buhay nya, na labis kong pinangilabutan at ipinangamba. Sya si Efraim(di nya tunay na pangalan).
Ahead sya sa akin ng 2years, but I find him attractive dahil matalino sya. Grade 7 ako nun nang una ko syang makilala, same school kami at 3rd year high school naman sya(hindi sya inabot ng K-12).Napakahusay nya makipag balitaktakan tuwing may school program at may debate. Sya ang panlaban sa mga oration, declamation, story telling, memorized speech at kung anu-ano pa. Feeling ko sobrang swerte ko nun nang malaman kong same village lang pala kami nakatira. Though never kami nag-usap, and I really don't know kung alam nya bang nag-eexist ang isang tulad ko, ay admirer nya parin ako. Inalam ko halos lahat ng kanyang achievements at mga hilig sa buhay. Pero isang bagay ang hindi ko nagawang malaman noong una, yun ay ang family background nya. Years passed, grade 9 na ako at sya nama'y 1st year college na, hindi ko alam pero sya parin talaga ang hinahangaan ko ng palihim. At dahil nga same kami ng place, madalas ko syang makita. Buo na ang araw ko noon basta masilayan ko lang ang taong yun. Bukod sa pag-aaral ay may isang bagay lang na pinagtutuunan ng pansin si Efraim, ang kanilang Relihiyon.Present sya palagi sa kanilang sambahan, at madalas ay kasama rin sya ng mga taong nagbabahay-bahay para mamigay ng babasahin.Until one day, hindi ko inexpect na makikita ko sya sa pinto ng aming bahay, umaga nun. He's wearing a very decent attire with a bright smile sa kanyang mukha. Lalo tuloy syang naging gwapo. Halos mamula ako nun sa hiya dahil hindi ko pa manlang nasusuklay ang buhok ko. [conversations are non-verbatim]"Hi. Magandang umaga" paunang bati nya sa akin na hindi ko naman natugunan dahil nanlalaki pa ang mga mata ko. Imagine, na kaharap mo ang taong iyong hinahangaan for 2 years, tapos ikaw hindi mo man lang alam kung may bangas kapa ba ng laway sa pisngi na napanis, lol. Hindi ako nagpopromote ng kalandian(HAHA). Ganun lang talaga kapag may crush ka diba, anyway noon pa naman yun nung kabataan ko HAHA. Back to the story, maaliwalas ang mukha nya non. "Kira, right?" Tanong nya sa akin na mas lalong nakapagpapula ng pisngi ko. Tumango-tango ako. Para na akong sasabog na ewan nang malaman kong alam nya pala ang pangalan ko. He knows me, he knows my name. Pwede na akong sumakabilang-buhay."I'm Efraim, kilala mo naman siguro ako. Madalas kita nakikita" he said na may kasamang chuckled sabay lahad nya ng kamay sa akin. Nagkulay kamatis na ako nun panigurado, dahil sa sobrang init ng mukha ko. Pero nanlalamig ang kamay ko nang aking inabot ang kamay nyang napakalambot pala. We've shaked our hands for the first time."Bunso, pwede ba kita ma-invite? May bible study kami sa bahay mamayang 3pm. Just a short time lang, may mga naimbita narin naman akong makakasama mo" sabi nya. Natuwa na sana ako pero feel kong nawala yung masayang awra ng mukha ko nang marinig kong tawagin nya akong "bunso" :<"s-susubukan ko k-kung makadalo ako" sabi ko sakanya habang kakamot-kamot sa batok(jeje days).Ngumiti lang sya sabay may iniabot na babasahin. "heto, basahin mo yan kapag may time ka. Pero alam mo, laging may time...hindi yan mawawala. At mahalagang maglaan tayo ng time para sa Kanya. Hihintayin kita mamaya ah" magalang nyang sabi at ginulo pa ang buhok ko bago sya umalis. Luh feeling close. Pero aaminin ko na, sobra akong kinilig noon, kaya kahit pagsasandok ko ng kanin ay nakangiti ako, na sya namang ikinagalit ni mama ko, mukha daw akong timang.Nagdadalawang isip ako na pumunta sa bahay ni Efraim dahil nahihiya ako, crush ko yun e. Pero gusto ko rin kase sya makita, alam nyo na hehe. (kainaman ka naman Kira!).Bago mag-3pm ay tinungo ko ang kanilang bahay, may kalayuan din kahit nasa iisa lang kaming barangay. Sa may pintuan ay nakita ko kaagad si Efraim kasama ang dalawang babae at dalawang lalake na sa tantya ko'y mga kaedad ko lang rin. Tapos may isa pang babae na nasa mid 40's ang edad, nginitian ko sya pero nakatitig lang ito sa akin ng masama. Pinapasok na kami sa bahay, doon palang sa bungad ay may naramdaman na akong kakaiba. Tiningnan ko ang mga kasama ko pero parang ako lang ang nakaramdam ng kilabot sa bahay na yun. That was the first time na nakapasok ako sa bahay nila Efraim. Medyo luma na pala talaga sa loob, bulok na ang ilang kahoy at sadyang madilim dahil patay ang kulay ng kanilang