Likod
Kwento to ng officemate ko sa isang call center. Nung 2012 naka destino ko sa isang site namin sa Manila. Maayos naman ang building at bago pa.Madami nang nagsasabing may mga nararamdaman silang kakaiba; sa restroom, sa training rooms, pati na rin sa elevator.
Tuwing may bagong experience ng kababalaghan eh nagkukumpulan kami para magtakutan at sobrang naka focus sa nagkkwento. Isang araw, nag share si Josie ng naranasan nya. May ilang bwan na pala ang nakakaraan nung nangyari sa kanya yun pero di nya kinwento para di kami matakot. May dalawang linggo na raw nun na masakit ang likod nya. Pagod na pagod lagi ang pakiramdam nya. Inisip nya na may pilay sya pero wala syang time magpatingin, at parang imposible din naman na bigla lang syang magkapilay. Minsang galing si Josie sa pantry patungong conference room ay napadaan sya sa meeting room. Lahat ng pinto dun ay standard na may salamin na parang 2 x 3 ft. approximately. Napalingon sya at nakita ang reflection nya as expected, pero may isang reflection na di nya inasahan at di nya ninais makita. May batang babaeng nakasakay sa likod nya! Nakakapit ito sa balikat nya at nakapaikot ang hita sa beywang nya. Yung typical na batang nakapasan. Kinikilabutan man ay pinilit nyang huminahon at huwag sumigaw. Nang nakaupo na sya ay kinausap nya ang batang alam nyang nasa likod pa rin nya. ""Bumaba ka na dyan, wag mo na ko pahirapan ang sakit sakit na ng likod ko eh.""Tila magic ang nangyari na kahit wala syang ininom na gamot, walang hilot o kahit anumang lunas na nilagay sa likod nya eh nawala nalang ang sakit. Alam nyang tumalab ang pakiusap nya. Bumaba na yung batang nakapasan sa kanya. Di na naulit yun pero ramdam nya pa na laging nakasunod sa kanya ang bata." Arlene Caloocan
Ang Batang Tambay sa 14th Flr
Hi admin gusto ko lang ishare ung naexperienced ko sa wynsum building 14th flr sa ortigas kahilera lng sya ng estrata 100 at katapat ng prestige building. Actually pang 13th flr tlaga un since building siya wala siyang 13th so direcho 14th flr na siya. I worked in a bpo company, and this scary thing happened sunday night, forgot the exact date, so pag tuwing sunday konti lang ang agents, at that time kakalipat lang nmn sa 14th flr sa 15th flr kase kme before. Actually i heard a lot of scary moments sa flr na yun actually naexperienced ko na before nung time na tinetest nmn ung mga computer pero hndi ko muna pinansin. So let's move to sunday night, super avail kme that time it means wala masyadong calls tpos sa isang buong floor mga nasa 20 agents lng kme may sched ng sunday. May kawork ako na nagkwekwento na may nakikita daw siyang something dun sa floor na yun ako dedma lng kse ayoko nga maniwala. Tpos eto ang nangyare, pa umaga na yun so paout nko, after ko nag log out, palabas nko. Ganto ichura ng office namin isang buong floor siya na maraming line of stations sguro nasa mga 20+ line. Ung pinto palabas malapet sa pang 17 na line and ung station ko that time nasa pang 5 line, naglalakad nko ppntang pinto biglang may nakita akong batang tumakbo sa pang 10 line at sumuot sa ilalim sa isa sa mga stations sa line na yun, then ako nagulat ang ginawa ko bumalik ako sa line 10 then pinuntahan ko ung station then pgpnta ko wala nmng tao o bata. Kinilabutan ako sabay takbo sa coach ko then kinwento ko, tpos nrinig nung kawork ko ung snbe ko then sabi niya yun daw ung batang nakikita na niya na naglalaro sa mga agents minsan at tumatambay sa locker. Omg kinilabutan tlga ako that time, then until now andun pdin ung bata may iba pa siyang kasama na medyo naaaninag ko pero hndi ko na pinapansin. Tapos nagprapray nlang ako. Yun lang just want to share my spookify story.AnneRganda Pasig City
Call Center