dingding. Pumuwesto na kami sa may sala. "sandali ha? May kukunin lang ako sa kwarto tapos mag-uumpisa na tayo" nakangiting sabi ni Efraim. Ewan ko ba, bakit ba laging nakangiti ang taong yun na akala mo'y walang kaproble-problema. Mas lalo tuloy akong humahanga.Sinundan ko sya ng tingin papasok sa isang madilim na silid, pagbukas nya sa pinto ay bigla akong kinilabutan sa nakita ko. May matandang babae na nakaupo sa gilid ng higaan. Puti na ang kanyang buhok at kulubot na ang mukha. Nakaupo sya habang yakap ang sariling katawan na tila nilalamig. Bago pa sumara ng tuluyan ang pinto ay nakita ko kung paano nya ako panggulatan ng mata habang nakangisi ang matanda. Umakyat ang matinding kilabot sa akin. Napayuko ako habang pinakikinggan ang pagkabog ng aking dibdib, hanggang di ko na namalayan na nakabalik na si Efraim dala ang makapal na biblia. Tinanaw ko ulit ang kwartong yun, sarado ito. Gusto ko sanang itanong kay Efraim kung sino ang matandang nakita ko, kung totoo ba yun o namalikmata lang ako. Pero nagyaya na si Efraim na magsimula. Nagstart kami sa isang dasal na pinangunahan ng babaeng masama ang tingin sa akin kanina. Nagpakilala syang tiyahin sya ni Efraim, si aling Gina. Ang bigat ng nararamdaman ko sa bahay na yun, kaya kahit taimtim ang pagdadasal ay hindi ako napakali. Pinakiramdaman ko ang paligid, I know it sounds weird pero ang bigat ng presensya sa bahay na yun. Para bang ang lamig lamig ng hangin. Tahimik naman ang paligid pero feeling ko'y nabibingi ako ng ingay na sa tenga ko lang namamalagi. Idagdag mo pa ang matandang nakita ko kanina sa kwarto. Nag-umpisa na kami sa bible study kaya pilit kong iwinakli ang kung anumang bumabagabag sa isip ko. Kahit papano'y nabawasan ang kakaibang pakiramdam lalo na nang mag-umpisang magpaliwanag si Efraim. Napakarami kong natutunan sakanya at mas lalo akong napahanga sa husay nya sa pagsasalita. Napaka-convincing. Pero may pagkakataon na nakikipag debate ako kay Efraim dahil nga magkaiba kami ng relihiyon. Panay rin ang tanong ko kapag may hindi ako maunawaan ng lubusan. Samakatuwid ay ako lamang ang maraming tanong during the whole time, bagay na tila hindi ikinatuwa ni aling Gina. Napansin ko kaseng mas naging matalim ang titig nya sa akin.Mabilis na natapos ang diskusyon, siguro nasa 30 minutes lang yun. Nagpaalam na kami na uuwi, pero bago yun ay binigyan pa kami ng babasahin ni Efraim.Pero may nangyareng kakaiba na naging simula ng lahat. Halos mapasigaw ako sa gulat nang may biglang kumalabog sa isang kwarto kasabay ng malakas na pagsigaw. Nagulat rin ang mga kasama ko pero hindi manlang natinag ang mag-tiya. Napatingin ako kay Efraim at ganun din sya sa akin. Nakuha naman nya ang ibig kong sabihin. "ah pasensya na, si mama lang yun. Ganyan talaga sya" sabi ni Efraim nang may maaliwalas na mukha. Nagtaka tuloy ako kung bakit tila balewala sakanya ang ganung tagpo.Muling may sumigaw mula sa kwarto, hindi ko maintindihan ang binubugang salita ng tila boses babae na may malaking tinig. Tagalog ang kanyang iniimik pero wala kang mauunawaan sa mga ito dahil samu't-sari at sunod-sunod ang paglalabas nya ng mga salita. Lumakad papasok ng kwarto si aling Gina. "oh pano sa susunod nalang ulit ha?maraming salamat sa pagpunta nyo. Pagpalain nawa kayo ng Diyos. Thankyou ulit Kira" sabi ni Efraim with a smile.Lumakad na kami palabas ng bahay, pero nilingon ko sya ulit. Nakangiti parin ito habang isinasara ang kanilang pintuan, kumaway pa sya sa akin. Hindi ko maiwasang matakot dahil naririnig ko parin ang sigaw ng babae sa loob na ayon kay Efraim ay ang mama nya." Ito kaya ang matandang nakita ko kanina?" Di ko maiwasang matanong sa sarili ko.Noon ko lang nalaman ang bagay na ito kahit matagal ko ng kilala si Efraim. Nakapagtataka lang kung bakit ang mga kapitbahay na alam kong nakaririnig rin naman ang tila palahaw ng matanda ay para bang mga wala silang pakealam. Anong meron sa pamilyang yun? Bakit ganun makatitig sa akin si aling Gina? Bakit parang nakakulong din sa kwarto ang kanilang ina? Bakit ito sumisigaw? Bakit ganun si Efraim, parang may tinatago syang lihim?Anong meron sa bahay nila, na tila may mabigat na presensya?Ang dami kong katanungan sa aking isip noon, na akala ko'y hindi na mabibigyang kasagutan.Sino kaba talaga Efraim? Anong misteryo ang meron sa'yo at sa pamilya mo?

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now