I'm not good in writing stories but I'll try my best to share my experience working as a call center agent. Just call Brei (not my real name). Nagtatrabaho ako bilang customer service representative sa isang call center company. Maraming nagsasabi na mahirap daw ang maging call center agent, trabaho sa gabi, tulog sa umaga at walang holiday-holiday sa mga call centers, semana santa, kahit christmas at new year may trabaho pa rin. No choice, foreigners yung inaassist namin so sa kanila magka iba ang holiday. Matagal na din ako sa ganung trabaho dahil hobby ko din naman ang mag puyat kahit noong hindi pa ako nagtatrabaho kaya naman siguro nasanay na ako sa trabaho ko. Night shift ang schedule ko at dahil mahirap mag commute, minsan sa sleeping quarters ako natutulog. Maundy Thursday (semana santa). After ko mag break ay nakatanggap ako ng tawag at isang babae ang customer/caller. Umabot sa punto na may kelangan akong iprocess sa account nya at sinabi kong "Ma'am kindly stay on line as I need to process your request." Naririnig ko sa background noise na may kausap si maam na lalaki at tingin ko ay papa nya, medyo matanda na kasi ang boses. After 3 minutes, "Alright, ma'am? I need to verify some information from you. So I need to ask a few questions. Is it okay?" Hindi sumagot si ma'am. So inulit ko ang pagtatanong, nag antay ako ng 2 minutes ngunit wala paring response mula sa caller. Ang tahimik sa kabilang line at wala na rin akong naririnig na nag uusap. Napasulyap ako sa orasan, "1:11AM" so it means good friday na nung time na yun. "Hello ma'am are you still there?" Tanong kong muli ng may narinig akong ingay or static sa line. Na isip ko na baka may pinuntahan saglit yung customer at iniwan ang phone nya ng hindi nya ako ininform. I waited patiently sa answer mula sa customer ng bigla nalang may ingay akong narinig na para bang may umandar na machine, tila isang generator at sobrang ingay. "Ma'am? Are you there?" Tanong ko muli, nandun pa rin ang ingay sa kabilang line nung may narinig ako na parang kinikiskis ang phone ng caller sa table or sahig na hindi ko mapaliwanag, ng may sumisigaw na isang bababe na tila medyo malayo sa kinaroroonan ng phone, tumayo ang balahibo ko ng marinig ko ang sigaw na tila ba isang babaeng humihingi ng saklolo at sinasabunutan para patayin. Yung sigaw na parang sa horror movies mo lng naririnig. Nataranta na ako baka ano ang nagyari sa customer ko nung time na yun. Nakikinig parin ako at umaasang sasagot si caller. Nakarining ako na may boses ng isang malaking lalaki na parang devil sa movie ang boses, hindi maintindihan ang mga sinasabi niya at lalo pa at iba ang language, hindi ko alam kung language ba talaga yun o parang isang spell at patuloy pa rin ang mga ingay kasabay ng boses nung malaking lalaki. After 6-7minutes, naputol yung line. Tinawagan ko ang caller muli para ipagpatuloy ang nasimulang transaction. "Hello?" Answer ni caller."Hi, This is Brei again maam from ***. The line was been disconnected so I call back to continue assisting you." CALLER: "Oh! It's you. I'm sorry, I ended the call intentionally. I can't just stand to listen, It's sounded like someone is possessed by a demon on your end." Nanlaki mga mata ko ng malaman ko na hindi lang pala ako ang nakarinig non. ME: "I heard the same thing ma'am." CALLER: "So what was that? It's weird and creepy. I've never heard that kind of static on a telephone line before." ME: "I don't even know ma'am, but it's okay. Let's just go ahead and continue what we've started." Pag iba ko ng usapan. After ng shift ay naikwento ko sa team leader ko yung na experience ko. Sinabi nya sakin na meron din daw naka experience nung ganong bagay sa parehong computer station pero na capture sa recording yung call nya ng araw na yon. Nag iinstruct daw si lalaking agent sa customer ng nagka static sa line at sumingit ang boses ng isang babae. "What?!" Tanong ni customer.Nag apologise si agent at inulit yung sinsabi nya. Napa 'what' si customer dahil sa sumingit na boses. The day after nung pangyayari ay pinarinig sa kanya ang recording ng call nya at sabi nya pag uwi daw nya ng bahay ay may mahaba syang sugat sa left leg nya at hindi daw nya matandaan kung saan nya nakuha ang sugat nya. Natulog din ako sa sleeping quarters once at hindi na mauulit yun. Nagka sleep paralysis ako at natatanaw kong may batang lalaki na nakatitig sa ibabaw ko. Hindi masyadong klaro yung mukha nya based sa nakikita ko, lubos ang pasasalamat ko ng may nag alarm na phone at nagising ako. Sabi pa nga ng mga guards na may bata daw na pagala gala sa training rooms at naglalaro ng mga keyboards. Junjun tawag namin sa batang lalaki at kahit saang Call Centers merong Junjun, diba mga CC agents?Yun yung pinaka unforgettable call. After nun ay hindi na ako umupo sa ganung station. ~Brei_xx
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...